Chapter three ---- Mark the date

532 16 16
                                    

[a/n]: happy 5k readsss SMS. saya saya xD

at dahil jan. Kelangan ko ng at least 1 comment para sa next update. bwahahahaha xD

enjoy reading guys~

purong kakornihan ito ng ChescAtt <3

follow me on twitter! @SerenityRiri

-----

Naglalakad ako papasok sa simbahan. Bawat paghakbang ng paa ko, kasabay ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Limang taon na din pala ang lumipas.

Umupo ako sa may mahabang upuan dito sa loob ng simbahan at taimtim na ipinagdasal ang taong kinauutangan ko ng buo kong pagkatao.

“Panginoon, kung nasan man po naroroon si Mama. Pakiusap po pakisabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya. na hindi ko po siya makakalimutan kailanman.”

Isang simpleng dalangin ang aking pinakawala kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Limang taon. Limang buong taon na pala simula ng kunin sa akin ang Mama ko. limang taon na pala akong nagdurusa, limang taong walang nag-aaruga sa akin na isang ina. Limang taong naghihinagpis ako at hindi pa rin makapaniwala na nawala na sa piling ko ang aking ina.

Bumalik ang lahat ng sakit. Sakit na naramdaman ko nung una kong malaman na wala na si Mama.

Sobrang sakit ng loob ko ngayon, sobrang sakit na parang gusto ko ng itapon ang kumikirot kong puso.

Habang ako’y nakayuko at taimtim na iniisip si Mama, bumalik sakin yung mga alaala namin.

Yung times na aakyat kami ng stage para sabitan niya ko ng medalya dahil sa top one ako, yung times na tinuturuan niya ko sa mga hindi ko maintindihang bagay, yung times na sabay kaming nagpupuyat tuwing may ipapasa akong project kinabukasan. Yung times na, ipinagluluto niya ko, inaalagaan kapag may sakit ako, pinapalo pag may nagawa akong hindi maganda.

Namimiss ko lahat ng toh. Dahil sa limang taon na nagdaan, wala na akong Mama na gagawa ng mga bagay na yan.

“Ma, masaya ka po ba kung nasan ka man ngayon? Masaya po ba jan sa heaven? Alam mo Ma, miss na miss na po kita. Kung pwede lang sanang, bumalik ka na.”may kumawalang hikbi sa aking mga labi.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko man lang siya dinalaw sa puntod niya at nandito lang ako sa simbahan? Kasi, nakahimlay yung katawan ni Mama sa probinsya namin. Hindi naman ako makaka-uwi don. Kung kaya simula ng pumunta ako dito sa Maynila, inaalala ko na lang ang araw na toh dito sa simbahan.

Alam ko, malungkot masyado ang buhay ko. maaga akong nawalan ng isang butihing ina. Pero, alam ko na kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko dahil sa kung nabubuhay man siya ay siguradong ito ang gusto niyang gawin ko.

“Ma, alam ko pong lagi kayong nasa tabi ko. na lagi niyo po akong ginagabayan. Na kayo ang guardian angel ko. Ma, salamat. Maraming salamat po.”

Nandito lang ako. Naka-upo at umiiyak. Iniiyakan ang isang tao na wala na.

Nakaka-inis lang yung mga ibang tao na kasama pa nila yung nanay nila pero kung hindi nila pahalagahan ay parang hindi ito ang nagbigay-buhay sa kanila. Nakaka-inis, kasi ang lakas ng loob nilang bastusin at barumbaduhin yung ina nilang nagkalong sa kanila buong-buhay nila. Kung bakit ba naman nila nagagawa yun? Hindi kasi nila alam kung gaano kahirap at kasakit ang mawalan ng nanay.

Bakit nga ba si mama pa ang maagang kinuha? Hindi na lang yung ibang ina na binabastos ng anak nila? Alam mo yun, para hindi na sila maghirap? Siguro dahil kailangan pa silang lubos ng mga anak nila. Kailangan pa sila para magabago ang mga ito.

SECRET OF MS. STALKER(book one-COMPLETED) ON HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon