Chapter 3

5.6K 252 9
                                    

Clyde

Kasalukuyan kaming na sa iskwater area dito malapit sa Makati kung saan 'yong lokasyon no'ng istasyon nang pinagtatrabahuhan ko. May nagbigay sa amin ng anonymous tip na may nagaganap na sugalan dito sa barangay Batumbakal.

Mag-aalasiete na rin ng gabi at kasama ko ang mga kasamahan ko naghihintay kung kailan kami papasok sa loob. Nakabantay lang kaming maigi para hindi kami mahalata. Madilim na ang buong paligid at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang buwan at ang ilaw na nasa poste na patay sindi, halatang kailangan na itong palitan. Wala na rin masyadong tao sa labas at tahimik ang buong paligid na napapaligiran ng mga tambak ng basura.

Biglang naglakad ng masyadong mabilis 'yong lider namin at agad naman kaming sumunod sa likod niya.

"Raid!!"

Nang binuksan nila yung pinto agad sumalubong sa amin ang mga taong nagsisitakbuhan at 'yong iba naman ay nakayuko at nagtaago sa ilalim ng lamesa kung saan napansin ko nakalagay 'yong mga baraha at mahjong at iba pa nilang pang sugal.

Hindi naman nakatakas 'yong mga taong tumakbo kanina dahil sinalubong sila ng mga kasamahan naming sa likod dumaan. Tinutukan namin 'yong mga tao pero siniguradong hindi papaputukan.

Ikinumpiska namin 'yong mga pang-sugal nila at inilagay sa isang malaking plastik bag.

"Sir! May magandang babae dito nagtatago!" Sigaw ni Roland, isa sa mga kasamahan ko. Dumiretso siya sa kinatatayuan namin at may kasama siyang matangkad na babae na pumipilit na pumiglas sa hawak ni Roland. Napanganga naman 'yong mga kasama ko pati na rin 'yong lider namin. Paano naman kasi maganda talaga 'yong babae, kahit nakatalikod. Blonde pa 'yong buhok niya at nakapalda lang ng napakaikli. Kaya kitang-kita 'yong binti niyang maputi at makinis.

"Get off of me! I will sue you!" Angal no'ng babae. Hindi ko naman masilayan 'yong mukha niya dahil nakatalikod siya.

Hindi ko namalayan na bigla akong nagsalita "Miss, 'wag ka nang umangal, sa presinto ka na magpaliwanag." Sabat ko at hinawakan 'yong kamay niya habang hindi ko pa rin nakikita 'yong mukha niya. Nakaramdam naman ako ng init sa buong katawan ko nang hawakan ko ang pulso niya, pero hindi naman madiin dahil baka mawalan 'to ng hininga.

"What the hell! Get your hands off of me! Do you know who I am? I can make you disappear in just a snap of my fingers!" Daldal niya pa. "Ano ka magikera? At sabi ko naman sayo sa presinto ka na magpaliwanag. Wala akong panahon makipagtalo sayo."

Hinila ko siya papunta sa kotse at pinapasok sa passenger seat sa likod.

"What are you doing?! Ilabas mo 'ko dito!" Ang ingay naman pala nitong babaeng 'to. Hindi rin siya makalabas dahil ni-lock ko na agad yung pinto bago bumalik sa loob para tulungan ang mga kasamahan ko.

"What the hell am I doing here?! Hey! Talk to me! Stupid idiots." Kanina pa siya sigaw nang sigaw papunta dito sa presinto. Naiirita na ako sa kanya. Porke't maganda siya hindi ko na siya pwedeng bigwasan.

"Tumahimik ka nga! Naririndi na ako sayo, eh." Hindi ko mapigilang sumigaw dahil nakakainis talaga siya ang ingay-ingay. Si Raul naman at 'yong dalawa naming kasamahan hindi mapigilang matawa.

Bumukas 'yong pinto at inuluwa no'n ay ang babae kanina na, may kasama siyang matandang lalaki pero bakas pa rin sa mukha nito ang kagwapuhan. Kasunod nila si General sa likod, tumayo kami at sumaludo sa kanya.

"Mom, Dad! Finally, you're here." Sabi no'ng babaeng maingay sabay takbo at yakap do'n sa tinatawag niyang Mom and Dad mukhang magulang niya yata dahil may hawig siya do'n sa crush ni Raul.

"Cybelle, hija. What are you doing here? Nagulat nalang kami ng Mom mo nang malaman namin na nandito ka." Tanong no'ng Dad niya. Pero ang ganda ng pangalan niya ha? Cybelle. Bagay sa maganda niyang mukha.

"I don't really know, Dad. Sila 'yong hinila ako dito without giving me any reason." Mataray na sagot niya sabay irap sa akin. Ngumisi naman ako, mas lalo uata siyang gumaganda kapag iniirapan niya ako. Ano ba'ng pinagsasabi ko?

"Alcantara, ano ba'ng ginagawa ng pamangkin ko dito?" Baling sa akin ni General. So, siya pala ang pamangkin ni General, ibig sabihin siya 'yong babantayan namin?

"General, nakita po kasi namin siya sa pasugalan na ni raid namin, nagtatago. Pilit niyang kumawala pero hindi po namin siya binitawan."

"Stupid! I'm not gambling in there. My bag got snatched, kaya lang ako nakarating sa pasugalan na 'yon."

"Ayon naman pala, eh. Pwede na ba siyang makauwi?" Tanong no'ng nanay niya na-ikinatango naman ni General.

"By the way, Tito, sana hindi makarating ito sa media. I don't want my reputation to get ruined." Pakiusap niya pa. Reputation? Sino ba 'tong babaeng 'to?

"Makakaasa ka, hija." Ngumiti naman nang tipid si Cybelle. Bago pa man sila makalabas pinigilan ko sila.

"Teka, Sir. Gano'n nalang 'yon? Basta napang siya makakaalis? Baka niloloko ka lang nyan."

"I'm not making up story you stupid!" Sigaw pa sa 'kin ni Cybelle. "Alcantara, I understand your perspective, pero I assure you hindi nagsisinungaling ang pamangkin ko."

Syempre wala naman akong magagawa kaya tumango-tango na lang ako habang naiinis pa rin ako kay Cybelle. Ngumisi siya sa akin na nangiinis. Mas lalo tuloy kumulo 'yong dugo ko.

"Thank you, Tito." Pasalamat ni Cybelle kay General at ngumiti habang sa akin inikot niya lang 'yong mata niya. Kainis naman itong babaeng 'to!

𝐂𝐘𝐁𝐄𝐋𝐋𝐄Où les histoires vivent. Découvrez maintenant