Chapter 9: Meeting Sandy

57K 684 81
                                    




AN: Dahil sa isang buwan nga akong nawala..nakalimutan ko na Maybelline pala ang tawag ni Kevin kay Mia..hahahahahha.. peace! Nakalimutan ko talaga..thank you sa nagremind sa’kin :* hindi ko pa ata napapalitan..edit ko nalang later..


----------------



Sobrang babait ng mga staffs ng Sandy’s World. Akala ko talaga eh buong araw kaming mananatili don pero mali pala ako. Hindi lang kami isang araw don kundi pati din isang gabi. Pero kahit na nasa loob na kami ni Kevin sa suite namin, hindi ko parin gets kung anong tinutukoy niya don sa imemeet namin at kung bakit napili niya ang resort na iyon.


Maganda naman ang resort pero may ibang resort pa na mas maganda pa don.


“Anong iniisip mo?”


Tanong ni Kevin sa’kin habang nakaupo ako sa couch.


“Kung anong gagawin natin dito. Hindi naman siguro tayo pumunta dito para lang makitulog diba? At iniisip ko din kung sino iyong imemeet natin.”


Tumayo nadin si Kevin pagkatapos kong sabihin iyon.


“Excited ka ng mameet siya noh?”


Tanong ni Kevin sa’kin saka siya ngumiti.


“Oo. Pwede ko na ba siyang makita?”


Tanong ko kay Kevin.


“Fortunately..Oo. Tayo na?”


Nilapitan ako ni Kevin saka niya inalay iyong kamay niya. Inabot ko naman iyon at magkahawak kamay kaming lumabas ng suite.


Pero habang naglalakad kami palabas, hindi parin mawala sa isipan ko ang malaking tanong na ‘Sino kaya iyong tinutukoy ni Kevin?’.


Hindi kaya mga parents ko? Or parents ni Kevin? O di naman kaya mga friends ko? O baka naman may birthday party? O may surprise?


Ang dami kong naisip na sagot pero hindi ko alam kung alin don ang tama. O kung may tama ba sa sagot ko.


“Oo nga pala Kevin. Bakit Sandy’s World ang pangalan ng resort nito? Sandy ba ang pangalan ng may-ari nito?”


Tanong ko kay Kevin.


Nakalabas nadin kami ng pension house. Ramdam na ng balat ko ang sikat ng araw pero nakapaglagay naman ako ng sunblock.


“Hmmm.. Sandy’s World dahil si Sandyiyong main attraction dito.”


Sagot ni Kevin.


Main attraction. Iniisip ko talaga kung anong ibig sabihin ng main attraction. Diba iyon iyong dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao sa isang lugar? Dahil gusto nilang makita ang main attraction na iyon?


“Ibig sabihin clown si Sandy?”


Tanong ko ulit kay Kevin pero sa haliip na sagutin niya ako ng maayos. Pinagtawanan lang niya ako.


“Hahahaha.. Bakit ba ang cute mo Maybelline?”


Tanong niya sabay pisil sa ilong ko.


“Eyyy... Matagal na tayong magkasama pero hindi mo parin alam ang dahilan kung bakit ako cute? Syempre dahil cute nag Mommy ko..”


Sagot ko sa kanya.


Hindi nagtagal nakarating din kami ni Kevin sa isang malaking pool kung saan naka konekta don ang dagat.


“Magsiswimming tayo?”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon