CHAPTER 21

79 16 68
                                    

T H I R D   P O V

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

T H I R D   P O V

   Ang dalawang babae na nagngangalang Hellarian at Samara ay nasa building ng Kickboxing Club. Hinihintay nilang dumating si Hayila na nagpapalit ng damit pang-training. Sa kadahilanang wala silang klase ngayong araw ay napagdesisyunan muna nila na simulan na ang pagtuturo kay Hayila ng mga basic skill sa pakikipaglaban. Sisimulan nila ang training nito sa pamamagitan ng pagtuturo rito ng combat na pangungunahan ni Hellarian.

Pagkapasok na pagkapasok ni Hayila sa gym ay hinagisan siya ni Hellarian ng hand wrap na hindi niya nasalo o naiwasan agad kaya tumama ito sa mukha niya.

“Aray ko! Teka lang naman,” reklamo ni Hayila.

Hellarian tsked while shaking her head.

“Hindi lang lakas ng katawan ang kailangan mo para maprotektahan ang sarili mo. You also need an active mind and sharp vision to know your opponent’s next move,” paliwanag ni Hellarian kay Hayila at tinignan ito ng diretso sa mata bago ito binatong muli ng boxing gloves. “Always remember that it is not just about physical strength, but also about quick reactions and sharp thinking.”

Nakatingin lamang si si Hayila kay Hellarian habang nakikinig at nagsusuot ng boxing gloves nang bigla siyang binato ng pingpong ball ni Hellarian na inabot dito ni Samara. Sa unang bato ay hindi ka’gad naiwasan ni Hayila ang bola kaya’t tumama ito sa tiyan niya dahilan upang mapadaing ito.

Sa pangalawang beses ay binato muli siya ni Hellarian ngunit natamaan naman siya sa braso dahil sa bagal nito, hanggang sa mag-pangatlong beses ay nagawa na nitong maiwasan ang bola. Sunod-sunod siyang binato ni Hellarian ng mga pingpong ball na nasa basket. May ilan na naiiwasan niya, may ilan naman na hindi.

Pagkaubos ng mga bola ay pinapulot sa kaniya ni Hellarian ang mga bolang nagkalat na kaniya namang sinunod. Nang ma-kolekta at mabalik na ni Hayila ang mga pingpong ball sa  basket ay tinawag na siya ni Hellarian para papuntahin siya sa gawi ng mga ito.

“Here,” saad ni Hellarian at binigay niya ag isang sports mouthguard sa dalagang si Hayila. Tinignan naman ni Hayila si Hellarian nang may pagtataka sa mata.

“Para saan?” nagtatakang tanong ni Hayila.

“Protect your teeth,” tipid na sagot naman ni Hellarian. Tinapik-tapik muna ng tatlong beses ni Hellarian ang balikat ni Hayila. “Your training will begin now, so get ready.”

Tumango naman si Hayila at umayos ng posisyon. Habang si Samara naman ay pumunta sa isang gilid upang panoorin lamang sila.

“Your first lesson is to take every punch I give while keeping your eyes open.”

“What the! Seryoso ba?! Ayoko!” dali-daling reklamo ni Hayila nang marinig niya ang sinabi ni Hellarian, hindi makapaniwala ang mukha niya.

“I’m goddamn serious, Hayila! And will you please stop complaining? Ginusto mo ‘to, ‘di ba?” Seryosong tinignan ni Hellarian si Hayila. “Kaya dapat panindigan mo. . . You should always remember na kakambal ng combat ang violence at pain.”

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now