~Part Twelve~

422 20 0
                                    

Hershey Sky Pov,

I look at cloud while busy eating my cook which is his favorite chicken curry!

"Masarap?" Tanong ko dito kaya napahinto sya sa pagkain at tinignan ako bago sumagot

"Hindi gutom lang ako!" Sagot nito kaya sinamaan ko sya ng tingin. Hindi daw pero nakakatatlong sandok na sya ng kanin

"Weh?" Di makapaniwalang tanong ko at tumango lang ito habang busy sa pang nguya kaya napa ismid nalang ako at tinuloy na ang pagkain ko.

"How did you know that its my favorite?" Tanong nya sakin kaya naman napahinto ako sa pagsubo bago sya tignan at sagutin

"I call mamoosh to ask her your favorite food so yun hehehe!"sabi ko kaya naman tumango tango sya at nag umpisa na uling kumain!!

" Pangit, May gagawin kapa ba after nito?" Tanong nya sakin kaya naman tumango ako

"Hugas akong plato tas tulog na inaantok na rin ako!" Sabi ko sa kanya kaya naman tumango sya

"Sige bukas sabay na tayo pumasok ah!" Sabi nito sakin kaya naman tumango nalang ako at kumain na uli. Pero sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nakarinig ako ng mahinang patak ng ulan

"Ayy uulan!" Mahinang sabi ko! Jusko wag naman sanang kumulog at kumidlat ng malakas tapos magbabrown-out pa

"Yeah anyway mauna na ako inaantok na ako!" Sabi nya kaya naman tumango ako at tumayo na sya

"Ok sky kaya mo yan hindi magbabrown out ok?" Sabi ko sa sarili ko at nag umpisa na akong magligpit.

Pag lagay ko ng plato sa lababo ay inumpisahan ko na itong hugasan

"Nananananana!" Mukha akong ewan promiseee huhuness natatakot na kasi ako bukod sa mag isa ako dito ay lumalakas narin ang patak ng ulan may kulog at kidlat pang kasama shemay naman!!

Mabilis aking natapos maghugas ng plato kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko kasi ang lakas na ng ulan nasasabayan pa nga malakas na kulog at kidlat. Nag uumpisa narin akong matakot huhuhuhuhu!! Ito yung ayoko ehh

And sakto naman na pagka sara ko ng pinto ay syang pagkidlat ng malakas kasabay ng kulog na sinabayan pa ng pagkapatay ng ilaw!! Halaaaa ito yung kinatatakutan ko pusa!!

Agad akong napaupo sa may pintuan at tumingin sa paligid ko. Ang dilim panay patak lang ng ulan ang nakikita ko. Nag uumpisa na ring magpatakan ang mga luha ko

"M-ma!" Mahinang bulong ko nahihirapan na akong huminga kailangan ko ng hangin!

Kahit nanginginig ay pinilit kong tumayo at hinawakan ang doorknob ng pintuan napansin ko na nanginginig ang mga kamay ko pero hindi lang yun napansin ko na buong katawan ko ay nanginginig kasabay ng pagpatak ng luha ko!!

"U-ulap!" Mahinang tawag ko at nung mabuksan ko ang pintuan ay napaupo na naman ako! Nahihirapan na akong huminga parang ang sikip sikip ng paligid ko!! H-hindi ko na kaya

*Tok tok tok*

Pagtapat ko sa pintuan ni ulap ay agad kong nilabas lahat ng lakas ko kahit na pagapang na akong nakarating sa tapat ng pinto nya. Ngunit mukhang hindi nya ito narinig kaya inulit ko pero this time mahina nalang. Wala na akong lakas

"A-alisin nyo ko dito!" Nahihirapang sabi ko hinihingal narin ako

"The f*ck sky!" Agad akong napahiga pagbukas ng pinto ng kwarto ni cloud

"Hey hey hush andito na ako calm down breath sky breath!" Natatarantang sabi nito agad naman nyang nilabas ang cellphone nya at naglagay ng ilaw samin kaya mas nakita nya ang itsura ko

"Damn!" Mahinang mura nito bago ako niyakap at parang dun ako nakakuha ng kakampi! Nag umpisa na akong umiyak ng umiyak habang nakayakap sa kanya ng mahigpit

"Shh andito lang ako breath im here hindi kita iiwan!" Sabi nya sakin habang hinahalikan yung tuktok ng ulo ko at hinihimas yung buhok ko. Nang medyo nakakalma na ako ay inayos nya ang pwesto namin at tinignan nya ako bago pinunasan ang tulo ng luha ko sa pisnge!!

"Hush im here!" Sabi nya bago ngumiti ng bahagya pero di yun sapat kaya niyakap ko uli sya. I know myself gusto ko ng may kayakap ngayon masyadong madilim

"A-ayoko dito madilim,a-alisin mo ko dito!" Nahihirapang anas ko

"Hush andito lang ako hindi kita iiwan!" Sabi nya sakin bago sya tumayo! Sabi nya di nya ako iiwan?

Naramdaman ko na yumuko sya at naramdaman ko nalang na lumutang ako bigla. Nakita ko na pumunta kami sa kama nya at dahan dahan akong inihiga bago tumabi sakin at kumutan ang aming katawan!

I still hug him parang ayoko syang bitawan!

"Para kang bata!" Mahinang sabi nito sakin bago mahinang tumawa kaya naman hinampas ko sya sa braso

"Ngayon l-lang im scared!" Mahina at nanlalambot na sabi ko bago magsumiksik sa leeg nya

"Andito lang ako basta nasa tabi mo ako hindi mo kailangan matakot dahil kahit kailan hindi ko magagawang iwan ka!" Sabi nito sakin bago ako yakapin din ng mahigpit at parang dun ako kumalma at sa hindi malamang dahilan bumilis yung tibok ng puso ko at naging kumportable ako habang yakap nya!

Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko masaya at mapayapa ang puso ko, wala akong naramdamang takot at pangamba habang yakap nya hanggang sa makatulog ako!!








Cloud Kevin Pov,

I look at up her. She's peacefully sleeping beside me and I dont know what should I do without her! I love her, yes you read it right! I am vinvin from her past!

Hindi na nya ako maalala because of the accident before, yung nag crash ang airplane na sinasakyan namin noon ay bumagsak sa dagat at buti nalang nakaligtas kaming lahat may namatay but still thankfull ako kay God na binuhay nya ako at ang buong pamilya ko. But then the bad news is after a year bumalik kami dito ng hindi na nya ako kilala. At first nasaktan ako kasi bakit nakalimutan nya ako samantalang nangako kami na magpapakasal kami but then nung nalaman ko yung nangyari sa kanya nung akala nya na namatay ako ay nagalit ako sa sarili ko. Kaya ngayon gusto kong bumawi, gusto kong maalala nya uli ako at hindi ko ipipilit na maalala nya ako agad dahil natakot ako lalo na nung dalawang beses syang nahimatay ng dahil sa pag alala sa nakaraan nya!

"I love you sky!" Mahinang bulong ko dito bago halikan ang noo nito. Kasalukuyan parin syang nakayakap sakin habang mahimbing ng natutulog! Hindi ko alam sobrang natakot ako kanina lalo na nung nakita kong sobrang putla nya at magang maga ang mata! Nakalimutan kong takot nga pala ito sa dilim kaya ngayon itatatak ko na sa ulo ko yung mga bagay na kinatatakutan nito!

"Even we became an enemy I still love you sky I hope you remember me and I hope you wouldn't surrender in this relationship because of my attitude! I love you sky until the mathematician find the value of x!" I laugh silently because of what I said hahahaha and while staring at her face I smile and hug her until I fall asleep.












A/N:
Ackkk kinikiliiig akooo so ayun ito lang po yung kinayanan ng utak ko wengyang general math at pre- cal yan sinisira ang utak ko HAHAHAH so kamusta po readers? Ok po ba? Hahahaha if something is wrong just tell me by commenting in comment section owoo! Goodluck chingu Luv U mwah!

Engaged With My Mortal EnemyWhere stories live. Discover now