Chapter 3: Moriarty's Involvement

118 7 0
                                    

Dinaig pa ng mukha ko ang lupang binagsakan ng marubdob na bulalakaw sa hagupit ng suntok mula sa kamao ng lalaking nagtatangis sa bangkay ni Maegan. Agad na naalerto ang dalawang gurong naro'n at pinigilan ito sa pagsunggab sa akin. Awtomatiko na bumagsak ako sa lupa dahil nawalan ako ng balanse.

Bumalik ako sa reyalidad at natunghayan ang naglalagablab niyang galit sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Hindi ko batid kung ano ang ikinakagalit niya sa akin. Tinapunan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at nakitang may mga pasa siya't may mga mansta ng dugo ang kasuotan. Matangkad siya't matikas ang pangangatawan dahil isa siyang basketball player. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga nanliligaw kay Maegan.

"Kasabwat ka sa mga gumawa sa'min nito ni Maegan!" makapal ang mukha niyang bintang sa akin at tinuro-turo ako. Hindi nakalagpas sa akin ang panginginig niya sa sobrang galit at halos maiyak siya. "Nakakasiguro ako na kasabwat siya mga sir! Ikulong na natin ang lalaking 'yan."

Kung katauhan lamang ni James Moriarty ang kaharap nila ngayon ay baka pinaglaruan ko na ang sitwasyon. Baka patulan ko pa o akuin ang walang basehang bintang niya sa akin para umapaw ang galit nila sa akin. Ngunit hindi, kaharap nila ngayon ang malinis at inosenteng katauhan ni Cristopher Magsalin. Hindi ko hahayaan na mamantsahan ang pangalan niya kahit anong mangyari.

"W-Wala akong alam sa binibintang mo. I am trying to save her! She asked my help but it was too late," pagpapaliwanag ko at tinuro ko pa ang malamig na katawan ni Maegan. Aambaan na sana niya ako ng suntok ngunit malakas ang pagkakapigil ng dalawang guro sa kanya.

"Huwag ka masyadong padalos-dalos, Daryl. Kilala ko siya at isa pa, wala tayong matibay na ebidensiya laban sa kanya" saad ni Sir Melchor Castillo na madilim palagi ang ekspresyon. Mayroon siyang malaking sugat sa kanyang mukha na naging pagkakakilanlan na rin sa kanya. Isa siya sa mga matagal na sa serbisyong guro rito sa Merca Academy at siya ang senior high school administrator.

"Maniwala ho kayo sa'kin, sir. Kaklase ko si Maegan, bakit ko siya papatayin? Tinawagan niya si Nellie pero hawak ko ang cellphone ni Nellie at doon ko nga nalaman na kailangan niya ng tulong. Pumunta ako sa lugar na sinabi niya sa akin pero hindi ko na siya naabutan roon. Nagbabakasakali ako na baka makita ko siya kaya sinubukan ko siyang hanapin nang makarinig ako ng tatlong magkakasunod na putok ng baril. Sinundan ko ito kung saan ito nagmula at nakita ko nga siyang nag-aagaw buhay. Sinubukan kong humingi ng tulong pero hindi na niya kinaya."

This was how Cristopher Magsalin formulate his reasons, since Sir Castillo handled me before and Sir Sevilla handled me in our P.E class for two consecutive semesters, they would instantly believe me. My reputation would save me.

"Tinawagan na namin ang Capruspol at sa mga oras na ito'y siguradong papunta na sila rito. Mahalaga ang mga detalye na isisiwalat ninyo sa kanila para matukoy ang salarin sa krimeng ito." Sir Sevilla tried to crouch to check her pulse but Sir Castillo stopped him. "Please don't touch her corpse before your DNA contaminate her body. It would be hard for the authority to determine her killer."

"Si-Sir paano 'yan? Magkasama kami't nilapitan ko--" Before he could finish his alibi, three officers went to us. Kinausap sila ni Sir Castillo at hawak-hawak pa rin ni Sir Sevilla ang nambintang sa akin. Tumayo ako't hindi lumisan dahil handa akong isabi sa mga pulis ang mga pinagdaanan ko. Wala akong kasalanan kaya hindi ko kailangang matakot.

Naguguluhan ako. Nang kausap ko si Maegan ay siya lang mag-isa pero bakit pinapalabas niyang magkasama sila? Baka nagkahiwalay silang dalawa total dalawang drum naman ang tulak-tulak ng nagpanggap na janitor? Pero bakit siya lang ang nakatakas? Bakit hindi kasama si Maegan?

Namalayan ko na lang na kinokordonan na lang ng mga pulis ang bahagi kung saan nilapag ko si Maegan. Ang bangkay niya ay nilagay sa stretcher at tinabunan na lang ng puting tela. Pinagmamasdan ko silang palayo sa pinangyarihan ng krimen. Bigla ako natulala habang pinagmamasdan ko siya at naalala ang huling pag-uusap namin.

Moriarty's Disciple: Cristopher MagsalinWhere stories live. Discover now