TTL ~ III

291 16 2
                                    


TTL ~ III

The days really turns so fast if you want it to be longer. It's ironic to think how time conspires to make you feel so sad. Ni hindi man lang nito kayang makibagay sa nararamdaman mo.

Tama nga naman ang sabi sa napanood ko na palabas. Hindi hihinto ang mundo para sa'yo. Kahit pa gaano mo kagustong magluksa, na bigyan ka pa ng mas mahabang oras o panahon para makabangon, hindi ka nito pagbibigyan.

Life goes on, either you're hurt or not. Life goes on for others. You have no choice but to continue, for it won't stop for you.

Hindi ko alam kung paano ko pa pahahabain ang oras para hindi muna ilibing sina Ate Apple at Kuya Serge.

They are due to be buried after three days. Inabot din ng dalawang linggo ang burol nila. Hindi naman inilipat si Ate Apple dahil wala nang nagawa si Madame Cara. Malamang ay pinagbigyan niya na lang si Green.

And in those past few days of the wake, I remained like a corpse, inside and out.

Halos ang pamilya lang ni Ate Apple ang nagdesisyon ng lahat. Kahit nga ba nandoon ako nang pag-usapan ang tungkol sa libing, wala naman ang atensyon ko roon.

"I want my daughter in our family mausoleum. She will be buried there with our family." Ma'am Cara said with finality.

Nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha.

"Mom, pagdesisyonin naman natin si Ate Sera. Pa'no si Kuya Serge.?"

"No me importa!" ( I don't care! )

Biglaan siyang napatikhim at napatitig sa isang diresyon.

I saw Green in his dark aura. Nakatiim ang manipis niyang mga labi habang nakatitig sa kanyang ina.

"I mean, maybe we can bring him, too.. even if he's not really our own." Nakairap niyang bawi.

Napabuntong hininga ako. She tried to make her words a little kinder but failed. Ganoon pa rin ang dating.

"What's your decision, Sera?" Green's cold voice almost woke me up from my trance.

Wala sa sariling bumaling ako sa kanya.

Ano nga ba dapat ang sabihin ko? Ano ba ang tamang desisyon?

Magugustuhan ba ni Kuya Serge kung doon siya ililibing sa mausoleum ng mga Ynarez basta't kapiling niya si Ate Apple? Ngunit kung humindi naman ako'y siguradong hindi papayag si Ma'am Cara. Nais niyang nasa maayos na libingan isama ang kanyang anak. Basta ang alam ko'y kung nasaan si Ate Apple, magiging masaya siyang kasama ni Kuya.

Napahawak ako sa aking ulo. Tama nga naman si Zeejay. Kulang ako sa tulog at nutrisyon kaya't hindi maayos ang aking pakiramdam. Hindi rin ako makapagdesisyon ng maayos.

"Maybe we can talk about it tomorrow." Green sighed.

Napatitig ako sa kanya. He must have seen me worn out.

Tumango si Lemon. "Siguro nga kuya, bukas na lang."

Napatayo si Ma'am Cara. "Tomorrow? And then tomorrow she won't be well again? Until when should we consider you, Seraphine? Until when should we consider my daughter for your brother?" Halos tumusok sa akin ang mga salita niya. Her eyes glared at me, too.

Until when..

"Will you stop it, Mom!" Dumagundong ang boses ni Green sa apat na sulok ng kwartong iyon.

"Mom, Ate Apple would want them together even in their death.." Naiiyak na saad ni Lemon, nangungusap ang mga mata sa ina.

"This is what I hate about you both! Can't you understand my sentiment here? Sa tingin niyo ba ay para sa akin itong ginagawa ko? I want the best for my daughter! I want the best for her even if she's already dead!" Her cries echoed the room.

Truce To LoveWhere stories live. Discover now