~Part Seventeen~

401 12 0
                                    

Hershey Sky Pov,

"Lets just say na nagkagusto ako sa kanya oo aaminin ko pero hindi umabot sa part na sobrang minahal ko sya cause I really love someone that time pero makulit sya she always insist about being my gf so para walang gulo pumayag nalang ako pero wala namang nangyari sa relationship namin panay away at gulo lang kasi napakaselosa nya nakakasakal hanggang sa nagdecide ako na makipag break at dun na nag umpisa yung pambubully nya sa iba!" Mahabang paliwanag nya sakin habang nasa kalsada na kami

"So that means until now gusto ka parin nya?" I ask him kaya naman tumango sya

"Eh diba magka partner kayo?" Tanong ko dito, saglit naman ako nitong tinignan bago magmaneho pero pansin ko mukhang di sa bahay ang punta namin

"San tayo pupunta?" I ask him again

"Mall muna tayo bili lang ako sa mational bookstore and yeah she's my partner kasi yung dapat partner ko tinakot nya so para walang gulo pumayag ako kahit ayaw ko!" Sabi nya at halata sa kanya ang iritasyon at pagod

"Ehh ikaw it seems like your happy with your partner hah!" Medyo inis na sabi nito kaya napatawa ako

"Nagseselos kaba?" Tanong ko dito bago tumawa and nagulat ako sa sagot nito

"Yes I am so stop laughing and talking with him!" Inis na sabi nito dahilan para mamula yung pisnge ko! Ehhh kasi naman bakit andali sa kanya sabihin nun

"B-bakit ba? Kaibigan ko lang naman!" Sabi ko dito ng medyo nauutal

"The way he look at you? Nah, lalake din ako at alam ko kung anong ibig sabihin ng bawat tingin nya!" Sabi nito bago ko nakita na huminto na yung kotse. Nasa parking na pala kami ng mall

Akala ko bababa na sya pero hindi humarap sya sakin at may sinabi na ikinabilis ng tibok ng puso ko

"Oo nga at partner mo sya pero alam ko na may gusto sya sayo at yun ang ayoko! You are my fiancee and I like you ow no I love you sky so pls stop having fun with other guys it will surely kill me!" Sabi nito bago bumaba at iwan akong nakanganga

Did he just said that he loves me? For real? Kailan pa? Wews?!. Dali dali akong bumaba at hinabol sya

"T-totoo m-mahal mo ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito habang nakatingin sa likod nya. Huminto naman sya kaya huminto din ako and he faced me

"Yes so stop asking!" Sabi nya at pansin ko ang pamumula ng tenga nya kaya umiwas sya ng tingin at naglakad na!

Ako ito sumunod lang sa kanya ng parang wala sa sarili

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya at sumabay na sa paglalakad kahit ang totoo medyo naiilang pa ako

"Well bibili ako ng school supplies then dito na tayo mag hapunan!" He said kaya naman tumango ako at nag umpisa na kaming maglakad

Habang papunta kami sa national bookstore nakakita ako ng store na panay wedding gown ang nakalagay kaya naman kinuha ko yung kamay ni ulap at pumunta kami doon sa shop ng gown

"Wow ang ganda!" Namamanghang sabi ko

"Look at that gown!" Sabi ni ulap kaya naman tinignan ko sya at tinignan ko yung tinuro nya at namangha ako

Ang simple lang nito pero ang ganda tignan

"Pakakasalan kita basta yan ang gown na isusuot mo!" Biglang sabi nito at sa hindi malamang dahilan ay parang huminto yung ikot ng mundo ko. Tinignan ko yung gown, parang nakita ko na sya before

~Pakakasalan kita baata yan ang gown na isusuot mo~

~Oo ba basta ipangako mo na ako~

~Oo naman ikaw lang sky mahal ko~

Bigla akong napahawak sa ulo ko at biglang nagdoble yung paningin ko

"V-vin" mahinang sabi ko bago magdilim ang paligid ko












Cloud Kevin Pov,

"Sky!" Dali dali kong sinalo si sky ng makita kong matutumba ito

"Sky sky sky, gising!" Tinapik tapik ko ito sa pisnge ng makita ko itong walang malay

Dali-dali akong tumayo at binuhat sya ng pa bridal style at tumakbo ako para makarating agad kami sa labas ng mall

"Tabi tabi!" Sigaw ko at nakita ko naman na tumatabi lahat ng nakakakita samin

I dont know what happen pero alam ko na isa na naman sa dahilan nito kaya sya nahimatay ay dahil sa pagbabalik ng ala-ala nya

"Hanggang kailan mo ko hindi makikilala sky mahal ko!" Mahinang sabi ko dito at habang natakbo ay hindi ko napansin na natulo narin pala ang luha sa pisnge ko

Masakit sobra. Yung gigising ka at kakausapin sya ng mga bagay na gagawin nyo para sa future nyo, yung mga bagay na dapat nagagawa na namin ngayon kaso mahirap eh! Mahirap kasi hindi nya ako maalala

"Malapit na tayo sky!" Sabi ko dito at sinakay ko sya sa sasakyan pagdating namin sa kotse at agad itong pinaharurot papuntang hospital

Habang nasa byahe ay kinapa ko ang cellphone ko upang tawagan si tita at tito! Alam ko namang nasa pilipinas sila ngayon at kailangan nila itong malaman

"Oh ijo napatawag ka?" Sagot ni tita sa tawag ko

"T-tita punta po kayong hospital nahimatay po uli si sky eh!" Nahihirapang sabi ko

"Hah ano? Hala sige papunta na kami ng daddy mo!" Sabi nito kaya naman binaba ko na ang cellphone at tinignan saglit si sky

"Andito na sky gumising kana parang awa mo na!" Sabi ko dito hindi ko na muna inayos yung parking ko basta tinapat ko sya sa pintuan ng hospital at lumabas ako ng kotse, pumunta ako sa kabilang side ng kotse bago ito buksan at buhatin si sky papalabas

"Nurse, Nurse, Nurse help!" Sigaw ko at naagaw ko naman ang pansin nila nakita ko naman yung ilan na nanlalaki ang mata

Well alam naman nila na isa ang family ko sa investment ng hospital na ito at ang buhat ko lang naman ang anak ng may-ari ng hospital na ito

"Dito po sir!" Sabi nung isang nurse na dala dala yung isang hospital bed. Inilagay ko naman sya doon at agad naman syang inasikaso ng mga nurse and doctors
















A/N;
So ayun sana po nagandahan kayo sa chapter na ito hehehehe antok na talaga ako pero kinaya ko itong tapusin goshh HAHAH! KEEP SAFE READERS LUV U MWAH!

Engaged With My Mortal EnemyWhere stories live. Discover now