~Part Nine~

497 18 0
                                    

Hershey Sky Pov,

Pagpunta ko sa kusina ay nakita kong prenteng nakaupo si ulap habang nakain. Aba parang bahay ahh feel at home ang lintek

"Wow feel at home ah!" Sarcastic na sabi ko at uminom ng chocolate drink sa baso nya

"Paki mo?" Sabi nito in a masungit way kaya naman napataray ako. Aba ang taray ng lolo nyo

"Penge ako!" Sabi ko pertaining to cookies na hawak nya

"Oh!" Sabi nya pero kinagatan muna nya kaya sumama timpla ko pero dahil hindi naman ako maarte kinuha ko yun at kinain. Nakita ko naman ang gulat sa mata nya at napaayos sya ng upo dahil dun kaya naman umupo na ako nakakangalay tumayo aba

"Kinain mo talaga?" Di makapaniwalang tanong nya kaya kumunot ang noo ko

"Eh ano naman? Wala ka namang sakit diba?" Sabi ko dito at kumuha uli ako ng cookies at matiwasay na kinain ito habang sya nakatitig lang sakin kaya medyo ilang ako

"Awww ang sweet naman!" Napatingin ako sa taong nagsalita nun at nakita ko si mom na nakatingin samin ganun din si dad at kuya kaya naman nakaramdam ako ng hiya

"Ganyan kayo noon pa eh minsan mag aaway minsan naman tahimik minsan ang daming topic!" Sabi ni mom at lumapit narin sya samin kaya naman ngumiti lang ako dahil punong puno ng cookies yung bibig ko. Owoo ang sarap kasi hahaha

"Tita saan po pala kami lilipat?" Kahit ako ay napatingin din kay ulap ng magtanong ito

"Ayy dun lang din malapit sa school nyo ganun hanggang second floor naman bahay nyo tas may two rooms!" Sabi ni mom kaya naman nakahinga rin ako ng maluwag, akala ko kasi iisang kwarto kami matutulog eh

"Ahh sige po diba po bukas na kami lilipat?" Tanong uli nito at tinignan ko si mom at nakita ko naman na ngumiti ito at tumango

"Edi gagamitin ko na pala kotse ko sa paglilipat!" Nakabusangot na sabi ko kaya naman napatingin silang lahat sakin

"Bakit ayaw mo?" Sabi ni ulap kaya naman umiling ako

"No ok din naman sakin since fiance kita ang kaso tinatamad ako magmaneho ng sasakyan kaya nga nasabay ako kay kuya!"sabi ko at kumagat ng cookies owoo ang sarap talaga

"Ok then call me if lilipat kana para sa kotse ko nalang isakay lahat ng gamit mong pangit!" Sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Wag na ampangit ng kotse mo!" Ganting sabi ko at kumunot ang noo ko

"Anong sabi mo?" Sabi nito sakin kaya naman napasmirk ako

"Pangit kana nga rin bingi kapa malas mo naman!" Nang iinsultong sabi ko at narinig ko naman na nag-tss lang sya at bumalik din sa pagkain ng cookies. Andami kasing binake ni mom

"Gusto mo talaga ikasal sakin?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa cookies. Ewan ko ba pero para kasing baka napipilitan lang sya or what

"Actually yes kasi basta!" Sabi nya kaya kunot noo ko syang tinignan

"Bakit nga?" Naiinis na sabi ko at nakita ko naman na napangiti ito

"To tell you the truth kailangan mo muna akong maalala bago ko sabihin!" Sabi nya at ngumiti kaya naman kumunot ang noo ko

"Pansin ko this past few days ganyan lagi ang naririnig ko kesyo kailangan ko na makaalala, ano bang meron?" Naguguluhan na tanong ko kaya naman nakita ko na naman yung lungkot sa mata nya pero agad syang umiwas ng tingin sakin

"Wala ako posisyon para sabihin yan sky!" Sabi nya kaya naman napabusangot ako

"Ok, and oyy ulap diba kanina nahimatay ako?"sabi ko sa kanya kaya naman tumingin sya sakin at tumango

"May boses akong narinig kanina nung wala akong malay, hindi ko mamukhaan pero parang boses ni vin yun!" Sabi ko habang inaalala yung narinig ko kanina

"A-anong sabi?" Sabi nya kaya tinignan ko sya at inalala ko yung sinabi ni vin

"Magpapakasal pa tayo ahh pangako mo yan, yun yung sabi!" Sabi ko at nakita ko naman na napatayo ito at agad na nagpaalam

"M-mauuna na ako!" Sabi nya at nagulat naman ako kaya hinabol ko sya nung paalis na sya at hinawakan sya sa braso kaya naman napahinto sya pero hindi parin sya tumitingin sakin

"O-ok kalang ba?" Nag aalala na tanong ko at nabitawan ko sya sa pagkakahawak ng tumingin sya sakin

"B-bakit?" Tanong ko sa kanya. Kita ko ang sakit at pighati sa mata nya. Bakit ganun? Bakit parang pati ako nasasaktan?

"Im sorry sky mahal ko!" Sabi nya at agad akong niyakap kaya naman di agad ako nakakilos sa ginawa nyang pagyakap sakin

Sky mahal ko- agad ko syang nilayo sakin at kita ko ang gulat sa mukha nya

"V-vin!" Usal ko habang nakatitig sa kanya at kita ko naman ang gulat sa mukha nya kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata ko

"S-sino ka?" Nahihirapang anas ko at parang nanikip bigla ang dibdib ko kaya naman napahawak ako dito at unti unti akong natutumba pero bago ako bumagsak ay naramdaman ko ang pagsalo nya sakin

"Sky sky sky!" Paulit ulit na tawag nito sakin habang tinatapik tapik ako sa pisnge pero parang wala akong naririnig basta ang inaalala ko hindi ako makahinga

"H-hangin!" Nahihirapang anas ko

"Titaaa!!" Narinig kong sigaw nya bago ako tuluyang kainin ng kadiliman








Cloud Kevin Pov,

Nandito ako ngayon nakaupo sa tabi ng kama ni sky habang nakatitig sa kanya

"Im sorry!" Usal ko habang sinusuklay ang buhok nya. Nang mahimatay sya kanina ay tumawag agad sila tita sa private doctor nila at kinonsulta sya ng doctor nya and base sa sinabi ng doctor ay huwag muna daw pwersahin na makaalala si sky dahil makakasama daw ito sa kanya at may napansin din sila na parang problema sa puso ni sky kaya naman ang bilin samin ay wag syang istressin masyado dahil baka makasama pero may ibinigay na reseta ang doctor na iinumin daw nya kung sakaling manikip uli ang dibdib nya

"Im sorry sky hindi ko na pipilitin na alalahanin mo ko mas gusto ko na makaalala ka ng kusa at aantayin ko yun, sky mahal ko!" Hinalikan ko muna sya sa noo bago ko lisanin ang kwarto nya at nagpaalam na ako kay tita na uuwi na ako dahil napagod din ako ngayong araw na ito!!










A/N:
Ohemgeeeee ano nga ba kasi sa buhay ni hershey si cloud? Bakit ganun nalang sya kung mag alala? Akala ko ba mortal enemy? Bakit ganun?! Ohemgeee so ano na readers? Naguguluhan naba kayo? HAHAHAHA keep on reading readers Luv U mwah plss if you have something to say just comment it and dont forget to click the vote and share botton Luv U chinggu!!

Engaged With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon