CHAPTER 10

1.3K 109 50
                                    

T H I R D  P O V

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

T H I R D  P O V

   Nalalapit na ang pagpatak ng ala-una kung kaya’t karamihan sa mga estudyante at pati na rin ang ibang malalakas na seksyon ay nagpupuntahan na sa Camorra Street, ang magsisilbing lokasyon ng laban ng dalawang panig—Apollyon at Sonneillon, upang manood.

Ang mga Sonneillon ay nasa lugar na kung saan magaganap ang laban, samantalang ang mga Apollyon nama’y nasa kanila pa ring mansion na nasa loob ng Sacilians’ Residence.

Animo’y walang laban na pupuntahan ang Section Apollyon sapagkat abala lamang ang mga ito sa kani-kaniyang ginagawa.

Sina Kaiser at Azaiah na seryosong nag-uusap. Sina Dark at Helios na abala sa pagbabasa ng kung anong libro. Si Hades na tahimik na naglalaro ng dart ball. Si Haiden na malalim ang iniisip. Si Fynn na nakangising hinihimas ang kaniyang baril. Si Archy at Xenon na naglalaro ng online games. Sina Bryant at Asher na umiinom ng kupita, kasama na roon si Larius na s’yang tumutungga rin habang naglilinis ng kaniyang paboritong kutsilyo. Sina Clydius, Kriss, at Blaze na abala sa paglalaro ng kung ano-ano. Si Soichi na seryosong naglalaro ng baraha habang umiinom ng tsaa. At si Darius, mas matanda sa kanila, na nakamasid lang sa kanilang lahat.

Ilang saglit lamang, tumingin sa kaniyang relo ang lalaking may hawak na libro, si Dark. Lumapit siya sa kaniyang kaibigang lalaki na nagngangalang Azaiah at saka ito bumulong.

“It’s already one in the afternoon, Az,” bulong nito.

Tumango si Azaiah bago tumayo at tinignan ang kaniyang mga kasama na hindi man lang napansin ang pagtayo niya.

“Let’s go!” puno ng awtoridad na utos ni Azaiah, ang tumatayong pinuno ng Section Apollyon. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito.

Napahinto ang mga m’yembro nito sa kani-kanilang ginagawa, pagkatapos, nagtayuan na rin sila at umayos ng tindig. Nagsitanguan ang mga ito saka nagsimulang maglakad palabas ng mansyon. Ang kaninang mukha nila na mayroong iba’t-ibang emosyon ay napalitan ng pagka-seryoso.

Nangunguna sa paglalakad si Azaiah, sa kanan nito ay si Dark habang ang nasa kaliwa naman ay si Kaiser at ang katabi nito ay si Helios. Sa likod ng apat ay ang lima pang binata; sina Bryant, Archy, Haiden, Hades, at Fynn. Sa likuran ng mga ito ay ang iba pang mga m’yembro.

Ang Section Apollyon ay binubuo ng labing-siyam na estudyante noong wala pa ang nag-iisang babae sa seksyon nila. Sa ngayon ay wala pa rin ang dalawang kaklase nila sa magkaibang rason subalit natitiyak naman nilang babalik din ang mga ito sapagkat hindi sila matatawag na Section Apollyon kung wala ang dalawa—kung hindi sila kumpleto.

Pagkarating ng mga taga-Apollyon sa Camorra Street, biglang naghiyawan ang ibang mga estudyante. Napuno ng sigawan ang lugar. Makikita sa mukha ng mga ito ang pananabik, tuwa, pag-aalala, at kaba na akala mo’y sila ang makikipaglaban.

The tension increased. The presence of the two sections was enough to show the danger, strength, and power of each side. Dalawang seksyon na isa sa malalakas na grupo—ang isa na nangunguna at isa na pumapangalawa sa ranggo ng mga pangkat.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now