Chapter 5

5.2K 256 1
                                    

Clyde

"Why did you stop me?! Malapit ko na siya masampal, eh." Hinatak niya pabalik 'yong kamay niya dahilan para mabitawan ko 'to.

"Baka masaktan pa 'yon, kawawa naman."

"At kumakampi ka pa talaga sa kanya?! Nakakainis ka talaga!" Napahawak naman ako sa ulo ko nang batukan niya ako.

"Aray! Ang sakit no'n ha?" Daing ko habang si Raul tawang-tawa sa pinaggagagawa sa akin ng babaeng 'to. Hindi ko alam nama'y lahi pala itong sadista.

"Kulang pa 'yan! Na-insulto ako sayo no'ng mas kilala mo pa 'yong malanding Clara na 'yon kaysa sa akin!" Narinig niya pa 'yong pinag-usapan namin?

"Oo! Rinig na rinig ko!"

"Teka nga 'wag ka ngang sumigaw, naririndi na ako sayo, eh." Pakiusap ko sa kanya. Bago pa man siya makapagsalita biglang sumulpot si General sa likod ni Raul.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni General na agad namang pumunta sa tabi ni Cybelle. "Cybelle, hija. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sa pamangkin.

"Opo, Tito. Good thing that you're here. Kanina pa kasi ako naiinis dito sa tauhan mo eh." Sabi niya sabay irap sa akin. Ano bang problema nito?

"Alcantara, ano na naman ba 'to?"

"General, inawat ko lang naman siya do'n sa kaaway niyang babae, eh." Napakamot nalang ako sa ulo. "Kahit itanong niyo pa po kay Raul, eh." Dagdag ko pa.

"Totoo 'yon, General." Palihim akong napangiti sa kanya. "O siya. bumalik ka na sa kwarto mo, magpahinga ka na marami ka pang gagawin bukas."

"Teka, Tito. Ano pala ang ginagawa niyo dito?"

"Hindi pa ba nasabi ng mga magulang mo?" Napailing naman si Cybelle. "Beside sa anniversary nila nandito sila Clyde para bantayan ka kung sakaling may mangyaring masama sayo. Ayaw na namin maulit pa 'yong nangyari no'ng nakaraan."

"God, Mom and Dad talaga. I can take care of myself." Di naman sumang-ayon si General sa sinabi niya.

"Tigas talaga ng ulo mo. Basta sa ayaw at gusto mo, makaasama mo na sila Clyde."

"Sino ba 'yong Clyde na 'yan?" Takang tanong niya.

"Ako." Saad ko.

Nabaling naman yung tingin niya sa direksyon ko. "You? Ang weird ng pangalan mo." Insulto niya.

"Anong weird do'n? At least nga may pangalan, eh." Banat ko pa.

"Whatever. Sige, Tito, akyat na po ako."

"Sasamahan ka na ni Clyde sa kwarto mo." Saad ni General na ikinagulat naman ni Cybelle.

"What? Tito, I can walk myself."

"Mas mabuti na 'yong kasama siya. Clyde, samahan mo na siya. Hintayin ka nalang namin dito." Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Ugh! Fine." Inis na sambit niya bago naglakad papalayo. Agad ko naman itong sinundan baka mawala pa, eh.

Nasa elevator kami ngayon at hindi ko maiwasang mainis dahil 'yong dalawang lalaking kasama namin dito kanina pa nakatingin sa likod ni Cybelle na parang binobosohan siya, itong isa naman parang walang nararamdaman. Agad ko namang tinanggal 'yong jacket ko at sinuot sa beywang ni Cybelle na ikinagulat niya.

"What's this for?" Normal niyang tanong.

"Binobosohan ka na hindi mo pa nararamdaman." Bulong ko.

Saglit siyang tumingin sa likod bago tumingin sa 'kin. Nagulat naman ako dahil sobrang lapit no'ng mukha namin sa isa't isa. Wala pang ilang segundo agad na tumunog 'yong elevator, lumayo naman agad sa akin si Cybelle. Umalis na 'yong dalawang mokong na tinignan ko naman ng masama.

Mabuti nalang wala ng mga asungot.

Narinig ko naman tumawa ng marahan 'yong katabi ko. "Anong nakakatawa?"

"Nothing. I just remembered something about a book with the main character named Clyde. You know his a badass. He's so gwapo and so manly."

"So, sinasabi mo na mukha akong lalaki?" Tumango ito na parang wala lang. "Sa ganda kong 'to? Ako mapapagkamalang lalaki?"

"Ikaw maganda? Saan banda? Buti sana kung 'yong itsura mo maganda katulad ko, pwede pa sana. Mukha ka kasing lalaki eh. Baby boy." Baby boy? Aba't! Siraulo pa lang 'tong babaeng 'to. Hindi lang pala sadista 'to, may sapak rin pala sa ulo.

"Conceited naman nito." Napa-english tuloy ako nang 'di oras.

"I'm not conceited. I'm just stating the fact."

Nailing nalang ako at binaling ang tingin sa harapan. Ang taas naman kasi ng kwarto nitong babaeng 'to.

"What? Don't tell me hindi ka nagagandahan sa akin?" Pangungulit niya. Mas lalo siyang lumapit sa 'kin na ikinapula ng pisngi ko.

"H-Hindi." Utal kong sagot. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Baby boy?" Malambing niyang tawag. Hindi naman ako mukhang lalaki, bakit ba baby boy nang baby boy 'to.

"Huwag mo nga 'kong tawaging b-baby boy." Ngumisi lang siya sabay bulong. "Why?" Mabuti nalang wala akong kiliti sa leeg.

"Hindi naman kasi ako lalaki." Ang tagal naman kasi no'ng elevator na 'to.

"Well, you look like one to me."

"Bahala ka." On cue, tumunog 'yong elevator. Lumabas kami ng sabay ni Cybelle. Sinusundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang malakahoy na pintuan na pininturahan ng puti.

"Andito na ako. You can go now." Halata naman na ayaw niya akong nandito. Bago pa siya makapasok hinawakan ko 'yong braso niya para pigilan siya.

"What?" Tumingi muna siya sa kamay kong nakakapit sa braso niya bago nag-angat ng tingin.

"'Yong jacket ko." Ngumisi siya sa akin nang parang may binabalak.

"No can do, Baby boy." Kinindatan niya muna ako bago pumasok sa kwarto niya.

Baby boy? May sapak talaga sa ulo yun.

𝐂𝐘𝐁𝐄𝐋𝐋𝐄Where stories live. Discover now