Equation Thirty Five

12.2K 148 4
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)
storyline by toneewritestragedies
EQUATION THIRTY-FIVE: Les Miserables



CHAERIN.

"Chaerin ayos ka lang ba?"

Tanong sa akin ni Nikos habang nasa railings ako ng terrace sa rest house nila sa Tagaytay. Dumito muna kmai pagkatapos nung nangyari sa amin ni Jirou. Hindi ko alam kung hiwalay na ba talaga kami. Ang gulo-gulo talaga. Oo, totoo ngang nasaktan ako sa sinabi niyang mas pinipili pa niya yung lahat ng kayamanan ng pamilya niya kesa sa akin. Tama siya, buhay na nila ang pagnenegosyo. Yun nga lang, kahit pa lahat ng klaseng pagmamahal ang ibigay ko sa kanya, wala pa din. Pakakasalan niya si Bettina at ako ang maiiwang nasaktan, talunan at luhaan.

"Oo Nikos. May naisip lang."

"Si Jirou na naman ba?"

Kung tutuusin, ayokong marinig ang pangalan ng taong yun. Dahil pag naririnig ko, parang bumababa ang blood platelets ko.

"Hindi ah. Iniisip ko lang kung magkano ba ang nagagastos ng pamilya niyo sa pagpapaganda nitong rest house. Parang mansion sa laki at ang ganda ganda. Parang hindi ko kayang tumira sa ganito kalaking bahay." Nginitian ko siya.

Natawa siya, "Chaerin, alam mo ba kung bakit pinagawa ito nila Mommy?  This symbolizes all their hardships para lang mabuhay kami. 'Di nila pinagawa itong malaking bahay na ito para magyabang o kung ano pa man."

"Ha? Naghirap ba kayo? Kala ko all the way rich people talaga kayo."

"Hmm, how will I answer that question? Actually di naman kami ganito dati. My parents were just having a simple life. Saktong may kaya lang. Yes,  they do have business. Pero mga small time lang. Marunong makipagsapalaran sa tadhana sina mommy at daddy. Little by little nakakaraos sila at nakakapag-invest na ng iba pang business ventures. And then, I was born.  "

"Wow. Napakasipag talaga ng parents mo. Kaya pala lagi silang swerte sa lahat ng bagay 'noh?"

"'Di naman lahat ng bagay swerte sila." Ngumisi si Nikos kaya ako naman ay napkunot ang noo.

"Bakit naman? Nasa kanila na ang lahat pero.
panong hindi sila suswertehin?"

"It's just they simply do not love each other."

Nagulat ako sa sinabi ni Nikos. Paanong hindi mahal ng parents niya ang isa't isa?

"Nikos. Di kita maintindihan. Paano 'yun?"

"They are just staying together as friends. Living together as my father and mother. But they don't love each other romantically. They were best of friends way back in college, nagkasundo sila na if ever they reached the age of 30 at wala pa silang napapangasawa, they are going to marry each other.  Hindi nila mahala ang isa't isa romantically, I must say, but deep inside, they do have a platonic love or maybe heroic friendly love. And then I came. Napilitan silang gawin ako dahil 35 na sila nun, wala pa silang anak."

Tumingin lang ako sa langit. Posible kayang pakasalan ni Jirou si Bettina na talagang 'di niya mahal at gagawin niya lang yun para sa family niya?

Wala akong pakialam sa anumang gagawin niya o paplanuhin niya. Para sa akin, isa lang siyang amag na tinatangal sa keso kapag mapapanis na.

Teka, saan ko ba nakukuha ang ganyang mga banat?!

"Ang galing naman ng parents mo." 'Yun na lang ang nasabi ko.

"They're the best parents and providers."

"Malungkot ka ba dahil alam mong 'di nila talaga mahal ang isa't isa?"

"At the contrary, of course. But I realized that sometimes, love isn't enough. Na kelangan mong mabuhay para 'di lang sa sarili mo kundi para sa nakapaligid sayo. That you should sacrifice love to be... to be contented to see others happy. To smile with them even it is hard for you to accept na hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya masaya."

"I agree.." Tumango-tango ako.

"Huh?"

"W-wala. Ahm Nikos, mejo gutom ako hehe, tara merienda tayo. " kunwari gutom ako pero gutom talaga ako!

"Let's go."

Tama nga si Nikos at alam kong nasabi niya ang bagay na iyon dahil sa kanya na mismo nangyari yun.

JIROU.

It is just a matter of pride. I left Chaerin with an unfogivable sin—a deadliest sin which will haunt me for the rest of my life. Oo. Tanga na kung tanga, bobo na kung bobo pero wala akong magagawa kundi magsakripisyo sa pamilya ko.  This is for them and I have to suffer this mess as long as I am living. Kung pwede lang mamatay ngayon sana mangyari na. I know I 've caused so much pain to her. I destroyed our life, our future, our everything.

"Hunnybee,  are you doing fine?"

I looked back, I thought it's Chaerin. Damn! What are the thoughts?! Si Bettina pala.

"Yeah? I'm good." Tapos dumiretso ulit ako ng tingin sa overlooking na lugar.

"Mom and I were planning about to plan for our upcoming wedding. I think it would be better if you'll join us. Gusto kong maging extravagant ang wedding natin." She exclaimed.

Simula nang pumayag ako sa arrangement na 'to, parang nag-iba na din si Bettina. She became self-centered and all she thought was me and our upcoming wedding.

"What?! Teka, magpaplano agad tayo pero Sa tingin ko wala pang petition doon sa marriage annulment case namin ni Chaerin." Fuck! Ang hirap sabihin nun!

"H-huh? Oh. Uhmm, Mom will do something about that. Pero it would be nicer if we will plan it now, 'di ba?" Tapos ikinawit niya ang kamay ko sa braso niya.

"No, Bettina."

"Jirou—"

Tinalikuran ko siya at aalis na sana pero bigla siyang nagsalita.

"Jirou, I am dead serious about our wedding!! Kung ayaw mong sumunod, I will make Chaerin's life miserable as I can!"

Humarap ako and push her off the wall.

"Would you please stop that foolishness?! Ano pa bang gusto mo? Magpapakasal na ako sayo't lahat sisirain mo pa din ang buhay ni Chaerin? Bakit? Para saan? Pabayaan mo na siya pwede ba? Nalalason na ang isip mo ng Nanay mo!"

Bettina put her arms around my nape and draw near to my face. "I dont give a damn if you don't want to marry me. I just want to win your heart again. To love me again, coz I own you." then she kissed me hardly. I pushed her hard and left her.

Kissing Bettina Chua is one big pain in the ass.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon