CHAPTER 13

926 71 21
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

  “Hindi ka pa ba tapos, Larian?!” malakas na sigaw mula sa labas ng kuwarto ko, boses iyon ni Kriss.

Nandito sila ni Clyd sa mansion ngayon. Alas-kwatro pa lang ng umaga ay narito na sila, ang aga nilang nanggulo, sabay-sabay na raw kaming pumasok. Hindi na ako nakatanggi dahil sobrang kulit nila. Muntik pa nga nilang akyatin kanina ang gate ko para lang makapasok dito.

Mag-t-trespassing pa.

Hindi lang ‘yon, bago sila pumasok dito sa mansion ay may sinabi pa si Kriss.

“We’re friends na, ha. . . and oops, bawal tumanggi. I don’t take ‘no’ as an answer.”

Pala-desisyon din, eh.

Napailing-iling na lamang ako nang maalala ang pinaggagawa nila kanina.

Sa halip na pansinin ang tanong nito ay nanahimik na lamang ako dahil kahit sumagot naman ako ay hindi niya maririnig dahil soundproof ang kuwartong ito.

Hawak-hawak ko ngayon ang uniporme ng paaralan. Susuotin ko na ito dahil iyon ang utos ni dean, para daw hindi naman ako magmukhang outsider na pakalat-kalat. Daming dama.

I wore it and checked myself in the mirror. I’m wearing a long white sleeve with a black tie that is coiled on the collar of my long sleeve. I paired it with a black coat that has the logo of our school. My gaze was drawn to the lower part of my uniform, a black skirt with two lines at the bottom, just above my knees.

Hindi naman maikli ang palda para sa akin, hindi katulad ng palda ng iba na sobrang ikli talaga.

I take a seat at the edge of the bed, then put on my not-too-long white socks and black school shoes with heels.

Walang kagana-gana kong hinablot ang bag ko sa may mahabang sofa saka naglakad patungo sa may pintuan.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Kriss na hinihintay pala ako.

“Ang tagal mo,” bungad na reklamo nito.

Imbes na pansinin ang tanong nito ay hinanap ng mata ko si Clyd, mukhang napansin naman niya ito.

“Ah. . . eh. . . nasa may kusina na. Sorry, hindi ko na napigilan. Ayaw paawat, eh, nagugutom na raw siya,” nahihiyang sabi nito habang napakakamot sa ulo.

“It’s okay. Let’s go,” tanging sagot ko at tinapik ko ang balikat nito bilang tanda na ayos lang sa ‘kin at inaaya ko na siyang bumaba.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now