Chapter 6

5K 262 4
                                    

Clyde

Mahigit isang linggo na rin kaming nandito sa Boracay. Nagising ako ngnmaaga dahil maaga rin kasi ako nakatulog kagabi dahil kay Cybelle. Medyo gumagaan na rin ang loob ko sa kanya pero naiinis ako minsan dahil ang dami niyang inuutos sa akin. Isa pa 'yong baby boy siya nang baby boy. Seryoso mukha ba talaga akong lalaki?

"Raul!" Tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa Lounge dito sa hotel kung saan siya kumakain ng agahan.

"Clyde. Aga magising ha? Pinagod ka ba ni Ma'am kagabi?" Pinataas baba niya 'yong kilay niya na parang nang-aasar.

"Sira." Natawa naman siya.

"Oo nga pala, may tatanong ako sayo."

"Sabi na, eh. Alam ko na 'yan Clyde eh, noong una palang. Alam ko na sa 'kin ka rin babagsak." Binatukan ko naman siya sa mga kalokohan niya.

"Hoy, Raul. Hinding-hindi ako magkakagusto sayo. At isa pa sabi ko nga sayo diba na mas gusto ko babae." Lumungkot naman yung mukha niya. "Sayang naman."

"Ano ba 'yong tatanong mo?"

"Ito na nga, seryoso mukha ba akong lalaki?" Bigla naman siya napabalikwas habang tumatawa. "Bakit ka ba tumatawa? Seryoso ako. Hoy!"

"Eh, kasi naman, ang gara ng tanong mo." Inirapan ko siya. "Pero seryoso, bakit mo ba natanong 'yan?"

"Wala. Pero mukha ba talaga akong lalaki?" Pangungulit na tanong ko. "Hindi naman. Maganda ka naman kaso 'yong dating mo parang lalaki. Bakit mo ba kasi natanong 'yan?"

"Hindi na importante. O sige, gigisingin ko na si Cybelle." Tumayo ako sa upuan. "Si Ma'am Cybelle, 'yong future wife mo?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Anong future wife na pinagsasasabi mo? Siraulo ka ba?" Binatukan ko siya. "Ito naman, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bagay nga kayo ni Ma'am Cybelle, eh."

"Tse! Manahimik ka nga." Tuluyan na akong nakaalis sa pwesto ko at naglakad papalayo.

"Clyde! Bagay nga kayo!" Sigaw niya pa pero hindi ko na lang siya pinansin.

Nakarating ako sa floor 15 kung saan nakalocate 'yong kwarto ni Cybelle. Kumatok ako sa pintuan niya pero mga ilang minuto walang nagbukas. Agad akong na-alerto nang napansin ko na nakabukas 'yong pintuan niya. Kaya nilabas ko 'yong baril ko at binuksan ito.

Hindi ko na nagawang igala 'yong paningin ko sa loob ng kwarto niya dahil nag-aalala ako. Nang mapansin kong wala siya sa loob, binuksan ko 'yong isang pinto na malapit sa bintana na kitang-kita 'yong maganda view no'ng dagat.

Pagkabukas ko ng pinto agad bumungad sa akin ay isang hubu't hubad na katawan ni Cybelle. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Para napako ako sa kinatatayuan ko. Shet na malagkit! Ang kinis niya at ang sexy pa.

"Baby boy?" Agad naman akong napatalikod. Hindi ko alam kung nakita niya ba akong sinisilipan siya kaya nagulat nalang talaga ako.

"Baby boy, anong ginagawa mo dito?"

"Ah, k-kasi. Kala ko kung anong nangyari sayo, napansin ko kasing nakabukas 'yong pinto mo. Hindi ko naman alam na naliligo ka pala."

"Hindi ko lang siguro na-lock no'ng dumating si Mark." Nainis naman ako bigla nang narinig ko 'yong pangalan ng isang lalaki.

"Mark?" Malamig kong tanong.

"Yes, my assistant. And don't be jealous, he's gay." Natatawang sambit niya.

"Sino naman nagsabing nagseselos ako?"

"No one. I just can tell even if you're not facing me." Ibang klase naman pala itong babaeng 'to. Pero seryoso nagseselos ba talaga ako?

