25

8.4K 212 44
                                    

ART'S POV

"Y-yam... Bumalik ka na sa akin."

Masuyo akong tiningnan ni Mia. Bigla kong binawi ang pagkakahawak ko sa pisngi niya, pakiramdam ko namula ako sa ginawa ko. Sasabihin ko nga ba 'yun sa kanya? Pero ilang milyong beses ko ng sinabi 'yun mula noon.

"I'm s-sorry."

"Mahal mo talaga siya noh?"

"Tanga ba ako kung sasabihin kong oo?"

Haaay! Wala na. Wala na talaga. Tibag na tibag na ang pader. Nalusaw na ang yelo. Bumigay na naman ako. For the millionth time, bumigay ako.

"Oo, tanga ka. Pero mahal mo, ano ang magagawa mo di ba? Hindi mo naman pwedeng pigilan 'yan. Kung natuturuan ang puso kung kailan titigil magmahal, kung nasasabihan lang sana ito na 'wag masaktan, eh di hindi sana ganun kahirap ang pag-move on."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang nakahinto pa rin kami sa lugar na iyon. Kumuha pa ako ng isang beer at iniabot kay Mia. Nakangiti niyang tinanggap 'yun.

"Bakit hindi mo siya bawiin?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Babawiin? Limang taon na ang nakaraan. Ako, sigurado ako sa sarili ko na mahal ko pa rin siya, nakumpirma ko 'yun nang makita ko siyang muli. Ganun pa rin. Hindi pa rin nagbago.

"Mia, may Cherry na siya. Saka tingnan mo naman. Limang taon na sila, hindi naman niya ako hinanap, hindi naman niya ako hinabol. Hinayaan lang niya akong mawala."

"Paano kung hindi naman siya masaya sa loob ng limang taon na 'yun? Art, hindi mo pa naman siya nakausap. Hindi mo alam kung anong nararamdaman niya, kung ano ang nangyari sa loob ng limang taon na hindi kayo nagkita."

Tama siya. Kailangan ko lang naman siyang makausap. Sabihin kung ano ang nararamdaman ko. Kung wala ulit akong makukuhang sagot kagaya noon, ayos lang. Ito lang naman ang hinintay ko talaga. Ang makita ulit siya, mahawakan, mayakap.

"Mia, tutulungan mo ba ako?"

"Na mabawi siya?"

"Kung magpapabawi siya."

"Deal!"

-----

SHA'S POV

Maaga kaming nagbyahe ni Cherry pabalik ng Manila. Wala na rin siyang nagawa sa gusto ko. Gusto ko na talagang umuwi. Habang nasa byahe ay walang nagsasalita sa amin.

"Mine, ano ba! Kausapin mo naman ako."

"I need space. Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko ng isang linggong katahimikan. Kailangan ko mag-isip."

"Ayoko."

Naiinis na talaga ako.Sa tinagal-tagal namin, ngayon lang naman ako humiling ng space. Ngayon lang. Buong limang taon, magkasama kami araw-araw. Ano ba naman 'yung isang linggo na kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko. At para sa nararamdaman ko.

"Isang linggo. Wala ka na magagawa. Kailangan ko ito."

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa terminal. Bumaba na rin ako para umuwi sa amin sa Taguig. Naiwan pa rin sila Mama doon at mukhang balak pang mag-stay doon ng dalawang linggo pa. Pagbaba ko, nagulat ako nang makita ko si Mia na pasakay naman ng bus.

"Mia!"

Patakbo akong lumapit sa kanya. May dala itong bag at mukhang babalik na ng Bicol. Pero sinong kasama niya?

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na sa Bicol, Sha. Saan ka galing? Bakit nandito ka din?"

"Kakauwi ko lang galing Bicol eh. Sino ang kasama mo? S-saan si-"

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon