CHAPTER 26

135 8 104
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

   Pagkalabas na pagkalabas ko sa gate ng mansion na aking kinauupahan, biglang kumunot ang noo ko nang bumungad sa ‘kin ang limang lalaki na nakatambay dito sa labas—si Kuya Hades na nakasandal sa pader habang nakapamulsa, si Kuya Helios na nakasandal sa kabilang pader habang nagbabasa ng libro, si Haiden na nakasandal naman sa isang poste habang nakapikit, at sina Clyd at Kriss na parehong nakaupo sa sahig. Tila may hinihintay ang mga ito.

Tumikhim ako.

Sabay-sabay silang napalingon sa gawi ko. Nang makita nila ‘ko ay agad silang umayos ng pagkakatayo habang si Kuya Helios naman ay sinara ang librong kaniyang binabasa.

“What are you doing here?” taas-kilay kong tanong.

Inirapan naman ako ni Haiden. “Obvious ba, ‘bal? Baka nakikitambay lang.”

Dahil sa pamimilosopo nito ay sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matawa ito.

“Chill! Nagbibiro lang ako,” natatawang saad niya at itinaas pa nito ang dalawa niyang kamay na animo’y sumusuko. “Sinusundo ka namin. Sabay-sabay na tayong pumasok.”

Tch! ‘Yun lang pala sasabihin, pipikunin pa ‘ko.

“Bakit?” tanong ko.

“Anong bakit? Hindi pa magaling ‘yang mga sugat at pasa mo, baka may man-trip na naman sa ‘yo sa daan at madagdagan pa ‘yan,” sagot naman ni Kuya Hades.

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nito. Eh, ano? Kaya ko naman sarili ko.

Kaysa sumagot pa ay tumango na lamang ako bilang tugon, saka kami nagsimulang maglakad paalis habang inaalalayan ako nina Kuya Hades at Haiden.

Pagdating namin sa tapat ng aming silid-aralan, pumasok na kami sa loob. Nakapagtataka nga sapagkat hindi man lang pinansin nina Clyd at Marlou pati na rin ng mga kapatid ko ang mga kaklase namin, sa halip, umupo lamang sila sa tabi ko.

Sobrang tahimik ng room. Kung meron mang nagsasalita ay hindi katulad ng karaniwang ingay na ginagawa nila. Mahina lamang ang pag-uusap nila. Himala’t parang may duman na anghel sa classroom na ito.

Habang nililibot ko ang aking paningin sa buong silid, nagtagpo ang mga mata namin ni Fynn. Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin kaya inirapan ko lamang siya at saka nag-iwas ng tingin.

Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko na papalapit sa gawi namin si Asher dahilan para mapatayo bigla ang mga kuya ko mula sa pagkakaupo, pagkatapos ay biglang humarang ang mga ito sa harapan ko na parang pinoprotektahan ako.

Ginagawa ng mga ‘to?

“Kung ipagpipilitan n’yo pa rin na paalisin ang kapatid namin sa section na ito just because of that fvcking reason, back off, Abancio! We can protect her. Kaya wala ng dahilan para paalisin n’yo s’ya rito,” seryosong saad ni Kuya Hades, may diin ang bawat salita na binibigkas nito.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now