Chapter thirty-two --- Meeting his Frienemy

442 9 0
                                    

PLEASE! pakibasa yung author's note sa dulo.

----

Lumakad ako palayo kila Matt.

Bakit nga ba ako naniwala sa kaniya nung una pa lang? napaka-imposible talagang mahalin niya din ako pero ako naman tong tanga na naniwala sa kaniya.

Pakiramdam ko, bawat paghakbang ko, kasabay ng pagka-durog ng puso ko.

Bakit Matt? Bakit nagawa mo kong saktan?

“ang kapal kasi. Kung makapapel naman, feeling girlfriend.”

“stalker lang naman pala.”

Narinig ko na naman yung tawanan nila.

“hindi ko nga siya girlfriend. But she is my SOON-TO-BE-GIRLFRIEND.  And I do love my stalker.”Matt

Napatigil ako sa narinig ko.

“what do you mean kuya?”

“hindi pa kasi niya ko sinasagot.”Matt

“so, you are courting your stalker?!!!”

“yes, I am. Sige, aalis na ko. Baka san pa pumunta yun.”Matt

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Naninigas yung mga paa ko, ayaw humakbang.

Bakit niya inamin na nililigawan niya yung stalker niya? Baka makasira yun sa image niya. Baka dahil sakin, masira yung image at career niya.

May naramdaman akong kamay na humawak sa pisngi ko, pinahid nito yung mga luha na tumulo. Si Matt.

“bakit umiiyak yung mahal ko hah?”Matt

“ikaw kasi eh. Feeling ko pinahiya mo ko sa mga fangirls mo.”

“pakiramdam mo lang yun noh. Ikaw pa, bakit naman kita ipapahiya eh mahal kita?”Matt

Nginitian nya ko sabay halik sa noo ko. napapadalas na pag-kiss sakin sa noo ng lalaking toh ah.

Iniabot niya sakin yung kamay niya.

“let’s go?”Matt

Tumango ako.

****

“san ba tayo pupunta?”

“just wait dear.”Matt^^

Si Matt, kanina pa ko hinahatak dito palibot sa mall, pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh. (“_ _)

Bakit hindi? Eh ang sikat na model na si Matthew Thompson, may ka-holding hands na babaeng mukhang yaya niya. Haaay.

“dito tayo kakain?”

Napatingin ako dun sa pangalan nung kakainan naming, Dela Courte Restaurant?!! Mukhang mamahalin.

Pumasok na kami ni Matt sa restaurant. Wow lang, ang sosyal. Pano ba naman eh yung mga kumakain dito mga naka-business suits, eh samantalang yung suot ko parang pang-carnderia lang >////<

Umupo kami ni Matt sa isang table for two na malapit sa glass wall.

“what do you want?”Matt

Tinignan ko yung menu.

Pusha! Ano ba mga pangalan ng pagkain dito?!!! Mas pinag-isipan pa ata kesa sa pangalan ko eh. Ang kumplikado >////<

“ikaw ba?”

“ahhm, pasta boulette na lang.”Matt

Ano daw?

“ahh, sige ganun din yung akin.” ^^

SECRET OF MS. STALKER(book one-COMPLETED) ON HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon