TWELVE

1K 6 0
                                    

ACHIEL

"Umuwi ka na muna. Wala ka pang maayos na tulog oh. Kahapon ka pa nandito. Go home and fix yourself." Napaangat ako ng tingin kay Eivaun ng bigla iyong sumulpot. Basically kakahatid lang nito Kay echo sa school bago pumunta dito. Ganyan na Ang routine niya araw araw. Kasalukuyang mahimbing na ang tulog ni Nanay. As what the doctor said, stable na ang lagay niya pero kailangan pading mag ingat. And I know that. Mula kahapon pa ako nandito sa hospital. Eivaun and Echo left at quarter 7 I think. Hindi naman kasi pwedeng mag stay ang bata dito kaya pinauwi ko sila. Ayaw pa nga nung una ni Eivaun and he said na sasamahan niya ako but I insist. Kailangan padin ni Echo ng kasama.

"Nah.. bukas na"

"Achiel. For once, makinig ka naman." There's a questioning look in my face as I stared directly at Eivaun's eyes.

"Diba ikaw may trabaho ka din? I mean, you're a professional chef. You're handling your restaurants. Your company. Hindi naman pwedeng pabayaan mo nalang yun." he shook his head before answering me.

"It's still too early. What's the purpose of hiring professional chefs if they can't do their job right? Yes?" Napatutop ako sa kinauupoan kong sofa. Well, he has a point.

"So, go home and get some rest. Ako na ang bahala dito."

"Why are you doing this?" I asked out of nowhere na ikinanuot ng noo ni Eivaun.

"I mean, pabago-bago ka. Noong isang araw anlakas ng loob mo na insultohin ako in front of Zaim. Then bigla kang babait. I don't understand you."

'i can't understand what you're planning to'

Gusto ko pa sang idugtong ang mga katagang yun but it would be harsh. Ayokong isipin niya na pinagdududahan ko ang mga kinikilos niya which is basically I am. He's just.. he can't just be anyone if he wants. Mas pinapalito niya ang isipan ko eh.

"Uh. For that one. I'm sorry about saying that to you. I didn't mean it that way. Jealousy was just eating me that time..." He whispered the last words kaya naman hindi ko masyadong narinig.

"Oh, okay" nasabi ko nalang then I stand up, reached for my sling bag and fix my clothes.

"Sige, alis na ako. Pag nagising si nanay sabihin mo nalang na babalik din ako mamaya" tumango nalang siya kaya tumalikod na ako at lumabas.

SUMALAMPAK ako sa kama ko ng makarating ako sa bahay. Not in our house but in Eivaun's. I made up my mind upon staying here. Hindi pwedeng nandon si nanay sa barong barong naming bahay at langhap lahat ng bacteria ng dumi pati na din ng bunganga ng mga kapitbahay. Ipapakuha ko nalang ang mga natira naming gamit doon and I'll talk to Eivaun pag naging ok na ang sitwasyon.

Napabuntong hininga ako. I feel so tired.

Minutes later, bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko kaya nakatulog na din ako.

I woke up at about 6 in the evening. Ang haba ng tulog ko. Ngayon na lang din ako bumawi sa tulog dahil ako ang palaging nandon sa hospital. Kinausap ko na din naman si Madama about me not going to the bar muna. Mas kailangan ako ng nanay ko and gladly she understands that.

Tumayo na ako at naligo. Then lumabas and got some jeans and simple sky blue fitted shirt for my clothes. Kumuha na din ako nga extra para sa dadalhin ko sa hospital.

OWN PLEASUREWhere stories live. Discover now