Chapter 4

5.5K 240 3
                                    



Clyde

Nasa eroplano kami ngayon kinabukasan. Kasama ko si General, Raul, at 'yong dalawa pa naming kasaman na lalaki. Wala na daw kaming time sumakay ng barko dahil malayo pa 'yong destinasyon papunta do'n. Kaya nag-eroplano nalang kami. Ayos nga, eh. Libre na ang sakay, makakabingwit ka pa ng mamahaling pagkain.

Kaya nga nawala nasa tabi ko si Raul, eh Nando'n sa kitchen lumalantak ng pagkain kasama si Junnie at Abel.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni General na nasa harapan ko ngayon. "Mamaya nalang siguro ako kakain, General."

"Siya sige, bahala ka."

"Oo nga pala, Alcantara. Siguraduhin mo pagdating natin sa Boracay bantayan mo agad si Cybelle, ayoko lang talaga siya mapahamak."

"Makakaasa po ako kayo, General. Pagbaba pa lang namin mamaya, pupunta na kami sa hotel niya or kung saan man siya tumutuloy." Ngumiti siya sa akin at tumango. "Eh, ikaw General. Hindi ka ba sasama sa amin? Anniversary ng kapatid niyo pati no'ng asawa niya." Dagdag ko pa.

Umiling naman siya. "Hindi na. Masasaktan lang ako dun." Nalito naman ako sa sinabi niya. Masasaktan?

"Paano ka masasaktan, General? Diba 'pag may anniversary ang magkasintahan dapat masaya ka? Lalo pa't kapatid mo 'yon." Huminga muna siya ng malalim bago sumagot ulit.

"Masaya naman ako para sa kanila. Pero mas na ngingibabaw 'yong sakit na nararamdaman ko." Malungkot na saad niya. Grabe ibang-iba 'yong General na nakilala ko na kinatakutan, tinitingala ng mga tao. Iba 'yong itsura niya, masasabi mo ngang malungkot talaga siya.

"Alam mo General, kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin. Baka kasi matulungan kita, kasi lately napapansin ko magaling pala ako magbigay ng advice." Napatawa naman siya.

"How would you know?"

"Kinausap kasi ako ni Raul tapos bigla ko nalang siya nabig—"

"No, I mean how would you know if that one person still love you?" Tanong niya nang putulin niya 'yong sasabihin ko.

"Madali lang naman 'yon, General. Manhid ka nalang talaga kung hindi mo mapansin. Malalaman mo 'yon kapag lagi mo siyang nakikita, mapapansin mo 'yong mukha niya na nagliliwanag sa tuwing nakikita ka niya. Ibig sabihin may natitira pa ring pagmamahal deep down sa puso niya. Alam naman natin na masasaktan tayo pero gano'n talaga part ng pagmamahal 'yon, eh." Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yong mga salita na lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko lang mas lumalim ang pag-iisip ko tungkol sa pag-ibig dahil sa huli kong relasyon.

"I didn't know na gano'n ka pala ka-drama." Natatawang sambit niya. "Hindi ko nga rin po alam kung bakit gano'n, siguro dahil sa past relationship ko."

"One more thing, paano ko siya makikita kung lagi siyang nakadikit do'n sa kapatid ko." Balik niya sa usapan.

"Kapatid mo? So, ibig sabihin may gusto ka sa Mommy ni Cybelle?" Tanong ko, kasi nalilito talaga ako, eh. Ang pagkakaalam ko dalawa lang naman 'yong kapatid ni General isa do'm yung tatay ni Cybelle, 'yong isa naman matanda na, mas matanda pa kay General, so imposible naman magkagusto siya sa asawa no'n.

Ngumiti lang siya sa akin ng malungkot. "Maiintindihan mo rin. Balang araw." 'Yon lang 'yong sinagot niya bago tumayo sa pwesto at pumunta na rin sa kusina.

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakita ko ngayon. Pagkababa namin agad sumalubong ang sariwang simoy ng hangin. Makikita dito ang naglalakihang mga puno nama'y tanim na buko. Para tuloy sarap akyatin.

"General, akala ko ba hindi ka na sasama sa amin?" Tanong ko sa kanya dahil bumababa siya ng eroplano na may dalang maleta na hindi ko napansin. "Naisip ko 'yong sinabi mo kanina, maybe ngayon pwede ko na harapin 'yong hinanakit sa puso ko." Ngumiti ako sa kanya ng malalim. Kakaiba rin talaga 'to si General.

"Tara na." Aya niya sa amin. May naramdaman naman ako na may tumapik sa balikat ko. Napansin ko na si Raul iyon.

"Anong pinag-uusapan niyo ni General? Mukhang malaim ah." Kunot-noong tanong niya. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod kay General.

Ang daming tao sa beach. Halos mapuno ito. Mga babae at lalaki nakaupo sa harapan ng dagat, habang ang mga bata at ibang matatanda ay nakalubog sa tubig. Hindi naman masyadong mainit sa balat 'yong sikat ng araw, tama lang ito sa balat. Nakarating kami sa isang hotel na maraming taong nagkukumpulan.

"Anong nangyayari do'n? Ba't ang daming tao?" Nakakunot-noong tanong ni Abel. "

"Aba'y malay ko." Sagot naman ni Junnie.

"Clyde, tara tignan natin." Aya naman sa akin ni Raul. Tumingin muna ako kay General para makapagpaalam, tumango naman siya kaya sumama ako kay Raul. Iniwan ko 'yong maleta ko kala General habang nagchi-check in naman sila.

Nang makalapit kami narinig ko agad ang sigawan ng mga tao. Sumiksik kami hanggang sa masilayan ng dalawa kong mata ang dalawang babaeng malapit na sumabog ang ulo sa galit.

"Clyde, si Ma'am Cybelle, oh." Turo ni Raul 'don sa babaeng naka brasierre lang at may nakataling tela sa beywang niya. Hindi ko mapigilang matulala dahil ang sexy niya. Mas lalong lumitaw 'yong makinis at maputi niyang binti.

"Anong nangyayari dito?" Hindi ko namalayang lumabas na pala sa bibig ko 'yong tanong ko. Sa akin naman nabaling yung tingin nang mga tao pati na rin nung dalawang babae.

"You?! What the hell are you doing here?!" 'Yan na naman si Cybelle sa sigaw-sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at binaling ang tingin ko sa mga tao. "O, kayo? Ano pang tinitingin-tingin niyo? Umalis na kayo tapos na ang palabas. Pulis ako, magsialis na kayong lahat." Maawtoridad kong sabi sabay labas no'ng tsapa ko at baril. Agad naman nagsialisan 'yong mga tao habang 'yong dalawang babaeng na sa harapan namin ni Raul nakatingin lang sa akin.

"Ano nangyayari dito?" Tanong ko sa kanila. "It's none of your business. What are you doing here ba kasi?" Inis na tanong sa akin ni Cybelle.

"Sasabihin ko sayo mamaya. Ano ba kasing nangyayari dito?" Malapit na akong mainis dahil kanina pa ako tanong nang tanong wala namang sumasagot.

"This bitch, keeps stealing my spotlight in front of James. Binibigyan ko lang naman siya ng payo dahil alam niyang ako pa rin ang pipiliin ni James hanggang sa huli."

Sino ba itong babaeng 'to? At sino 'yong James? Mukhang nabasa naman ata ni Raul yung naisip ko at binulungan niya ako.

"Hindi ka kasi tutok sa showbiz eh, kaya ayan na pagiiwanan ka." Napansin ko naman na isang Aktres pala ang nasa harapan ko ngayon. Si Clara Alvarez.

"Sabihin mo na lang kasi." Inis na sambit ko. "Ayan si Clara Alvarez, anak ng isang mayaman na haciendero, isa siyang sikat na artista."

"Sira ka pala eh. Kilala ko siya, sino ba 'yong James na tinutukoy niya?" Ang kilala ko lang kasing James ay si James Reid.

"Ah, 'yon 'yong yung ex-boyfriend ni Ma'am Cybelle, na boyfriend na ngayon ni Ma'am Clara. Si James Florence, isa ring artista."

"Aminin mo na kasi na mas maganda naman ako sayo. Ewan ko nga kung ano nakita ni James sayo. You're not even pretty." Mukhang nainsulto yung Clara sa sinabi ni Cybelle, sino ba naman kasing hindi ma-ooffend pag sinabihan ka ng panget.

"Aba't! Kung hindi ako maganda, bakit ako pa rin ang pinili ni James?" Parang nang-aasar na sambit niya.

Akmang sasampalin siya ni Cybelle pero napigilan ko ito. Agad naman bumalik 'yong init na naramdaman ko no'ng una kong mahawakan 'yong kamay niya. Bigla namang tumakbo papalayo si Ma'am Clara mukhang natakot yata kay Cybelle.

𝐂𝐘𝐁𝐄𝐋𝐋𝐄Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin