SIXTEEN

1.2K 15 9
                                    

ACHIEL

"Kamusta po ang pakiramdam nyo nay? May masakit pa ba? "

Kanina ng makarating kami ni Maryan ay kaagad na din kaming dumiretso dito sa kwarto ni Nanay. Hindi pa din mawala ang hiya sa mukha ko dahil nung sumakay kami ng taxi nakipag selfie talaga ako sa driver. 

PUNYAWANG EIVAUN!

"Okay na ko nak.  Ikaw ba?  Si Maryan?  Bakit nandito iyan?  Wala bang trabaho? "

Pang uusisa ni nanay sa akin.

"Ewan ko jan..  Wala naman daw nay eh.  Oh baka off na niya.  Or nag absent siya.  Hindi ko alam. "

As i have planned.  Bukas ay pupuntahan ko si Madam A. I'll talk to her parte na din sa paglisan ko sa trabaho.  Wala akong magagawa kung ipagpapatuloy ko yon kasi paniguradong hindi papayag si Eivaun.  Tsaka pinapalipat na kami ng bahay kaya masyadong malayo.

Speaking of Eivaun.

"Hey baby! " he uttered upon approaching me.

Bat lalong gumwapo yata to?  He seems so blooming today.

"Whats with the face? " i suddenly asked.

"Huh?  Nothing. And uhh,  by the way..  May lakad ka ba bukas? "

Napakunot ako ng noo.

Anong plano ng lalaking to?  Bat parang may tinatago?

"Meron eh.  Pupunta akong bar.  Bakit? "

"And why would you go there? "

Mula sa may ngiting mukha nito ay bigla na lamang napalitan ng madilim na anyo.

The heck.  Im not yet finished.  Parang tanga.  Aawayin pa ako eh.

"Magre-resign na ko.  Yun sabi mo diba? Tss" napa irap at umiwas ako ng tingin sa kanya.


"Anong Bar nak?  Sinong mag re-resign? " napatutop ako sa aking kinatatayuan at nilingon si Nanay.

Fudge!  Andito lang pala kami sa kwarto niya.

"Ahh.. Ano nay..  Wala po..  Yung kaklase ko lang nung highschool..  Birthday nya eh.   Nagyayang mag Bar.  Alam mo na.  Girls Party nay.  Hehe"

Tinapunan ako ng tingin ni Eivaun. Like he's asking if my mom knows anything.  Pinandilatan ko siya ng mata na parang sinasabi na *tumahimik ka*.

Gladly..  He did keep quiet.

Its not yet the time to tell this to my mother..  Paniguradong magagalit sya at hindi ko yon kaya.  Yung nagkakatampuhan kami.  She is living her whole life na pag aralin at tustosan ang lahat ng pangangailangan namin ng kapatid ko kaya't gusto kong suklian lahat ng iyon.  Hindi na kaya ni nanay.  Ayokong mas mahirapan pa siya.  I cant afford to lose my mom just because im doing the things that will only provide unto myself.

Buong buhay ko, siya nalang yung nasa tabi ko at lahat ng paghihirap na dinanas niya sa ama namin,  sa munting edad ko ay nakita ko na iyon.  Hindi siya lumaban kasi mas iniisip niya yung kapakanan naming mag kapatid.  My mom is a real fighter and i adore her on being like that. Hindi kagaya ko..  Im a total coward.  Takot ako sa commitment. Takot ako na lahat ng naranasan ng ina ko ay mangyayari sa akin thats why ive messed up my life..  With my husband.

Takot akong ako yung ma iwan. Takot ako sa lahat n maaaring makasakit sa akin. And that made me a selfish person..  Hindi man ako makasarili sa pamilya ko pero pinagkaitan ko ng karapatan ang asawa ko.

"Hey,  whats with the deep thought? " hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami ng kwarto ni nanay.  Naupo kaming dalawa.  Ive leaned my head on his shoulders.

"Im sorry"

"Huh?  For what? "

"Sa lahat..  Alam kong mali yung ginawa ko.   Mali na sarili ko lang yung inisip ko..  Mali na natakot ako at hindi pinaglaban kung anong meron tayo noon.  Lahat kasalanan ko..  Kung hindi ko sana ginawa yung mga bagay na iyon.   Hindi magkakaganito eh.   Im an insensitive woman.. Gusto ko lahat lang ng gusto ko yung nasusunod.  And im really sorry for doing that Eivaun" tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Ngayon ko lang kasi nilabas lahat ng hinanakit ko sa aking sarili na matagal ko ng tinatago. 

To be continued...

OWN PLEASUREWhere stories live. Discover now