Chapter | Thirteen

195 15 0
                                    

Emerson | Sa isang iglap lang ay nawala na si Sabrina sa paningin ko. Naiwan akong nakaluhod sa sahig—laglag ang mga balikat at biyak ang puso. Agad akong linapitan ni Smoke at tinulungan ni Smoke na tumayo.

            “Nawala na naman siya,” bulong ko. “I need to save her,” paulit-ulit kong sabi sa’king sarili at tila nagbara ang aking mga tainga dahil may sinasabi si Peige at Lavinia pero hindi ko na maintindihan dahil ang isip ko ay okupado ng pag-iisip kung saan maaring dalhin ni Ergott si Sabrina.

            Pero tila nagising ako mula sa malalim na bangungot ng biglang may tumalon mula sa gilid papunta sa gitna ng rooftop. Nakayukod ito nang humarap sa’min pero hindi maipagkakailang babae ito dahil sa iba’t-ibang kulay ng kanyang buhok na para bang bahaghari  na naka-tirintas. Nakasauot siya ng itim na tanks na pinatungan niya ng leather na jacket na itim. Ang suot niyang pantalon ay hapit sa kanyang mga hita at ang kulay nito ay faded blue. Napansin ko rin na napakakapal ng suot niyang boots na kulay itim din. Sa kanyang balakang ay may mga nakasuksok na mga kakaibang baril na ngayon ko lang nakita sa tana ng buhay ko. Doon ko naisip na marahil ay galing siya sa ibang mundo. Sa kanyang dalawang kamay ay nakahanda ang dalawang mahaba pang baril—mas mahaba pa sa kanyang mga reserba at dahan-dahan niya itong ibinaba ng mapagtanto niyang hindi kami mga kalaban.

            “’Wag niyong sabihin nahuli na ‘ko?” tanong niya sa’min.

            “Sino ka?” mabilis na tanong ni Peige.

            “Ako si Aleona,” sagot niya sa malamig niyang tinig. “Galing ako sa Parallel Universe.”

            “Kung ganoon ay kasamahan mo si Axon?” tanong ko.

            “Oo,” sagot niya.

            “Anong kailangan mo dito Aleona?” tanong naman ni Lavinia na nasa’king kaliwa. “Anong ibig mong sabihin nahuli ka na?”

            “Si Sabrina,” aniya. Ang pangalan na kanyang binaggit ay tila muling nagpalungkot sa’king mukha. “Kailangan mo siyang patayin Emerson. Iyon lang ang tanging paraan para matahimik na ang lahat pati na ang Regency.”

            “Regency?” kunot-noong tanong ni Peige.

Tila walang narinig si Aleona, “Kailangan kong makita si Sabrina,” muli niyang paghahanap sa babaeng pinakamamahal ko.

            “Kinuha na siya ni Ergott,” mahina kong sagot, “kani-kanina lang bago ko...” tila hindi ko kayang sikmuraing sabihin ang kasalanang muntik ko nang magawa.

            “Kanina lang bago tuluyang ibaon ni Emerson ang patalim sa dibdib ni Sabrina,” pagpapatuloy ni Smoke.

Tumango lang si Aleona saka tumalikod sa’min saka pinagmasdan ang paligid. Tila sinusundan ang bakas ni Ergott sa pamamagitan ng hangin. Isang kakayahan na alam kong meron si Aleona dahil isa siyang Guardian ng Parallel Universe.

            “Tulungan mo ‘kong makuha siya,” pakiusap ko sa kanya. Humakbang ako ng ilan papalapit sa kanya. “Tulungan mo ‘ko, please?”

            Humarap siya at humawak sa baril na nakasuksok sa kanyang kaliwang balakang. Pinag-aralan niya ang buong mukha ko dahil matatalim ang titig na ipinipukol niya sa’kin.

            “Alam mong kailangan mo siyang patayin  hindi ba? Kaya kahit maisalba natin siya kay Ergott kailangan pa rin na ikaw ang pumatay sa kanya.”

            “A-alam ko,” naramdaman ko ang pagsusumiksik ng kirot sa’king puso, “pero wala na bang ibang paraan?”

            Umiling lang siya. “Iyon na lang ang nag-iisang paraang Emerson. At kung hindi mo gagawin iyon ay masisira ang mabubuwag ang Regency at matatapos na ang sanlibutan.”

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon