14

14.3K 195 24
                                    

14

----

SHA's POV

Tumakbo agad ako sa kwarto kahit na pinipigilan ako ni Cherry. Kailangan kong malaman kung bakit aalis si Art!

At laking gulat ko nang wala na lahat ang gamit niya sa kwarto. Lahat wala! Pati bag. Pati laptop, cameras, lahat talaga.

Patakbo kong pinuntahan ang kusina at hinanap ko agad si Mama.

"Maaaa! Maaaa!"

Nasa kusina sila at nagkakape kasama sina Tita Nilda.

"Ma, saan pumunta si Art? Bakit wala lahat ang gamit niya? Bakit hinayaan niyong umalis? Paano kapag napahamak yun? Ang layo ng Manila, Ma!"

Sunod-sunod kong tanong pero parang wala lang sa kanila ng nangyari.

Ngumiti pa si Tita Nilda na talaga namang lalong nagpakaba sa akin.

"Ma! Ano ba?! Di niyo ba alam na umalis si Art?"

"Huminahon ka nga Sha. Kasama niya ang Tito Delfin mo, pati ang Papa mo. Pupunta sila sa bayan at kakausapin yung mga taong pagbibilhan ng karne para sa fiesta sa isang araw. Dyaske itong batang ito."

"Eh bakit wala yung gamit niya sa kwarto? Bakit lahat wala?"

"Nasa loob ng cabinet anak. Itinabi ko at baka galawin ng mga bata eh. Mamahalin pa naman ang mga iyon."

Para akong binunutan ng tinik ng marinig yun kay Mama. Hay grabe. Akala ko umalis na naman si Art.

"Eh bakit ba kasi iniisip mong aalis siya?"

"E-eh kasi..."

"Eh kasi ipinahiya ng isa mong kaibigan. Sa tingin ko hindi personal na magkakilala yang si Cherry at Art. Tama ba ako, Sha?"

Laglag ang panga kong napatingin kay Tita Nilda. Lahat talaga napapansin nito. Hay naman!

"Tita. Wag na po nating pag-usapan yun. Nagbibiro lang din naman si Cherry."

Tumingin lang sa akin ang dalawang ito at umiling-iling. Ako rin kasi mismo di makapaniwala sa nangyari kanina pero ano bang magagawa ko? Nangyari na eh.

"Osiya, sige na. Mabuti pa, ilibot mo yang si Cherry. Baka gabi pa bumalik ang mga Papa mo kasama si Art."

Tumango lang ako at tumalikod na rin pabalik kay Cherry. Nakasalubong ko si Cherry sa sala at abala sa panonood ng TV. Nandoon ang mga bata pero di man lang niya ito nilalaro kagaya ni Art. Di ko na lang yun pinansin kasi pwedeng pagod pa rin siya kaya ganun.

"Mine, gusto mong matulog?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Tulog tayo?"

Napangiti rin ako sa idea niya. Tutal naman gabi pa ang balik nila Art, siguro naman di niya kami aabutang tulog dito ni Cherry.

"Tara!"

----

ART's POV

Tuwang-tuwa ako nang malaman kong sa labas nagsetup ng lunch sina Tita. Nakakamiss din kasing kumain sa labas. As in literal na sa labas.

Nakakatuwa pa dahil nang makita ako ng mga bata na papunta sa duyan, sumunod na agad sila sa akin. Masyado na yata silang nawiwili sa akin. Hehe.

Dumulog na kami sa mesa at parang fiesta ang itsura ng hapag nila. Napakaraming nakahain na prutas, gulay at ang special sinigang sa miso ni Tita.

Pero wala pa si Cherry. At siya na lang ang hinhintay.

"Tito, let's wait for Cherry. Di ba, Sha?"

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon