Equation 13 and 14

15.8K 218 8
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)
storyline by toneewritestragedies
EQUATION THIRTEEN. Goodbye, Crush!

Chaerin's POV

'Di ko talaga ine-expect na ikakasal na kami ni Jirou sa susunod na linggo. Ang bilis talaga ng mga pangyayari eh. Ewan ko kung bakit ganito ang parusa saken ng Diyos. Naging mabait naman akong tao 'di ba? At saka hindi naman kasi sinasadya 'yung 'nangyari' sa amin ni Jirou kaya sana naman at i-reconsider 'yun ng mga amo ko pati ng mga magulang ko. Ang unfair naman kasi e! Sa lahat ba naman kasi ng pwede kong pakasalan bakit si Jirou Sue-Chien pa?Naiinis talaga ako! Pakiramdam ko wala talaga akong kalayaan! Para akong kalapating nilagyan na nga ng tari, kinulong pa sa loob ng hawla! Ang saklap 'di ba? Ang tanga ko naman kasi eh. Ah basta! kasalanan to lahat ni Jirou! Bwiset!











May malaki lang akong problema...



Kung paano ko ito sasabihin kay Nikos. Alangan namang bulagain ko na lang siya isang beses na, 'Hi, Nikos! Ikakasal na kami ng best friend mo. Nag-chorvahan kasi kami ni Jirou last time e. Sorry ha. Better luck next time!' 'Yung ganoon? Diyos ko 'day! Mababaliw ako pag yun ang sinabi ko. At isa pa, hindi ako mukhang pokpok para sabihin na lang 'yun ano!



Alam ko masasaktan siya ng husto.

Pero kelangan ko panagutan ang kasalanan ko FOREVER! Ang saklap talaga ng buhay ko. 'Di ba walang forever?! Ay meron pala, FOREVER SAWI. At ako 'yun. Unfortunately.





Alam kong magagalit siya pag nalaman niya ito. Malapit na maging kami pero wala eh. I am about to say that I like him, too. Kaso NAUDLOT dahil sa pesteng si Jirou at ayun, nagkasanga-sanga na ang mga problema. Alam ko kinakarma na talaga ako dahil sa mga pinaggagagawa ko sa kanya pero grabe namang karma to. KAILANGANG PAGDUSAHAN HABANG BUHAY!

No choice...

Nikos really need to know this. Ayoko siyang paasahin. Naiisip ko pa lang 'yung magiging reaksyon niya, naiiyak na ako.

Nang sa tingin ko at handa na akong sabihin kay Nikos ang lahat, nag-decide akong tawagan siya para magkita at magkausap kami ng personal.



"H-hello Nikos.."

"Oh Chaerin! What's up? Are you okay? What happened to you? Si Jirou, kamusta na siya?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Ayun, ikakasal na kami next week. Sabi ko sa sarili ko.

"Uhhmm meron kang dapat malaman." ito na Chaerin. Ito na talaga!

"About what?"

"Tungkol sa akin.. at kay ..Y-Young Master.."

"Huh? What do you mean?" 

"Magkita tayo sa Stellar Avenue ngayon.."

"Sure.."

--

Stellar Avenue



This is it. This is really is it. Is it, really? Ugh! Ano na ba 'tong pinagsasabi ko?! Hinihintay ko ngayon si Nikos sa bridge kung saan kami nagkita dati. Dumating siya ilang minuto ang nakakalipas pagkarating ko. He actually came on time, mas maaga nga lang akong nakarating.Bigla niya agad akong niyakap. I don't know why pero bigla akong naiyak. Gusto ko mang kumalas sa mga yakap niya pero mas pinili ko na lang na gantihan siya ng mas mahigpit na yakap. Who knows? This might be our last interaction.   

"What happened? Bakit ka umiiyak?" Namilog ang mga mata niya pagtingin niya sa akin. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon