EPILOGUE

273 14 0
                                    

EPILOGUE

            Ginising ako ng malakas na volume ng TV. Bago ko pa naimulat ang aking mga mata ay narinig ko na ang balita na sinasabi ng news anchor na tumigil na sa pag-atake ang North Korea gayun din ang South. Ang Russia naman ay tumigil na rin kaya idineklara na ng America na hindi na matutuloy ang ikatlong pandaigdigang digmaan.

            Masakit sa’king mga mata ang ilaw nang tuluyan kong masilayan ang paligid.

Hospital.

            Kinuha ko ang remote sa gilid ng mesa at pinatay ang TV. Malabo sa paningin ko ang lahat noong una pero habang tumatagal ang aking kamalayan ay unti-unti kong naaalala ang lahat.

            Peace was been restored. At alam kong masaya na ang mga sirena lalo na si Asvaya at Exruna. Masaya na rin ang Leviathan at kung anumang katahimikang meron sila sa Blackhole ay alam kong naibalik na.

            Pero alam kong wala na si Emerson. Wala na siya. Hindi na siya babalik . At walang kabayaran ang ginawa niyang sakripisyo para sa lahat ng mga nilalang.

            Tumingin ako sa bintana ng hospital. Kay ganda ng sikat ng araw at napabughaw ng langit. Nagsasaya ang huni ng mga ibon. Kay sarap mabuhay na puno ng pagmamahal.

            Ngumiti ako habang iniisip ang kadakilaan na ginawa ni Emerson. I know you’ll always be with me, my love. Forever, forever.        

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now