26

11.3K 282 71
                                    

But somehow, some things never changed.

And even time hasn't cooled the flame.

It's burning even brighter than it did before.

ART's POV

"Yam, pwede ba tayong magpicture?"

Nakatingin lang sa akin si Sha habang inaayos ko ang buhok ko at naghahanda para sa aming kauna-unahang double selfie after five years. Tatawa-tawa ito at mukhang di makapaniwala na nag-aya akong kumuha ng picture kasama siya.

"Seriously?"

"Oo nga! Naman 'to eh. Sige na o?"

"Huuu! Yoko nga!"

Kainis. Ngayon lang hihiling eh. Ginulo ko ulit ang buhok ko at nagulat ako nang agawin nya mula sa akin ang fone ko.

"Game!"

Nagliwanag ang mga mata ko na parang Christmas lights. Magpa-pasko na. Kung tatanungin ako ni Santa ngayon, isa lang ang hihilingin kong regalo sa kanya. At 'yun ay ang ibalik niya sa akin ang babaeng pinakamahal ko.

Kumuha kami ng mahigit isandaang pictures. Sinulit ko na. Iba-iba--may wacky, blurred, ah basta! Marami! Pero ang pinakapaborito ko ay ang picture na nakahalik ako sa noo nya. Kahit noon pa, 'yun na ang paboritong paglalambing ko kay Sha.

"Picture pa more?"

Tanong nya na kala mo nangiinis pa.

"Noooo!"

"Hahahaha! Napagod ka noh? Akala mo aatrasan kita sa selfie na 'yan ha!"

Ngumiti lang ako at nag-backhug sa kanya habang abala siya sa pagtingin sa mga litrato namin.

"I missed this."

"Hmm?"

Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko habang hinahalik-halikan ko ang buhok nya.

"This. You. Me. Us. I missed us, sobra. I waited for five years na mayakap ka ulit. Na marinig mula sa'yo yung YAM."

"Yam."

"There. That's how it sounded like eight years ago. 'Yung inlove na inlove ka pa sa akin, nung ako pa ang kasama mo sa pagbuo ng future at forever."

"Ssshhh."

Itinapat niya ang daliri niya sa mga labi ko, parang sinasabing wag na akong manghinayang dahil everything will come to life again.

Hinalikan niya ako ng marahan. Parang pakiramdam ko tumigil ang buong mundo sa pag-ikot at tanging kami lang ang natitirang gumagalaw. Siya lang at ako.

"Stay with me, Sha. Stay with me."

Tumango ito. At pakiramdam ko, napuno ng butterflies at lahat ng flying creatures ang tyan ko.

"Halika na nga! Tumayo ka na dyan at magluto na tayo. Gutom na ako Yam."

"Ipagluluto moko?"

Parang bata akong na-excite nang marinig kong magluluto siya. Siya kasi ang pinaka-pinaka-pinakamasarap na magluto sa buong earth!

"Hmm. Oo kaso di ka naman na kumakain ng corned--"

"Ay Yam kahit araw-araw o oras-oras pa, kakainin ko yang corned beef na yan. Dali na! Yam please. Saka sinangag, saka coffee?"

"Yam hapon na. Bat breakfast gusto mo?"

"Eh... Gusto ko nun. Palagi ko naaalala yun. Yung breakfasts natin, yung super kaduper sinangag mo. Lalo na yung coffee mo."

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon