~Part Twenty-Four~

579 16 0
                                    

Hershey Sky Pov,

After the incident that happen two months ago! Mas naging sweet sakin si ulap at mas naging protective and If I said na ang bongga ng proposal nya well girl gorang gora talaga as in makalaglag panty ahahahaha

So here I will tell you what happen to his proposal

~Flashback~

One month after ng mahospital ako ay nandito ako ngayon sa garden ng school namin

Ito yung lugar na hilig ko puntahan kapag hindi maganda mood ko or naiinis ako sa mga pambubully sakin ni ulap

Natatawa nalang ako sa mga ala-alang nagawa ko dito lalo na yung sumisigaw pa ako kung gaano ko sya gustong saktan lagi

"Miss!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si jonas na nakangiti

"Oh jonas!" Tawag ko sa kanya kita ko ang saya at the same time lungkot sa mata nya

"May nagpapabigay nga pala!" Sabi niya at biglang inabot sakin ang isang pulang rosas at isang litrato

"Para saan?" Sabi ko sa kanya pero ngumiti lang sya at may tinurong lalake rin na kaklase ko at syempre kabiruan ko din minsan

Kahit naguguluhan ay tumayo ako at lumakad pero habang nalakad ay tinignan ko yung picture at napangiti ako ng makitang picture ko ito pero stolen ito ata yung unang pagpasok ko sa sky high

Paglapit ko sa pangalawa ay inabutan uli ako ng rosas at isa uling litrato kaya naman nagpalasamat ako at may itinuro sya uli and this time pinsan ko naman lalaki din kaya naman napangiti ako bago lumakad

Habang naglalakad ay tinignan ko yung pangalawang picture at napasimangot ako ng makitang picture ko ito ng natamaan ako ng itlog, nakasimangot ako dito tas nakanguso

"Wag ng sumimangot baka lalong pumangit!" Napatingin ako sa nagsalita at nakitang nasa tapat na pala ako ng pinsan ko ngumiti ako dito at niyakap sya kaya naman niyakap nya ako pabalik

"Congrats mahal!" Sabi nya kaya naman ngumiti ako kahit naguguluhan bago kunin ang rosas at litrato pagkatapos ay may tinuro sya uli at isa ko pa itong pinsan

Tumingin ako dun kaya naman ngumiti sya kaya nagsimula na akong maglakad at tignan uli ang litrato na hawak ko. Napatawa naman ako ng makitang sinasabunutan ko dito si cloud

Habang natawa ay napansin ko na parang may sulat sa likod ng litrato kaya tinignan ko ito

(First Pic)
-Hindi ko alam na sa muling pagkikita natin ay magkakagulo tayo ng ganito

(Second Pic)
-Kada napipikon kita sobrang saya ko dahil alam ko na lalaban ka sakin at alam kong mapapansin mo ako sa ganung paraan lang

(Third Pic)
-Im so happy that finally inarrange na nila tayo which is matagal ko ng hiniling. Hahaha advance sorry hon

Napaiyak ako sa hindi ko malamang dahilan, kasi naman ang sweet

"Oh tama ng iyak!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang pinsan ko

"Congrats mahal!" Sabi nya kaya naman niyakap ko sya at yumakap din sya pabalik pagkatapos ay kumalas na ako at inabot nya ang rosas at litrato sakin

(Fourth Pic)
-Sorry kung nasasaktan kita sa pambubully ko pero trust me mahal kita! Mahal na mahal

Napangiti ako sa nabasa ko kaya tinignan ko ang pinsan ko at nakita ko na may tinuro sya kaya naman tinignan ko yun bago uli tumingin sa kanya at ngumiti bago naglakad. Lahat ng pinsan ko mahal ang tawag sakin dahil napaka precious ko daw sa family namin at ewan ko kung bakit basta nakasanayan ko nalang

Alam kong si ulap na naman ang may gawa nito lahat at talaga naman na dinamay pa ang mga kamag anak ko

"Cute cute naman ng bestfriend ko!" Sabi ni xia at niyakap ako at nagulat ako ng umiyak sya

"Huy anyare?" Sabi ko sa kanya habang nakayakap ng mahigpit

"Mauuna kapa pala samin, were happy for you im always here for you ok? Iloveyou beh!" Sabi ni xia at kahit naguguluhan ay ngumiti ako yumakap uli sa kanya bago sya halikan sa pisnge at tanggapin ang litrato

"Thank you beh alam mo naman na nandito lang din ako always sa inyo ni lyn walang iwanan at walang limutan, Iloveyouuumoree!" Sabi ko sa kanya bago sya lagpasan at basahin ang nakasulat sa litrato

(Fifth Pic)
-Hindi na ako makapag antay na mapalitan ang apelyido mo ng husher! Gustong gusto na kitang angkinin kung alam mo lang at sana hindi ka magalit sa gagawin ko today! I love you my sky!

Natawa ako sa picture pero naiyak ako sa message kasi kahit ako hindi na rin ako makapaghintay na maging asawa nya

"Such a lovely face beh!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si lyn na nakangiti sakin pero namamaga ang mata kaya agad ko syang niyakap

"Ano bang nangyayari bakit ba kayo naiyak ni xia?" Tanong ko dito pero isang mahigpit na yakap lang ang sinagot nya

"Salamat sa friendship at sacrifices always remember na andito lang ako kung kailangan mo ng tulong basta tumawag kalang ok? Mahal na mahal kita ikaw ang pinaka the best girl bestfriend na nakilala ko! Congrats!" Sabi nya kaya naman yumakap ako bago sya halikan sa pisnge

"Argh pinaiiyak nyo ko, mahal na mahal din kita at lagi lang akong nandito!" Sabi ko sa kanya bago tanggapin ang litrato at bulaklak at lagpasan sya at tignan ang litrato pati ang nakasulat dito

(Sixth Pic)
-Sorry If I do this But I want you to know that I really love you! Now Look at your front

Ginawa ko yung sinabi sa litrato at napatakip ako sa mukha ng makita ko ang pamilya ko pati ang pamilya ni ulap na nakaharap sakin lahat at nahawakan ng bawat letra na

WILL YOU MARRY ME HERSHEY SKY HOLSTER?!

Napaiyak ako sa nakita ko hanggang sa unti unting lumabas ang taong may pakana nito

Lumabas ito sa pagitan ni mommy at mama

"Hush Im sorry if I made you cry again!" Sabi nya at pinunasan ang luha ko pagkatapos ay biglang lumuhod sa harap ko kaya naman napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pagtulo ng luha ko at nakarinig rin ako ng pagtugtog at kasabay rin nito ang pagsasalita nya

"Hi hon sorry if I made you cry remember when we were young? I promise to marry you and wear that cute gown we saw! I want to make you mine not just by our arrange marriage but by our own! I really love you since the day that I saw you! I will do everything to make this relationship work until the end and loveyou until the rest of my life!" Sabi nya at ngumiti sakin kaya naman ngumiti ako

"Kaya naman hershey sky mahal ko! Will you be Mrs. Husher?" Tanong nya kaya sunod sunod naman akong tumango at napangiti naman sya bago tumayo at isuot ang singsing sakin

"Iloveyou until the mathematician find the value of x! Mrs ko!" Sabi nya bago ako halikan kaya naman narinig ko ang sigawan ng mga tao na nakakita samin at nang maghiwalay ang labi namin ay napangiti ako kasabay ng pagtawa at pagyakap sa kanya

~End of Flashback~

Ohh dibaaaa until now kinikilig parin ako HAHAHA I dont know how should I react but Im happy super duper ultra mega happy hahahha!!





















A/N;
Last naaaaa HAHAHAH matatapos ko na sya shemaaay biruin nyo natapos ko sya ng matiwasay? Hindi ko man po masyadong napaganda I hope magustuhan nyo parin Iloveyou readers keep reading Keep safe mwah!!

Engaged With My Mortal EnemyWhere stories live. Discover now