8

16.2K 194 22
                                    

8

--------

SHA's POV

Hindi pa rin natatapos ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa ginawa ni Art. Ano ba ito? Masyado lang ba akong nadala ng pagkawala nya ng mahabang panahon?

Humiga siya patalikod sa akin. Humiga na rin ako. Halos 12 midnight na rin.

Cherry calling...

Cherry calling...

Cherry calling...

Hindi ko sana sasagutin kasi baka magising si Art pero maghapon din kasi kaming di nakapagusap ni Cherry kaya sinagot ko na rin.

{Hello mine? Sorry po tulog na kasi si Art.}

{Magkatabi ba kayo?}

Sasabihin ko ba? Paano pag nagalit siya? Hay. Bahala na nga!

{Opo mine. Pero may unan naman sa pagitan namin.}

{Nalasing ba siya? Lumayo ka ha. Baka kung anong gawin niya sayo. Nakainom yan.}

Nilingon ko si Art at nakita kong nakatalikod pa rin siya sa akin.

{Mine behave naman siya. Ngayon ko nga lang siya nakitang uminom. Parang di nalalasing.}

Simula nang maging kami ni Art, many years ago, hindi pa siya uminom sa harap ko. Pero minsan kapag nalalasing siya noon, tumatawag siya sa akin at umiiyak dahil magkaaway kami. Pero eto ang first time na uminom siya sa harap ko.

{Basta mine. Ayokong masyado kang lumapit sa kanya. Mahirap na.}

{Opo. Tulog naman na siya.}

{Okay ka lang ba dyan?}

{Oo naman mine. Bakit?}

{Wala lang mine. Nag-aalala lang ako kasi syempre after ilang years ngayon lang kayo nagkita at nagkausap. Wala pa kayong closure sa nakaraan.}

{Opo. Pero mine believe it or not kanina pa siya nandito pero never kami nag-usap.}

{Weh?}

{Opo. Hindi kami nagkaroon ng pakakataong mag-usap.}

{Ah buti naman. Kasi baka pilitin ka na naman nyang bumalik ka sa kanya.}

Biglang pumasok sa isip ko ang mga narinig kong usapan nila ni Zoey. Matagal na rin naman. At mukhang naka-move on na siya talaga.

{Matagal na yun mine. Sigurado ako nakamoveon na rin siya. Kaya hayaan mo na. Tiwala lang ha.}

{Opo mine. Sige na, pahinga ka na dyan. Magkita na lang tayo on weekends ha?}

{Okay. Good night mine. Iloveyou.}

{Iloveyoutoo. May tiwala ako sayo ha.}

Nakamoveon na si Art. Tama. Tama lang ang ginawa niya. Imposible naman nga kasing sa tagal ng panahong iyon, di pa siya nakamoveon. Baka nga may girlfriend na siya ngayon eh. Nasa ganun akong pagiisip ng di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ilang oras pa lang ang tulog ko pero naramdaman kong bukas pa ang ilaw kaya nagising ako. Medyo nakabukas din ang pinto ng kwarto at naririnig kong parang may naguusap.

Malapit ang kwarto ko sa dining at alam kong sa dining nanggagaling ang mga boses na naririnig ko.

Mukhang magkakwentuhan sina Art at Mama ah.

Pinakinggan ko ang usapan nila. Tahimik ang gabi kaya naririnig ko ng malinaw ang mga sinasabi nila.

"Nako, bigtime ka na pala Art! Si Sha naman pupunta ng Oman kasama yung kaibigan niya. Medyo matagal na rin sila dito sa Pilipinas eh. Naghihintay pa kasi ng pagdating ng visa nila. Nakasama na niya yun sa Kuwait."

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon