Chapter 7

4.8K 220 2
                                    

Clyde

Hindi maipinta ang itsura ko ngayon sa sobrang inis. Feeling ko gusto ko manapak ng tao. Paano ba naman kasi, pagkatapos ako halikan ni Cybelle kahapon hindi niya na ako pinapansin. Parang wala lang sa kanya ang halikan namin. Ako kasi first kiss ko 'yon! Dapat nga ako 'yong hindi pumapansin sa kanya dahil ako 'yong hinalikan niya. Hays! Nakakainis.

Tapos ngayon pa, kasama niya 'yong dalawang kaibigan niyang babae, na pinagpapantasyahan ngayon ni Abel at Junnie. At hindi lang 'yon may umaaligid sa kanilang mga lalaki. Kumukulo na talaga 'yong dugo ko. Parang makakapatay yata ako ngayon ha. Bakit ko ba kasi ito nararamdaman?!

"Clyde! Hoy! Kanina ka pa dyan. Namumula ka na, parang may masama ka yatang balak ha." Sabi ni Raul sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakasandal sa isang mataas na puno—na marami ng bunga ng buko—habang umiinom ng beer, hindi naman ako palainom dahil lagi akong nakaduty pero ngayon naiinis ako kaya hindi ko maiiwasan.

"Clyde naman, ano ba'ng problema mo ha?" Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ng matalim do'n sa lalaking pilit isinisiksik 'yong ulo niya sa leeg ni Cybelle. "Anak ng, nagseselos ka 'no?"

"Nagseselos? Hindi ako nagseselos 'no?"

"Sus, kilala kita, Clyde. Alam ko kung kailan ka naiinis o nagseselos. Pero ngayon feeling ko parehas." Saad niya bago tumangga ng

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ibig sabihin lang no'n, may gusto ka kay Ma'am Cybelle." Napabalikwas naman ako.

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa babaeng 'yon! 'Yan ang tandaan mo." Natatawa naman siya sa inasal ko.

"Hay nako, Clyde. Itanggi mo pa, halata naman nagseselos ka kasi may gusto ka sa kanya." Inirapan ko na lang siya dahil malapit nang sumabog ang dugo ko sa sobrang galit at ayoko naman ilabas sa kanya 'yon.

Sumitsit ako sa sakit nang may naramdaman ako na bumagsak na matigas na bagay sa noo ko. At sa noo ko pa talaga hindi na lang sa ulo. Pota! Ang sakit!

"Uy Clyde, may buko oh." Tinadyakan ko naman siya sa pwetan niya pero hindi naman masyadong malakas. "At talagang 'yong buko ang napansin mo at hindi 'yong kaibigan mong natamaan sa noo."

"Pasensya ka na. Masakit ba?" Inirapan ko siya.

"Natural, alangan naman hindi, eh kung ikaw 'yong bagsakan ng buko dyan." Napakamot nalang siya sa ulo.

"Tara samahan na kita sa loob para magamot 'yan, baka bukol lang ang abot mo dyan." Itinapon namin ni Raul 'yong can nung beer sa basurahan bago pumasok sa loob ng hotel.

Malapit na rin lumubog ang araw, kaya kitang-kita talaga 'yong magandang tanawin sa labas. 'Yong ibang tao nagpipicture lang, pang-instagram din kasi 'yon. Ang ganda no'ng lighting. Haha.

Nakasalubong namin si General, na medyo magulo 'yong buhok at nakabukas pa yung dalawang botones ng damit niya. Sumaludo naman kami ni Raul sa kanya.

"Alcantara, Jimenez. Ano'ng ginagawa niyo dito? At napano 'yang sugat mo sa noo?" Tanong niya sa akin.

"General, nabagsakan po kasi ng buko sa noo." Natatawang sabi ni Raul. Tumango naman si General.

"Nasaan nga pala si Cybelle?" Bigla na naman bumalik 'yong init ng dugo ko nang marinig ko ang pangalan niya. "Nando'n po siya sa labas kasama 'yong mga kaibigan niya."

"O sige, tatawagin ko muna siya para makakain tayo nang sabay-sabay." Tumango kami ni Raul bago siya nagpaalam.

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa isang resto sa Boracay. Kasama namin ang magulang ni Cybelle pati na rin ang dalawang kaibigan niya na sa pagkaalaman ko na ang pangalan ay Joyce at Rhian dahil nalaman ko kala Junnie at Abel.

Kasama rin kami nila Raul, Junnie, at Abel na kumakain kasabay sila. Nasa magkabilang dulo ng lamesa si General at 'yong bunsong kapatid niya. Kaming apat ay nasa kaliwang bahagi ni General. Sila Cybelle, Rhian, Joyce, at ang mommy niya ay nasa kabila. At sa kasamaang-palad na sa harapan ko pa siya.

Pero hindi ko siya tinitignan simula nang dumating kami dito. Ang tanging napapansin ko lang ang palihim na sulyap ni General sa sister-in-law nito. Bigla ko tuloy naisip 'yong pinag-usapan namin sa eroplano
no'ng nakaraang araw, pati na rin 'yong kanina kung bakit ang gulo ng buhok niya nang nakita namin siya sa lobby.

"Clyde, hija. Ano'ng nangyari dyan sa noo mo?" Tanong ni Mrs. Elizabeth, nanay ni Cybelle.

"Ah, 'wag po kayong mag-alala maliit na sugat lang 'to." Nararamdaman ko naman ang tingin no'ng isa sa 'kin.

"Kung maliit lang, why put a gauze on it?" Tanong naman ni Joyce na ikinatuwa ni Abel dahil sa tuwing naririnig niya daw 'yo g boses niya mas lalo daw 'tong nahuhulog. Ang corny ng mga kaibigan ko.

"Ayaw kasi tumigil no'ng dugo." Kumpirma ko. Medyo totoo naman yung sinasabi ko, akala namin ni Raul magiging bukol lang kaso nagkaroon ito ng sugat, pero hindi siya maliit na sugat lang, medyo malaki parang kasing laki ng piso. At may bonus pa itong pasa kaya 'pag gumagalaw ako kumikirot ito.

"If you say so."

"Anyways, Tita and Tito. Are you guys excited for your anniversary tomorrow?" Tanong naman ni Rhian sa mag-asawa. Natuwa naman si Mrs. Elizabeth habang si Sir. Fernan, ngumiti lang. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita 'yong isa.

(Baka malito kayo. Si General ay si Fernan Javier Monteverde II habang 'yong tatay ni Cybelle is Fernan Javier Monteverde III. Just to clarify lang po. Thank you.)

"Oh, sweety. I'm really excited I just can't hide it." Pakantang sabi ni Mrs. Elizabeth. Hinalikan naman ni Sir. Fernan ang asawa sa pisngi. Nadali naman ng paningin ko ang mukha ni General na may bakas ng lungkot.

Hindi kaya may past silang dalawa ni Mrs. Elizabeth? Syempre hindi naman ako makikialam, problema na nila 'yon. Pero hindi ko kasi maiwasan eh, na-cucurious ako.

𝐂𝐘𝐁𝐄𝐋𝐋𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon