TTL ~ VII

255 13 6
                                    


TTL ~ VII

Kinakabahan man ay nagpatianod na lamang ako kay Zeejay na excited pumasok sa gusali ng Ynave.

Sa interior at structure palang ng gusali ay nakakamangha na. Halatang pinagkagastusan. Even the employees here looked classy and well-dressed.

Well, what did I expect from a multi-billionaire company?

"Ang bongga talaga ng mga Ynarez, ano? Kung isa ako sa kanila, kahit siguro ang mga kaapohan ko maliligo na lang sa pera kahit hindi sila magtrabaho." She mumbled exaggeratedly.

Napatawa ako sa pinagsasabi niya.

It isn't my first time coming here in this building. Madalas kaming magkita rito noon ni Ate Apple o kaya'y sila ni Kuya Serge. At madalas lang na sa waiting area mangyari iyon.

But it is my first time meeting Green here. Before, I don't have any reason to do so.. even those buried times.

Siguro nga'y tamang ideya na sinama ko ang kaibigan ko. Kahit paano'y inaalis niya ang kaba ko. Kahit nga ba hindi ko alam kung bakit kabado ako.

Why am I really afraid? Is it because of the thought that I'll be seeing Green? What about it? I don't know why I'm feeling this way. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko. I can't even understand myself anymore.

Noon pa man, basta tungkol kay Green, sari-saring emosyon na ang ipinaparamdam sa akin. Kaya nga madalas akong tuksuhin ni Ate Apple sa kanyang kapatid.

Marahil isa rin sa dahilan kung bakit kinakabahan ako ay dahil sa malaking gusali. Nakakalula rin kasi ang lawak at laki ng kompanya ng mga Ynarez. I can't help to say that it's quite a show-off. Tila nagpaparamdam na hari sila. That they have every right to brag their influence.

I don't think that's their intention but I can't help having those thoughts.

I never knew I'd come to this decision to talk to Green. Patuloy ko pa ring kinikwestiyon ang sarili ko hanggang ngayon. Malapit na ako sa punto kung saan gusto ko na lang umatras.

"Zee, bumalik na kaya tayo? I don't think I can do this." my voice almost cracked in begging and despair.

Hinila ko ang kanyang kamay para tumigil siya sa pagpunta sa receptionist. She was so confident walking to her!

"Friend, naman!" She stomped her high heeled feet in frustration. "Nandito na tayo, oh! Ngayon ka pa ba aatras?" sabay pandidilat niya sa akin.

Ginulo niya na rin ang kanyang bagsak at maayos na buhok dahil sa inis.

I heavily sighed.

"Mag-iisip na lang ako ng ibang paraan." Hindi mapakaling tugon ko.

My anxiousness is slowly getting the best of me.

"Wow! Paraan? At ano naman iyon?! Friend, lets be practical here." idinuro niya pa ako habang nakapameywang ang isang kamay. "You have no other choice. Kausapin mo lang si Green, pagsasabihan na no'n ang bruha niyang ina. Problem solved then you'll see the twins!" She gritted her teeth in annoyance.

Napanguso ako sa nakikitang irita sa mukha ng kaibigan ko. Nawawalan na talaga siya ng pasensya sa akin.

And I can't blame her. Paiba-iba kasi ako ng desisyon. Siguro kung ako lang ang mag-isang pumunta rito, malamang umuwi na lang ako at umatras.

Nevertheless, I'm not offended with her. Zeejay knows me. Alam niyang ang pagsasalita niya ng ganyan ang makakapagpagising sa akin. She knew I need a lot of push.

"Hinaan mo ang boses mo. Nandito tayo sa kompanya nila. Baka marinig tayo at palayasin dito!" I warned her.

"Sino bang may kasalanan? Ang arte mo kasi, friend! Tara na nga! Mag-iisip ka pa ng ibang paraan, eh nandito na tayo? Huwag mong sayangin ang effort ko at ang gasolina ng kotse ko." sabay irap niya.

Truce To LoveWhere stories live. Discover now