TTL ~ X

253 14 1
                                    


TTL ~ X

I was looking forward for this day. I woke up early in the morning to prepare our breakfast while happily humming a song.

May pasok ngayong araw si Rose at naisipan kong ipaghanda siya ng almusal. Isa pa, kailangang maaga ako para buong maghapon kong makasama ang mga pamangkin ko.

The weather is fine outside, the sun is about to rise. It's surely gonna be a wonderful day. Magaan ang pakiramdam ko ngayong araw. I feel like nothing could ever gone wrong.

"O, Ate Sera, gising ka na! Ako na riyan." gulat na saad ni Rose nang nabungaran ako sa kusina.

Agad niya akong nilapitan at sinubukang agawin ang niluluto.

Nagulat ko yata siya dahil madalas akong anong oras na magising. Kadalasan pa nga'y hindi ako nag-aagahan kapag pumapasok sa opisina. I found it hard to sleep at night kaya madalas din akong late magising.

"Ako na lang. Maupo ka na riyan. Pupunta ako ngayon sa mga pamangkin natin kaya kailangan kong maaga." Nakangiti kong sabi.

"Mabuti naman, ate.. Ikumusta mo na lang ako sa kambal kahit hindi pa nila naiintindihan. Miss ko na sila!" sabay hagikhik niya.

"Siyempre naman."

Tumango ako sa kanyang sinabi at sabay na kaming kumain.

We talked a little and then do our own business later on.

Habang nasa biyahe sakay ng jeepney patungo sa mansion ng mga Ynarez ay hindi ako mapakali. Bukod sa excitement ay kinakabahan din ako.

Lemon told me she'll be there because she have no class. But I think she decided to join me because she wanted me to be at peace. Gusto pa sana niya akong sunduin sa bahay ngunit tumanggi na ako. Masyado na iyong abala pa sa kanya.

My ride has been smooth. Medyo crowded nga lang ang kalsada dahil marami nang pumapasok sa kani-kanilang trabaho. Napapangiti akong makita ang iilan na kasabayan ko na nagmamadali at naiinip na sa biyahe.

Hindi ko alam kung nasa mansyon ngayon si Ma'am Cara. At wala rin naman akong choice kung nandoon siya sapagkat kanila namang bahay iyon. Subalit hindi ko maiwasang kabahan kapag naiisip na naroon siya.

Di bale at kasama ko naman ang kambal. Sila lang naman ang mahalaga sa akin. They are the sole reason why I'm coming to that mansion.

Matagal ko rin silang hindi nakita at tila taon na sa akin iyon. Kung sana lang ay pwede ko silang makasama araw-araw. I would exchange anything just to be with them every hour of everyday.

Malalim akong napabuntong hininga.

Binasa ko ang mensahe sa cellphone nang marinig ko ang pagtunog niyon.

Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Zeejay. Alam niyang kikitain ko ang mga pamangkin ko ngayon.

From: Zeejay

Goodluck! Say hi to the twins for me! Sabihin mo miss na sila ng magandang ninang nila! 😘

Napangiti ako habang naiiling. May kasama pa talagang pagbuhat sa sariling bangko. But I replied a thank you to her anyway.

Muling kumalabog ang dibdib ko nang mapansin ang paligid. I'm so near!

Sandaling natigilan ako nang mapatingin sa unahan ng sinasakyang jeep dahil sa isang nakabibinging tunog.

Napaawang ang labi ko at napasigaw!

"Manong!" I shrieked while closing my eyes.

Kasabay niyon ay ang sigawan din ng ibang mga kasamahan ko at ang malakas na pagbangga ng jeepney.

Truce To LoveWhere stories live. Discover now