Chapter | Six

351 16 0
                                    

Emerson | Para kaming pilay ngayon na narito sa loob ng apartelle. Si Smoke at si Peige at nag-uusap sa may maliit na teresa tungkol sa relasyon nilang dalawa. Binabalak nilang magpakasal kahit na ang hinaharap na ng sangkatauhan ngayon ay pangmalawakang digmaan. Mula sa kinauupuan ko dito sa may mesa sa may kusina ay minsan nasusulyapan ko silang naglalambingan kapag akala nilang hindi ako nakatingin. Masaya na ako para sa kanila na kahit sa wakas man lang ng mundo ay magkakaroon sila ng isang magandang alaala na babaunin sa kanilang pag-alis.

        Si Adrian ay abala sa pagbabasa ng iba't-ibang mga libro kasama si Lavinia. Humahanap sila ng ibang paraan kung paano ibabalik ang kani-kanilang mga kakayahan kahit alam naming lahat na napaka-imposible dahil sa mga oras na ito ay unti-unti nang nawawasak ang kabilang mundo kung saan kabilang iyon sa balanse ng buong sandaigdig.

        Pilay kami. Wala kaming mata sa kung anumang nangyayari sa mga mundo. At baka makalawa ay hindi na kami gumising dahil sa lumalalang giyera dito sa Asya. Marami nang nag-aaklas na mga tao sa gobyerno dahil marahil ay nangangamba na rin sila sa kanilang seguridad. Natatakot din sila sa kamatayan o sa pagsiklab ng bagong digmaan ng mga tao.

        Si Sabrina kaya? Kamusta na siya? Nasa maayos ba ang kalagayan niya?

Katatapos lang namin mananghalian nang kausapin ko si Smoke sa may parking lot tungkol sa bagay na noong isang buwan ko pa gustong gawin pero pinipigilan lang nila ako dahil para na daw iyon sa kabutihan naming dalawa at ng lahat.

        Hinithit niyang muli ang kanyang sigarilyo bago ito itinapon at inapakan gamit ang kanyang kaliwang paa para patayin. Binalingan niya ako ng tingin at nagtanong kung anong nasa isip ko.

        "I wanna see her," mabilis kong sabi sa kanya.

Naupo siya sa may malapit na bench sa ilalim ng puno na katapat lang parking lot. Muli niya akong tiningnan bago siya tumingin sa malayo. Naupo naman akong tahimik sa tabi niya at pinagdaop ang aking mga palad.

        "Alam mo naman ang gusto ng grupo 'di ba? Paano kung―"

        "Alam kong maraming paano at nag-aalala lang kayo pero Smoke, gustong-gusto ko nang makita si Sabrina. Hindi na ako makatiis na nakatingin lang ako mula sa malayo habang nakikita siya minsang umiiyak," ang prustrasyon ay bakas na bakas sa tinig ko, "knowing that she's thinking about."

        Tumingin siya sa gawi ko. "I know that you really want to see her so badly. Pero paano kung may mangyari na naman? Paano kung mas lumala pa ang nangyayari sa paligid o sa kung saan mang mundo nag-e-exist ang buhay?"

Natahimik ako bigla. Nag-isip. Tama siya. "Bakit? Hindi pa ba malala ang ginawa kogn gulo Smoke? Alam ko na dahil sa'kin ay nagkakagulo sa maraming mundo. At panghabangbuhay kong ihihingi iyon ng kapatawaran. Pero kung ito na ang huling tsansa na magkasama kami ni Sabrina at panandalian lang ding lumigaya," lumunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya, "ipagkakait mo ba?"

        He sighed heavily. "I'll see what I can do. Kailangan pa rin nating hingan ng mga payo ang iba kung magiging maganda na magkita kayo ni Sabrina."

 Nanahimik na lang ako and praying voicelessly that time ang destiny will allow it once more like what it does before.

        Bago pinatay ni Adrian ang TV ay ibinabalita ng news anchor ang lumalalang giyera sa Korea na ngayon ay nasa Japan at Thailand pati na ang China at ang iba pang karatig bansa. Tumutulong naman ang Pilipinas pero hindi sapat ang puwersa nito para mapuksa ang mga kalaban na hindi malinaw kung bakit nila ginagawa ang malawakang digmaan na alam kong hindi magtatagal ay makikialam na rin ang America. At alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito dahil unti-unti nang nasisira ang balanse ng mundo ng mga tao... ng mundo ko.... ng mundo nating lahat.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon