Chapter twenty-six ----Permission & Confession

531 8 5
                                    

------

“pero, hindi naman siguro imposibleng mainlove sa STALKER mo diba?”Matt

Natulala ako sa sinabi niya.

Totoo ba ang lahat ng toh?

Parang kelan lang, kung saktan niya ko parang walang halaga yung nararamdaman ko. Tapos ngayon, pinapahiwatig niyang mahal niya din ako? Imposible!

“bakit Matt? Na-inlove ka na ba sa stalker mo?”Sheryl

Dumating pala si Sheryl sa room namin.

Tumayo ng maayos si Matt.

“why are you fcking here?”Matt

“nauna kong magtanong. Na-inlove ka na ba sa stalker mo hah Matt?”Sheryl

Tahimik lang yung paligid namin. Kahit yung mga kaklase namin, nakikiramdam sa takbo ng pangyayari.

Hinatak ni Matt si Sheryl palabas ng room namin.

Haaay, ano bang nangyayari ngayon? (_ _)

Posible bang mahalin din ako ni Matt?

Pumunta ko sa upuan ko.

Nadako yung tingin ko kay Julius.

“Julius.”

Hindi niya ko sinasagot.

“paano kung sabihin kong, itigil na natin yung…”

“kahit ano gagawin ko…”Julius

“pero---.”

“maging masaya ka lang.”Julius

Naiyak ako sa sinabi niya.

Dati, ang sinasabi niya, gagawin niya ang lahat wag ko lang siyang iwan pero ngayon…ang saya ko. Ang saya-saya ko.

“thank you Julius. Salamat.”

Inakap ko siya, inakap niya rin ako.

“hindi Chesca. Kasalanan ko tong lahat. Patawarin mo ko.”Julius

“wala kang kasalanan.”

“meron, at alam kong darating ang araw na malalaman mo ang totoo. Pero please lang, wag kang magalit sakin. Ngayon pa lang humihingi na ko ng tawad.”Julius

“Julius…nagpapasalamat ako kasi andyan ka parati sa tabi ko.”

“hindi naman ako mawawala sa tabi mo eh.”Julius

“kaibigan pa rin kita, anuman ang mangyari.”

“oo. Sana, maging masaya kayo ni Matt.”Julius

“hindi naman niy---.”

“maniwala ka sakin. Basta, wag kang gagawa ng desisyon na hindi mo ikasasaya.”Julius

“oo. Pangako.”

JULIUS’ POV

“oo. Pangako.”Chesca

Ibig kong umiyak pero hindi ko magawa.

Sobrang sakit ang mag-paraya. At lalo na na sabihin sa taong mahal na mahal mo na maging masaya siya sa piling ng iba.

Pero diba, ang pagmamahal ay pagpaparaya? Kung saan sasaya yung taong mahal mo, dapat tanggap mo? Kahit na nadudurog yung puso mo habang nakikita mong masaya siya sa piling ng iba?

Siguro, ngayon ko maii-intindihan yung nararamdaman ni Chesca tuwing nakikita niya si Matt at Sheryl. Bakit ko ba hinayang masaktan ng ganon si Chesca? Ang selfish ko.

SECRET OF MS. STALKER(book one-COMPLETED) ON HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon