Chapter five----Accepted

268 6 9
                                    

Author's note: As I promised, maga-update ako ngayon. :)
Malapit na matapos yung FL. Ahuhu. Gusto kong gawan ng story si Jeyden. Kahit one shot lang. Ahuhu. May magbabasa naman kaya?

-
Isang malaking bagpack lang ang dala ko papuntang Nueva Ecija. Hindi rin naman kasi ako pwedeng magtagal dun. Kailangan ko lang talagang bisitahin si Papa.

Naka-upo ako sa isang bench sa may terminal ng bus. Hinihintay kong pumatak ng 5AM. Nagbabaka sakali ako na sasama si Matt. Kahit na hindi man lang siya sumasagot sa mga tawag at text ko. T.T

5:10 AM

Wala pa rin siya. Napa-sibangot ako. Hindi na talaga siya darating.

Naglakad na ako papunta sa bus na maghahatid sa akin sa Nueva Ecija. Sandali lang naman ang biyahe dun. Three to four hours, depende kung traffic. Papaakyat na ko nang biglang may humatak sa braso ko. Muntik na kong mahulog!

"Ano ba-"

Nilingon ko yung taong humawak sa braso ko.

Inirapan ko siya. Tss.

Naghanap na ko ng mauupuan. Pumwesto ako sa tabi ng bintana, sa may kanan na side ng bus. Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko.

"Sorry, my love. I am very sorry for being late."nahihingal pang sabi ni Matt

"Sana man lang nagrereply ka o sinagot mo yung tawag ko! Paano kung hindi na kita nahintay! Tss."

Naramdaman ko naman yung paghawak niya sa laylayan ng damit ko. Aba! Nagpapaawa pa!

Alam na alam na hindi ko siya kayang tiisin. >_<

"Sorry na. Si Mommy kasi, you know. She freaked out when I told her that I'm coming with you. Kinuha niya yung phone ko. She thought magtatanan na tayo. How I wished na totoo ang hinala niya."sabi niya sabay ngisi

Napalingon ako sa kaniya. Ramdam ko yung init sa pisngi ko. Pinalo ko nang malakas ang braso niya.

"Ikaw talaga! Tanan-tanan ka jan!."

Kinuha niya naman yung bag na bitbit ko.

"It's a joke, okay? I can't live and run away with you right now. I don't want to ruin your future even if I want you so bad. I want what's best for my future wife."

F-future wife?!
Good Lord. Jusmeyo! Sasabog na ata ako sa kilig! Waaaaaaaaaah! >////<

Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.
Here is his jerk and playful side again. At wala akong magawa. Lalo akong naiinlove sa kaniya.

***
Buong biyahe, nakapatong yung ulo ni Matt sa balikat ko. Napuyat ata sa pagconvince sa mommy niya para makasama sa akin. In the end, pumayag din naman daw ang mommy niya dahil sa pangungulit niya.

Ano kayang itsura ng mommy ni Matt? Mukha din kaya siyang artista katulad ni Matt? Mukhang kontrabida sa mga drama? O mukhang katulad ng mga evil mom sa mga koreanovelas? Ahihi

Nang makarating na kami sa may unang bayan sa Nueva Ecija, ginising ko na si Matt. Malapit lang ito sa mismong bayan namin. Bumaba kami sa kasunod na bayan.

Waaaaaaaah. Ang sarap langhapin ng simoy ng hangin dito sa probinsya! The best! ^_^

Pumara ako ng tricycle. Si Matt, hindi mapigilan ang pagdukwang sa labas. Paano naman? Ang ganda ng view sa bukid! Ang ganda ng shade ng green! Puro tanim na palay ang makikita mo.

"It's so refreshing here."nakangiti niyang sabi
"May mas magagandang places pa dito sa Nueva Ecija. Kaya lang, medyo malayo sa bayan namin."

Dumungaw ulit siya sa labas. Hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

Pagbaba ko, nakita ko ang pagsalubong sa amin ng mga batang naglalaro sa may labasan.

"Ate Chesca!"sabay-sabay nilang sabi

Nginitian ko naman sila. Kumatok ako sa may gate ng bahay namin.

Binuksan ni Jeyden ang gate namin. Nakita ko naman ang nakasimangot niyang mukha.

"Bawal ang mga nagtanan dito."masungit niyang sabi

Hinatak ko naman papasok si Matt.

"Pagmamay-ari ko din to. Ikaw ang bawal dito. Tss."

Ang kapal! Akala mo naman anak talaga siya ni Papa. Grrr.

Maliit lang ang bahay namin. Gawa sa semento pero kahoy pa rin ung sumusuporta sa bubong. Walang kisame. Mwehehehe.

Pinaupo ko si Matt sa kawayang upuan namin. Narinig ko naman ang yapak papalapit sa amin.

"Aba salamat at nakaalala ka. Nagsama ka pa ng lalaki mo?"

Ang babae ng tatay ko, si Graciella. Hindi pa man naghihilom ang sakit ng pagkamatay ni Mama, pinalit na agad siya. Kung makaasta naman ang bruhilda na ito, feeling senyora! Siya ang dahilan kung bakit ako umalis dito. Pinalayas niya din ako.

Naramdaman ko naman ang pagtayo at paghawak ni Matt sa kamay ko.

"You do not have a fvcking right to talk to her like that, woman."masungit na sagot ni Matt

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Graciella.

"Mukhang mayaman ang nabingwit mo Chesca! Yayaman na tayo nito!"sabi niya sabay tawa ng malakas ng bruha

Napalukot ako ng noo.

"Hindi ako pumunta dito para makipag-asaran sa iyo Graciella. Nasaan ang Papa ko?"

Naglakad siya patungo sa dating kwarto nila Mama at Papa. Sumunod naman kami ni Matt.

"Is she your step-mom? No wonder you left this place."malungkot na sabi ni Matt.

Hindi na ko nagsalita.

Dahil hanggang ngayon, hindi ko matanggap.

Na ang dating matalik na kaibigan ni Mama, ang Tita Graciella ko na napaka bait sa akin, ay siyang naging step-mother ko. Evil step-mother.

Pumasok kami sa kwarto. Nakita kong nakahiga si Papa sa may kama. Pumayat siya.
Nilapitan ko siya.

Nagmano ako. Ganun din ang ginawa ni Matt.

"Pa, si Chesca ito. Anong nangyari sa'yo?"naiiyak kong sabi

Pinilit naman niyang umupo sa hinihigaan niya.

"Anak, salamat at nandito ka. Sino yang kasama mo?"

Unti-unting tumulo ang luha ko. Kahit naman ganito siya, ama ko pa rin siya.

"Boyfriend ko po, si Matthew."

Nakita kong nalukot ang noo niya. Tumingin siya kay Matt.

"Subukan mong saktan ang anak ko. Tatagain kita kahit hirap akong tumayo dito."

Tumingin din nang mariin si Matt sa kaniya.

"Huwag po kayong mag-alala. Hindi niyo mararanasang mahirapan sa pagtayo jan para lang tagain ako. I love your daughter and I am doing my best na hindi siya masaktan nang dahil sa akin. She's fragile, and I'm her protector. Masyado na siyang nasaktan nang dahil sa pamilya niyo. Shall I take the axe and cut you into pieces?"

Nagulat ako sa sinabi ni Matt. His jerk side is on again! Sa Papa ko pa talaga? Paano kung hindi siya matanggap ni Papa! Anubayaaaaan.
What are you doing Matt my loves! >_<

Naluha naman si Papa.

"Ngayon kampante na ko na may karamay ang anak ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Matthew."

Ngumiti naman si Matt kay Papa.

"Yes Papa. I won't leave and neglect her."

Hinawakan naman ni Matt ang kamay ko at ngumiti sa akin.

Okay. So, anyare?! Tanggap na agad siya ni Papa!?
Whaaaaaaaaat?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECRET OF MS. STALKER(book one-COMPLETED) ON HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon