Chapter 4: Valderama's Last Words

93 10 5
                                    


"Ako so Cristopher Magsalin, grade eleven student at nabibilang sa Human and Social Science Strand. Magkaklase kami ni Maegan simuls junior high hanggang ngayon," pagpapakilala ko matapos nila akong bigyan ng hudyat para magpakilala. Ang katawan ko'y nakaharap sa kanila para makita nila sa body language ko na genuine ang sasabihin ko at wala akong tinatago.

"Anong oras ka pumasok sa school nitong umaga? Nakita mo ba si Maegan?" Umiling ako bilang sagot sa unang tinirang tanong ng opisyal.

I licked my dry lips and answered, "I almost got late this morning, but I still managed to come on time in our first subject. Eksaksong alas-siete ako nakapasok sa room, kasabayan ko pa si Sir Valderama. Hindi ko nakita si Maegan sa first subject namin at inakala ng lahat na absent siya, maging si sir. Pero iniisip ko na baka na-late lang siya dahil hindi naman 'yon palaliban lalo pa't no'ng naging siya ang class president namin," sagot ko.

"Lumabas ka ba no'ng nagkaklase kayo?" umiling ulit ako nang magtanong si Officer Versoza.

"Strikto si Sir Valderama, ayaw niya ng may lumalabas kapag nagtuturo siya. Nakalabas lang ako sa classroom para pumunta sa gymnasium para sa susunod naming klase kay Sir Sevilla. Grupo kaming pumunta roon at halos hindi naman ako pumunta kahit saan. Kahit pa no'ng P.E class namin."

"Kung ganoon, anong ginagawa mo bago ka napadpad kung nasaan si Maegan? Anong ginagawa mo no'ng nagkagulo dahil sa alarm?" Napansin ko na naging tahimik ang long-haired detective wannabe na parang may malalim na iniisip habang ini-interrogate ako. Nakahawak ito sa kanyang baba at parang tumatagos ang tingin sa akin.

"P.E class pa namin bago mag-alarm kaya nasa gymnasium pa rin ako no'n. Nagkagulo't nagsialisan na ang mga kaklase ko pero natira ako roon para pulutin ang mga importanteng gamit na naiwan ng mga kaklase ko, utos ng bagong class president namin na pinalitan si Maegan."

"Seryoso ka? Bakit naman nila 'yon gagawin sa 'yo? E paano kung totoong may sunog nga o lindol?" It was Raea who have a violent reaction. She has always been that way when she realized how my classmates treated me.

"Oo nga, Cris. Bakit hindi ka umalis?" tanong ni Sir Sevilla na may pag-aalala ang tono.

"I have to follow her, and I'm also part of the class officers so it is normal. Ako lang naman ang lalaki sa listahan e."

"Isn't it a bit weird for you to spot your classmates belongings easily?" sabi ng lalaking detective wannabe na may makapal na salamin na pansin ko'y tahimik pero malaman ang mga tanong. Kahit maliit na detalye ay nakikita niya.

"It because I was tasked to memorize their belongings, hindi mahirap 'yon dahil madali sa akin ang makapag-memorize. At ilang months na rin nang magsimula ang klase kaya nakapakadaling matandaan ang mga gamit nila." Napatango ito sa sinabi ko.

"Back to the question," the guy named John spoke. Akala ko naman ay nalunod na 'to sa lalim ng iniisip, nakikinig din pala. "Paano ka napadpad kung nasaan ang biktima?"

"Napansin ko kasi na tumutunog ang cellphone ng class president namin. Naiwan kasi nito ang purse niya. Medyo matagal bago ko sagutin ang tawag, ang plano ko kasi ay i-turn off na lang ang phone dahil naiingayan ako habang nagbibitbit ng mga gamit ng kaklase ko. But when I saw Maegan's name in the screen, that was the time I answer."

"Question," the bee detective wannabe said, interrupting me. He even raised his hand to cut me on my statement, "isn't it a bit weird for a person like you to answer that call? Hindi ka ba natatakot sa class president ninyo dahil nakakailam ka?"

Mukhang nage-gets niya ang posisyon ko sa klase namin. Sino ba naman kasing mercanian ang papayag na magpaiwan? Unless he was a slave in your class. And since I'm a slave, what's with my audacity to answer the call from my leader's phone?

Moriarty's Disciple: Cristopher MagsalinWhere stories live. Discover now