TTL ~ XII

246 13 6
                                    

TTL ~ XII

We were having lunch when suddenly Green's sleek car appeared outside our house.

Agad siyang pumasok sa loob ng bahay habang nakasuot ng black business suit, complete with his tie. He looked intimidating and formal but handsome either way.

Napalunok ako nang maisip ang pag-compliment ko sa kanya. Iwinaksi ko ang isiping iyon. Mabuti na lamang at hindi niya nababasa ang laman ng isip ko. It would be embarassing.

Bakit nga ba siya nandito?

Nagtatakang tinitigan ko si Lemon na patuloy lang sa pagkain. Balewala sa kanya ang pagdating ng kanyang kuya.

I prepared menudo and tinolang manok for our lunch. She seems to enjoy eating the food. I'm quite pleased that she like it. Knowing how wealthy they are, malamang sanay na sila sa mga mamahaling pagkain since may personal chef pa ang pamilya nila.

Kahit nga si Ate Apple ay mahilig kumain sa mga high class na restaurants noon. Naging lowkey lang siya nang ikasal na sila ni Kuya Serge. Ngunit kahit na ganoon, halata pa rin sa gawi at akto ni Ate ang pinanggalingang karangyaan.

"Why is he here?" pabulong kong tanong kay Lemon.

She gulped her orange juice first before glancing at me.

"Huh? Sino?"

Ininguso ko ang kuya niya na nakaupo na sa sofa at nakatitig sa kambal na nasa crib. Ang mga crib na iyon ay binili nina Kuya Serge at Ate Apple noon. Matagal na iyon dito sa bahay ngunit ngayon lang ulit nagamit pagkatapos ng ilang buwan.

"Oh!" Her face brightened. "Hindi ko ba nasabi sa'yo na pupunta siya rito? It was one of Mom's condition. Sa tingin ko, pumasok muna siya sa work niya bago magpunta rito. Malamang nag-half day lang siya." She explained further.

"I think he told you that he will bring the kids that time when you had an accident, friend. Nakalimutan mo na?" kunot-noong pakli ni Zeejay.

Natigilan ako at napaisip nang mapatingin sa kanya.

"Just rest until tomorrow. I will bring them here."

Iyon yata ang mga sinabi niya!

I think she's right! Siguro ay binalewala ko lang ang sinabi niya dahil sa pagkatuwa nang malaman na makikita ko na ang kambal. Hindi tumino sa isip ko na siya personally ang magdadala rito.

Isa pa, sumakit din ang buong katawan ko nang gabing iyon. Mukhang huli na ang pag-epekto sa akin ng aksidente. Mabuti na nga lang at may pain reliever na inireseta sa akin ang doktor. Now that I remembered, si Green din pala ang bumili ng mga gamot na iyon.

"What accident?" Lemon asked curiously.

Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Napangiwi ako sa tanong niya. Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya.

"Well, ito kasing si Sera, naaksidente noong nakaraan! My gosh! Imagine my shock nang sabihin niyang naaksidente siya! Halos paliparin tuloy ni Winsley ang kotse!"

Nakaawang ang labi na bumaling sa akin si Lemon matapos pakinggan si Zeejay.

"Ate, naman! Hindi mo man lang sinabi sa akin!" gulat at nag-aalala niyang sabi.  She scanned my whole face. "Ano? May sugat ka ba? Nagamot ka ba sa hospital? Anong masakit sa iyo?"

Mababakas ang pagkataranta sa sunod-sunod niyang tanong.

I heaved a sigh. This is why I didn't tell her. I don't want to drag her in this miserable life of mine.

Truce To LoveWhere stories live. Discover now