Chapter Twenty-one- Not A Funny Joke

504 10 2
                                    

“wag ka ng magsalita. Lagi mo na lang akong nasasaktan. Mabuti pa, isipin na lang natin na hindi tayo magkakilala.”Julius

Grabe ang lalaking toh.

Anong pumasok sa isip nito?

Halata kasing hindi totoo yung sinasabi niya. Hindi magaling um-acting. -_____-

Pakitaan ko nga ng acting ng President ng Drama team.

“ok.”

Wahaha, pigil na pigil ako sa pagtawa.

Siguro akala niya madadali ako ng joke niya. Pwes, siya ang madadali ng joke ko.

Napalingon siya sakin.

“tsk, so wala nga akong halaga sayo?”Julius

“kung sabihin kong oo, matutuwa ka na?”

Lumapit siya sakin at hinawakan yung dalwang braso ko.

“Chesca! Ano bang kailangan kong gawin? Kahit konting pagpapahalaga lang.”Julius

“inutos ko ba sayo na manatili ka sa tabi ko? Ikaw ang may gusto niyan.”

Nanlaki ang mga mata niya. Tapos tumawa siya ng mapait.

“haha. Ganyan ka pala ka-walang puso. Akala ko kung sino kang mabait. Ngayon alam ko na kung bakit d ka magawang mahalin ni Matt.”Julius

Hindi na siya umaarte. Ramdam ko yung bigat ng mga salita niya.

“nagagawa mong paikutin yung mga tao sa paligid mo. Wala kang kasing sama.”Julius

“Julius…”

“wag ka ng magsalita!”Julius

Sinigawan niya ko.

Sinigawan niya ko sa unang pagkakataon.

“akala ko kilala na kita.”Julius

“please…”

“TUMAHIMIK KA NA! AYOKO NG MARINIG ANG SASABIHIN MO!”Julius

Nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.

“haha. Akala mo madadaan ako sa iyak na yan! Yang pesteng iyak na yan!”Julius

“mahalaga ka sakin.”

“SINUNGALING!”Julius

“maniwala ka. Alam ko na jino-joke mo ko kanina. Hindi ka kasi magaling umacting kaya naki-ride ako sa joke mo.”

“ako? Nagj-joke?”Julius

“oo.”

“haha. Nagsabi ba ko ‘joke lang!’ o kaya ‘peace’? hindi! Ibig sabihin hindi ako nag-joke!”Jlius

“sorry.”

“sorry? SORRY? Haha”Julius.

Mapait yung mga tawa niya.

“sorry na nga sabi eh!”

“hindi ko matatanggap yung sorry mo.”Julius

“eh?”

“dahil simula ngayon, hindi ka na rin mahalaga sakin.”Julius

Pagkasabi niya non, feeling ko may kumurot sa puso ko.

“ayaw mo na ko makita?”

“oo naman. Nakakasuka yang itsura mo!”Julius

Napayuko ako.

Minsan pala hindi rin maganda ang pagbibiro.

Napabulong ako.

“sige kung yan ang gusto mo.”

SECRET OF MS. STALKER(book one-COMPLETED) ON HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon