~Part Fourteenth~

404 16 0
                                    

Hershey Sky Pov,

Pagdating namin sa gym nakita ko na may isa pang section na kasama namin

"Kasama pala section B!" Sabi ni lyn na nasa tabi ko

"Look ghorl si mitch ang sama ng tingin sayo!" Napatingin ako kay mitch dahil sa sinabi ni xia at ng makita na nakatingin ako ay tinarayan ako nito

"Tch kala mo maganda!" Bugnot na sabi ni xia kaya naman hinawakan ko sya sa balikat kaya napatingin sya sakin

"Hayaan mo na!" Pagpapakalma ko dito

"Ex kasi yan ni cloud kaya galit sayo, lalo at nalaman nya na sayo ikakasal eh patay na patay yang babaeng yan kay cloud!" Sabi ni lyn kaya gulat akong napatingin sa kanya! Hala ex nya yun? Hindi ko alam

"Mag iingat ka nalang bhe andami ng nabully nyan!" Sabi ni lyn kaya naman tumango ako

"Ok girls and boys line up by height ang hindi sumunod magkaka punishment!!" Sigaw ng PE teacher namin samin kaya naman sumunod na kami

"Ok so lahat ng magkakatapat magdikit!" Sabi ni sir kaya naman nag dikit kami ni jonas! Katapat ko sa line.

"Ok now magharap lahat ng magkakapartner!" Sabi ni sir kaya ginawa namin tumingala naman ako ng kunti! Ang tangkad naman kasi nito

"Ok so ganto yang katapat nyo ang partner nyo wala ng reklamo ok? Mayroon tayong dance competition which is sinaunang sayaw ng mga pilipino! Kinakailangan na sayawin nyo ito, ito ay para lamang cariñosa ngunit lalagyan natin ng twist! Kailangan mala cariñosa pero may indak!" Sabi ni sir kaya naman napaisip kami sa sinabi nya so sasayaw kami ng sinauna pero dapat nakaka-aliw ito

"Naiintindihan nyo naman siguro ang sinabi ko diba?! So ngayon mag uumpisa na kayo may papanoorin kayong mananayaw dito at gagayahin nyo yun lalaban tayo sa ibang school ng gantong sayaw kaya dapat galingan nyo section A at section B inaasahan ko kayo!!" Sigaw ni sir bago ipihit yung pito nya na nagsasabing mag umpisa na kami.

Napansin ko na ang magkapartner ay si ulap at yung mitch kaya naman napayuko ako! Bakit ganun? Bakit nakakaramdam ako ng inis at lungkot?!

"Ok kalang?" Napatingin ako kay jonas ng bigla itong magsalita kaya naman napatingin ako sa kanya

"H-hah oo naman! Bakit?" Aish bakit ba ako nauutal?

"Ang lungkot mo? Dahil ba magkapartner sina mitch at cloud? Wag mong alalahanin yun asawa mo naman si cloud eh walang panama yung ex nya!" Sabi ni jonas sakin kaya naman napatitig ako sa kanya pagkatapos ay hinampas sya sa braso

"Loko loko kung ano anong iniisip mo!" Sabi ko sabay tawa kaya naman napatawa din sya

"Ayan mas maganda ka kapag tumatawa!" Sabi nya dahilan para mapatigil ako sa pagtawa at nilihis yung tingin ko sa kanya

Nanood nalang ako ng nagsasayaw at nakita ko rin naman na nanood narin sya! Myghad nakakahiya

"You know what I like you!" Napanganga ako ng literal sa sinabi ng nasa tabi ko at ng tignan ko di jonas ay nakatingin ito sakin at nakangiti

"A-ano y-yun?" Nauutal na tanong ko nakita ko naman na ngumiti sya at ginulo ang buhok ko

"Can we be friends?" Alok nito sakin sabay abot ng kamay kaya naman kahit naiilang ay inabot ko ang kamay nya at tumango tango kaya naman nakita ko na napangiti sya at wow ang cute my dimple

Nanood na kami matapos yung pag uusap namin. Mukha namang madali yung sasayawin ewan ko nalang pag ginawa

"Ok so for now ganun muna itry nyo muna yung basic step sa una!" Sabi ni sir bigla ng pahintuin nya yung nasa unahan

Kaya naman ang ginawa namin ay humarap na kami sa magkakapartner

Pagharap ko kay jonas ay nakangiti ito kaya naman ngumiti ako. Hinawakan nya yung kamay ko at pinagsiklop nya ang mga daliri namin pagkatapos ay sabay kaming tumingin sa magtuturo

"Start na!" Sigaw ni sir at nakita ko na yung paa ng babae ay inurong sa likod pagkatapos ay yung paa ng lalake ay inurong dun sa pinag alisan ng paa ng babae!

Sinunod namin yun hanggang sa nagtuloy tuloy yung sayaw namin!

Matapos ng PE ay nagpalit narin agad kami pero dumeretso kami nila lyn at xia sa canteen since nagugutom na ako at breaktime rin naman bago mag next subject

"Guys may sabihin pala ako!" Sabi ko sa dalawa ng makahanap kami ng upuan sa canteen at maupo

"Spill it!" Maikling sabi ni xia kaya naman napabuntong hininga ako bago magsalita

"Umamin sakin si jonas kanina!" Mahinang sabi ko sa dalawa at tinignan ko ang reaksyon nila pero kumunot lang ang noo ko ng makitang parang wala lang sa kanila yung sinabi ko

"Mabuti naman at umamin na sya!" Sabi lang ni lyn kaya kumunot ang noo ko na tumingin sa kanya

"Alam nyo?" Di makapaniwalang sabi ko

"Hindi lang naman kami pati buong section A sadyang manhid kalang!" Sabi ni xia kaya naman napatampal ako sa noo

"Kailan pa?" Tanong ko sa kanilang dalawa at nagkatinginan sila bago sumagot si lyn

"First week of school napansin ko na ang pasimpleng pagtingin sayo ni jonas kada lalabas ka o kaya naman kada papasok ka ng room!" Paumpisang kwento ni xia

"And then nung nawalan ka ng malay dali dali syang lumabas nauna pa nga sya kesa samin kaso napahinto din sya nung makitang nasa kandungan ka naman ni cloud!" Patuloy ni lyn sa kwento kaya naman nakikinig lang ako habang nakain

"Hindi namin alam yung mga naunang ginawa nya kung napansin mo ba o hindi o manhid ka talaga ganun kaya hinayaan namin! Bago iannounce na ikakasal kana kinausap namin sya na umamin na kasi gwapo naman sya plus mabait plus matalino diba? San kapa? Kaso nung aamin na sya tiyaka naman ina-announce na ikakasal kana kaya di na rin sya naglakas loob! Ang akala namin hindi na sya aamin kasi nga alam ng lahat na ikakasal na kayo ng president ng sky high kaso umamin parin pala!" Mahabang sabi ni xia kaya naman napatulala nalang ako! So all of this sudden may nasasaktan akong tao ng hindi ko alam

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nila sakin pero hindi na muna ako sumagot kasi nag iisip ako kung anong pwede kung gawin! Kausapin ko kaya sya?! Tama kausapin ko si jonas mamaya!














A/N;

So ayun wala lang trip ko lang nasanay na ang author nyo HAHAHAH keep safe everyone Godbless! Luv U all mwah

Engaged With My Mortal EnemyWhere stories live. Discover now