CHAPTER 04

1.6K 122 75
                                    

H E L L A R I A N 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N 

- 10 Rules of SDU -

Iyan ang nakasulat sa computer screen.

“RULE #1: You can’t kill your fellow students unless they invite you to an underground battle or if the Bloody Night came,” pagsisimula ni Dean Roger sa pang-unang alituntunin ng paaralan.

Humakbang siya papalapit sa lamesa.

“Hindi ka maaaring pumatay ng kapwa mo estudyante, may kasalanan man ito sa ‘yo o kahit ano pa mang rason mo.” Huminto siya saglit sa pagsasalita at tinungkod ang dalawang kamay sa lamesa bago tumingin sa akin ng diretso. “Maliban na lang kung. . . hinamon ka nito ng isang d’welo sa underground arena o kaya’y kapag sumapit na ang ika-limang buwan ng gabi na tinatawag na Fifth Month’s Night o mas kilala bilang Bloody Night,” dagdag niya.

Umayos ito ng tayo bago tumingin sa futuristic screen.

“RULE #2: You are not allowed to let an outsider enter this university.”

“Hindi ka pinapayagang magpapasok ng mga taong hindi nag-aaral o nagtatrabaho rito. Sa madaling salita, hindi pinapayagang maglagi o manatili rito ang mga taga-labas dahil kailangan naming siguraduhin na protektado ang buong paaralan,” paliwanag niya, saka muling gumalaw ang nasa screen at nalipat ito sa sunod na alintuntunin.

“RULE #3: Do not betray your group or section,” matigas na pagkakasambit niya.

“RULE #4: Do not declare a war against your group,” sambit niya sa pang-apat na batas habang naglalakad-lakad. “Para lang din itong katulad ng ika-tatlong alituntunin, maging tapat ka sa kanila. Hinding-hindi ka pinahihintulutan na mag-diklera ng gulo laban sa iyong ka-grupo. . . kung ayaw mong iyon ang maging dahilan ng pagkasira ng inyong samahan at ang pagkawala ng seksyon ninyo sa paaralang ito. Being loyal to your group is a must. Hindi kailangan ng paaralang ito ngg mga traydor,” mariing pagpapatuloy niya.

“RULE #5: You must respect and follow your leader especially the top five strongest sections.”

Ooh, the rule that Kaiser stated earlier. Psh! Anyway, why would I follow that rule? As I’ve said, I don’t need a leader who will order me whenever he wants; I don’t want to be their servant. In short, I don’t fvcking need them.

“RULE #6: You are not allowed to disseminate publicly or externally share information about what is going on inside this university.”

“Kapag nalaman namin na ipinagsabi mo sa publiko ang mga nangyayari sa paaralang ito, prepare your body and life. . . because you’ll find exactly what you’re looking for.” May pagbabanta sa boses nito na inikutan ko lang ng mata.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now