Chapter | Fourteen

174 11 0
                                    

Emerson | Maagang dumating si Aleona sa bahay dala ang tatlong vial na may lamang tubig pero kakaiba ang kulay nito. Una niyang inabot ang vial kay Aldrin sunod kay Lavinia pagkatapos ang huli ay kay Peige.

            “Humingi ako ng permiso sa mga mas nakakataas pa sa’kin sa Regency at pumayag silang gamitin ko ang mga chemical na ‘to para makatulong ibalik kahit papaano ang mga abilidad niyo.”

            Pinagmasdan niya ang tatlo habang iniinom ang laman ng mga vial atsaka nagpatuloy sa pagsasalita. “Maaaring maging permanente ang inyong mga ability maaari ding hindi.”

            “Bakit?” tanong ni Lavinia, medyo may pagkadismaya sa kanyang tinig kahit alam na niyang mangyayari talaga ito.

            “Dahil hindi na ganoong kapakapangyarihan ang Regency ngayong wala na ang balance. So it’s to up nature if you’ll get your abilities for good,” simpleng sagot ni Aleona.

            “So papaano tayo pupunta sa Black hole na sinasabi niyo?” tanong naman ni Smoke na may dalawang baso ng kape saka iniabot sa’kin ang isa.

            “Si Peige ang kasama mo Smoke. Si Aldrin at si Lavinia,” bumaling sa’kin si Aleona, “at sa’kin ka sasama Emerson dahil sa oras na makita natin si Sabrina,” bahagya siyang natigilan at alam ko na ang susunog niyang sasabihin, “kailangan mo na siyang patayin.”

           

            Nakaupo kami sa ikaapat na baitang ng hagdan sa baba ni Smoke at pinagmamasdan lang namin silang naghahanda para sa ritwal na gagawin. Si Aldrin ay naglalagay ng mas matinding proteksiyon sa buong bahay samantalang si Lavinia naman ay katulong ni Peige sa pag-aayos ng sala at si Aleona at may ginagawa din proteksyon na ritwal para naman daw sa mga kaluluwa namin na maglalakbay sa Black hole na kung saan ay lungga na ni Ergott. Ano nga kayang itsura ng Black hole na sinasabi nila? Kung mas malala pa siya sa purgatoryo, ibig sabihin ay talaga kondeminado talaga ang mga naroroon.

            “Kinakabahan ka ba buddy?” untag ko kay Smoke na halos mawalan ng dugo sa kanyang mukha, marahil nga ay ninenerbiyos.

            Humarap siya sa’kin atsaka ngumiti. “Halata ba?” aniya.

            “Oo, para ka nang naubusan ng dugo sa kaputlaan.”

            “Kinakabahan talaga ako dahil baka hindi na ‘ko makabalik dito. I wanna marry her, you know.”

            “Alam ko,” nag-iwas ako ng tingin saka ibinalik ang tuon kina Peige. “At alam ko rin na magiging mahirap ang gagawin nating ito.”

            “Pero alam kong mas mahirap para sa’yo ‘to buddy dahil kailangan mong...”

Hindi na niya itinuloy pa ang sasabihin dahil alam niyang makakaramdam na naman ako ng sakit sa’king dibdib sa tuwing maririnig ko ang masakit na katotohanan na kailangan kong patayin si Sabrina.

            Humarap sa’min si Aleona atsaka humakbang ng dalawa para makalapit sa’min. “Handa na ang lahat,” sabi niya.

            Tumayo kami ni Smoke atsaka sinamahan na ang buong grupo sa sala. Inalis ni Aldrin ang mga sofa at naglabas ng mga kahoy na upuan para sa’ming anim na ipinalabot sa bilog. Pinaupo ako ni Aleona kasunod sa kanyang upuan at may lubid na nagkokonekta sa dalawang upuan at nang tanungin ko siya kung para saan ito , “Para masigurado kong iisa lang ang babagsakan nating lugar dahil anumang sandali ay makikita na natin si Sarbina at—“

            “I know,” angil ko. “You don’t need to tell me over and over again.”

Umiwas lang siya sa matalim kong titig sa kanya at humarap kay Peige na nasa sentro.

            “Emerson,” tawag sa’kin ni Peige. “Sa oras na matapos ang lahat ng ‘to may posibilidad na magbago ang mundo. Posibilidad na hindi maiiwasan.”

            “Anong ibig mong sabihin?”

            “Kapag natapos ang lahat ng kaguluhan... kapag...” tila hindi niya masabi kung anuman ang gusto niyang sabihin, “kapag n-nagtagumpay ka sa misyon natin pagbalik mo dito maaaring wala na kami at maaring nandito kami pero hindi na namin alam ang nangyari. Future will change pero ikaw lang ang makakaalam na nagbago ang lahat.”

            That’s new, bulong ko sa’kin sarili.

Tumango lang ako bilang tugon kay Peige. Marami akong bagay na gustong sabihin pero naupo na siya sa may upuan niya atsaka humarap kay Aldrin at may sinabi siya na hindi ko masyadong narinig dahil si Smoke ang nasa aking kanan pero sa palagay ko ay iyon na ang hudyat na uumpisahan na nila ang ritwal.

            “Good riddance,” bulong ni Aleona bago kami napunta sa kawalan at alam kong sa mga sandaling iyon ay wala na kami sa bahay at nasa ibang lugar na kami.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now