"Baby boy, pakiabot naman 'yong towel." Request niya. Bigla naman akong kinabahan. Wala naman akong magagawa kaya kinuha ko 'yong towel na nakasabit sa dingding at pumunta papalapit sa kanya habang nakatalikod. Nang naramdaman kong malapit na ako sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ito nang hindi pa rin tumitingin.

"Baby boy, wrap it around me, please." Ano ba yan! Ang daming arte! May kamay naman siya.

"A-ano? Ikaw na, kaya mo na 'yan."

"But, I want you to do it. Come on, hindi  ako aalis dito." Napabuntong-hininga naman ako. Ano pa nga ba? Malalagot ako nito, eh. Hays! Bahala na si Superman.

Humarap ako sa kanya pero imbis na nakatingin ako sa kanya tumingin ako sa taas. Ayoko naman kasing pumikit baka dumikit 'yong ano niya sa ano ko. Basta alam niyo na kung ano 'yon.

Dahan-dahan kong ipinalibot 'yong tuwalya sa katawan niya habang nakatingin pa rin sa itaas. Naramdaman ko naman na nakitingin siya sa akin. Nang alam ko ng secured na 'yong tuwalya sa katawan niya binaling ko na 'yong paningin ko sa mukha niya na may ngisi sa mga labi.

"You're so cute, Baby boy." Ngumiti siya sa akin bago ako halikan sa gilid ng labi. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ako nagulat ngayon. Bigla tuloy akong nanigas sa kinatatayuan ko habang siya lumabas na ng banyo.

Pota! Ano ba'ng gagawin ko sa babaeng 'to?

Sinundan ko siya palabas at napansin na ni-lock niya 'yong pinto ng kwarto, kaya napalunok ako. Ano na naman ba ang gagawin nito?

Kasalukuyan siyang nakatayo sa harapan no'ng cabinet niya hawak-hawak 'yong baba niya gamit ang daliri.

"Baby boy, what should I wear today? Can you help me pick an outfit?" Pati ba naman sa susuotin niya kailangan niya pa 'yong opinyon ko? Naglakad ako papunta sa kanya habang kinakamot ang ulo ko.

"What do you think about this? Red or Black?" Tanong niya habang may hawak na pulang bestida na may butas-butas pa yata, habang 'yong itim naman ay gano'n din. Wala naman kasi akong kaalam-alam pagdating sa mga damit.

"Maganda 'yong red." Sabi ko na ikinangiti niya. "Good choice." Isinarado niya 'yong wardrobe niya at nilapag sa kama ang damit na pinili ko.

Agad nitong tinanggal 'yong tuwalya sa katawan niya na ikinalaki ng mata ko. "Hindi ka ba nahihiya? Naghuhubad ka sa harapan ng ibang tao." Tumalikod naman ako dahil baka sabihin niya namboboso ako.

"Well, you're not a stranger to me though." Napailing-iling nalang ako. Ang tigas talaga ng ulo. "You can look now, I'm decent looking already."

Humarap naman ako sa kanya pero hindi decent 'yong bumungad sa akin. Nakabrasiarre naman siya ng kulay itim with matching black lace undies. Decent ba yan? Ang sexy niya tuloy tignan. Parang siyang model. Well, model naman yata siya.

"My eyes are up here, Baby boy." Nahiya naman ako dahil nahuli na naman niya akong nakatingin sa katawan niya. Naglakad siya papalapit sa akin ng mabagal. Para niya akong inaakit. Ako naman 'tong si tanga naaakit sa pinaggagagawa niya.

"Do you find me attractive, Baby boy?" Bulong niya sa akin habang ipinulupot ang dalawa niyang kamay sa leeg ko. Tumango nalang ako sa kanya nang mabagal na ikiningisi niya. Hindi na rin ako makapagsalita dahil hindi ko talaga alam kung ano sasabihin ko.

"Am I sexy to you?" Tumango ako ulit. Mas lalo niya pa akong inilapit sa kanya. Mas matangkad ako nang isang pulgada kaya nakayuko ako sa kanya.

"Well, I find you very hot though." Humagikgik siya ng tawa bago ako halikan sa labi. Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil first kiss ko 'yon! Kahit sa past relationship ko hanggang cheeks lang kami.

Hindi ko na pala namalayan na tumutugon na pala ako sa mga halik niya.

𝐂𝐘𝐁𝐄𝐋𝐋𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon