27

7.8K 185 55
                                    



There she was like a picture.
There she was, she was just the same.
There she was; she just had to know that she had forgot her name.

SHA's POV

"Kain na po ng breakfast! Halika na! Lalamig ang coffee mo."

Masuyo kong inaayos ang mesa habang hinihintay kong lumabas si Art mula sa kwarto. Ito ang unang pagkakataon na ipinagluto ko siya ng corned beef simula nang maghiwalay kami. Excited ako. Gusto kong makita ulit ang reaksyon niya kapag kumakain siya ng luto ko.

"Lika na o. Dito ka maupo."

Bagong gising siya kaya taas-taas na naman ang buhok niya at naniningkit ang mga mata. Mahilig kasi siya matulog ng nakadapa kaya palaging singkit ang mata niya paggising. Napangiti na lang ako habang inaayos ko ang buhok niya para bumaba.

"Son Goku."

Tumingin sya sa akin na may pagtataka. Natawa ako kasi di niya nagets ang sinabi ko. Halatang antok pa.

"Para kang si Son Goku. Super Saiyan. Taas-taas ang buhok na sobrang gulo. Lika nga ayusin ko muna yan."

"Y-yam."

Napatigil ako ng banggitin nya ang salitang yun habang inaayos ko ang buhok niya. Hinawakan niya ang kamay ko at napatigil ako sa ginagawa ko.

"P-po? B-bakit? May masakit ba? Anong gusto mo?"

Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata ko habang hawak niya ang kamay ko.

"G-ganito rin ba tayo dati? Ganito ba tayo noon?"

Itinuloy ko ang pag-ayos ng buhok niya habang pilit kong pinipigilan ang panginginig ng boses ko at pagtulo ng luha ko.

"O-oo naman. Ganito 'yun."

"Masaya ba tayo noon?"

"O-oo Yam."

"Mahal mo na ba ako mula pa noon? G-ganito mo ako kamahal?"

Hindi ko na napigil ang luha ko. Nakalimutan na nga ba niya lahat? Kahit ang nararamdaman niya para sa akin? Pati kung paanong tumibok ang puso nya para sa akin? Ang mga memories na inipon naming magkasama sa maiksing panahon pagkatapos ng limang taon, kasama din ba yun sa mga nakalimutan niya?

"Ssshhh. Tama na. Baka sumakit na naman ang ulo mo sa kakaisip nyan eh."

"Y-yam..."

Hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Hindi mo ba ako iniwan noon? Kahit kailan?"

Napatigagal ako sa tanong niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Lahat ng mga bagay na hindi niya matandaan. Pero kpag ginawa ko 'yun, lalo ko lang sasariwain ang sugat na matagal niyang pinagaling.

"Ay nako! Ang bebe ko ang aga-aga ang daming tanong. Halika na. Kainin mo na yan tapos pupunta tayo sa SM Manila. Marami tayong memories doon!"

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti at sumenyas na tumabi ako sa kanya. Tahimik siyang kumakain at palihim ko siyang pinagmamasdan.

Bakit sabi nila, kahit nawala ang memorya ng isang tao, hinding hindi daw nito mabubura ang mga bagay na natatandaan ng puso niya. Sa tuwing titignan ko si Art, umaasa pa rin ako na sana hindi ako nawala kasama ng memorya niya. Na sana hindi ako kasama sa mga bagay na nalimot niya. Na sana ako pa rin ang laman ng puso niya. Na kahit wala na ang maraming memories, gagawa kami ng marami pang bagong memories.

"Y-yam?"

"Po?"

"Ang sarap ng kape."

Ngumiti ito sa akin ng sobrang tamis at hindi ko napigilang di rin mapangiti.

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon