Chapter | Four

309 17 0
                                    

Sabrina |  Patulin nang patulin ang pagtakbo sa kalye. Alam kong may nakasunod sa likod ko kanina pa. Kaya hindi ako pwedeng huminto dahil natatakot ako sa kung anumang gawin sa'kin. Lumiko ako sa kabilang kalye pero wrong move dahil abandonado ang parteng ito ng subdivision namin. Maraming sira-sirang bahay sa magkabilang kalye at nakakatakot ang mga ito. Paglingon ko ay nakakatakot din ang malaking patay na puno sa tapat ng dalawang bahay. Binilisan ko pa ang pagtakbo pero kusang napatigil ang aking mga paa at natigagal ang aking buong katawan nang biglang sumulpot sa harapan ko ang lalaking nakasuot ng kulay grey na hoody kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha kahit may sinag na ng araw mula sa kanluran. 

        Akma na sana akong tatakbo palayo pero tinawag niya ang pangalan ko. His voice is not familiar and it doesn't ring a bell kaya tumakbo ako ng mabilis pabalik sa pinaglikuan ko kanina. Pero mabilis na gumalaw ang lalaki at isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya. Tinaggal niya ang kanyang hood. Itim ang kanyang malalalim na mga mata at may kahabaan ang kanyang ilong pero matangos ito. Mas matangkad siya sa'kin kaya kailangan kong tumingala ng kaunti.

        "Sino ka?" mabilis kong tanong.

        "Axon ang pangalan ko," wika niya saka iniabot niya ang kanyang kamay. Hindi ko iyon tinggap bagkus ay mas lalo ko pang inihanda ang sarili ko.

        "Bakit mo 'ko sinusundan?"

        "Dahil hindi ko mahanap si Emerson. Kailangan ko siyang balaan tungkol sa'yo."

        "Tungkol sa'kin?" tila parang nahulog ang puso ko sa'king sikmura sa kaba. "A-anong ibig mong sabihin?"

Nagpalinga-linga siya sa paligid na para bang sinisiguradong walang nakakarinig sa usapan namin. "I'll tell you but not here."

        Tumango lang ako atsaka sumama sa kanya sa may coffee shop na malapit paglabas ng subdivision namin. Nang makuha na namin ang order namin ay naupo kami sa may sulok ng shop. Bakit ba siya nagtatago?

Axon. Parang pamilyar ang pangalan niya. Tama. Siya si Axon na tumulong kay Emerson. Guardian siya sa Parallel Universe.

        "Anong ibig mong sabihin na kailangan mong balaan si Emerson tungkol sa'kin?" Wala nang paligoy-ligoy pang tanong ko sa kanya. "Anong meron sa'kin? Anong dapat kong malaman?"

Humigop siya ng kape at mataman munang pinag-aralan ang mukha ko na puno ng pag-aalala sa sasabihin niya. Alam kong hindi maganda iyon kaya hindi ko makuhang ngumiti. "Alam kong kilala mo na 'ko sa mga minutong 'to Sabrina. Alam mo na guardian ako sa Paralell Universe. At alam ko rin na gusto mo nang malaman ang sasabihin ko."

        "Then tell me. Let's cut the bull and just tell me."

        "The Regency is shrinking."

        "What Regency?"

        "It's what we called the goverment of the Parallel Universe―Regency."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa'king baso na para bang aagawin ito ni Axon anumang sandali. "At anong kinalaman ko dito?"

        "Dahil ang Regency ang namamahala sa lahat ng mga mundo. Heaven, Hell, Purgotory, The Other World at kung ano pang maisip mong mundo na maaring nag-e-exist ay ang Regency ang namamahala ng mga iyon. At dahil sa nakatakda ka na para sa Impyerno ay niligtas ka ni Emerson na labag sa batas ng Regency. Lalo pang naging malala ang sitwasyon nang patayin niya si Martha na siyang sumira sa maraming tadhana kaya nag-aklas ang impyerno laban sa mga anghel dahil isang fallen angel ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."

        "Hindi kita maintindihan Axon," pagtatapat ko sa kanya.

        "Si Ergott. Natatandaan mo ba siya? Nabasa mo ang manuscript ni Emerson 'di ba?"

        "Oo."

        "Si Ergott ang may pakana ng lahat kung bakit sumulpot si Martha sa crossroad nang gabing lasing na lasing si Emerson. Ginamit ni Ergott si Martha para makipag-deal kay Emerson para makakakuha ng isang kaluluwa sa future. At iyon ay ikaw. All this time alam na ni Ergott na ililigtas ka ni Emerson sa lahat ng kapahamakan dahil may mga nakita siyang mga dokumento sa Langit na ipinagbabawal sa lahat ng mga anghel kaya iyon ang dahilan kung bakit itinapon siya dito sa mundo ng mga tao. Paghihiganti sa mga kapwa anghel niya ang kanyang gusto kaya nangyayari ang lahat ng ito. Everything is falling apart Sabrina. Nagsarado ang Langit dahil sa digmaang ito dahil wala ng balanse sa mga mundo."

        Huminto siya panandalian at humigop muli ng kanyang kape bago nagpatuloy muli. Inihanda ko na ang dalawa kong tainga sa susunod pa niyang sasabihin. "At dahil ang Regency ang namamahala sa lahat ng mga mundo ay kailangan nitong ibalik ang balanse. Ibig sabihin kailangan mong mamatay Sabrina para matapos ang lahat ng ito. Ang digmaan ng iba't-ibang mundo ay matitigil kung mamatay ka."

        Napauwang lang ang aking bibig at tila ang hangin ay naging solid na kay hirap langhapin. Nagbara ang dalawa kong baga at sa mga sandaling ito ay gusto konng sumabog. Parang sirang plaka na nagpatuloy sa pag-ikot sa utak ko ang tinig ni Axon at paulit-ulit na sinasabing, "Ang digmaan ng iba't-ibang mundo ay matitigil kung mamatay ka."

        Ako ang dahilan kung bakit nahuhulog ang mga anghel mula sa Langit. Ako pala ang may kagagawan ng lahat ng ito.

        "Sabrina," yugyog sa'kin ni Axon. Tumingin lang ako sa kanya pero gulat pa rin ang nasa mukha ko at hindi ko magawang magsalita. "Sabrina kailangan mong mag-ingat dahil maraming naghahanap sa'yo para patayin ka. Kaya kahit anong mangyari ay kailangan mong lumayo kay Emerson."

        "Lumayo kay Emerson? Bakit? Bakit ko lalayuan ang taong alam makakatulong sa'kin?"

        "Dahil para maibalik ang balanse ng mga mundo, ang kailangang pumatay sa'yo ay si Emerson."

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon