Equation Thirty Three

12.6K 162 1
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)
storyline by toneewritestragedies
EQUATION THIRTY-THREE.  Fighting!

CHAERIN.

Masarap ang gising ko ngayong umaga, matapos lahat ng hardships na napagdaan ko, parang ang sarap ng feeling. Bumangon ako mula sa kama at napansin kong wala na sa tabi ko si Jirou. Saan naman napunta yung lalaking yun?

Nagsuot ako ng tsinelas tapos dumirecho sa kusina, nakita ko si Jirou na nagluluto ng breakfast namin. Himala ah! Anong nakain niya at nagkusa siyang magluto para sa amin
ngayon? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran niya.

"Oh, gising ka na pala. Good morning, Chae." Lumingon siya sa akin at hinalikan ako.

"Oops. Mamaya na yang paglalambing mo, tapusin mo muna ang pagluluto mo. Hahaha."

"Yes Mrs. Sue-Chien." bumalik uli 'yung paningin niya sa kalan.

"Wow ah. Bakit mo naisipang magluto ngayong umaga? Wala ka bang pasok?"

Pinatay niya muna ang kalan tapos humarap uli sa akin at bumuntong hininga, "I'm sorry Chae, tinanggal na ako sa trabaho eh, nung malaman ng pinagtatrabahuhan ko na ako si Jirou Sue-Chien, bigla nila akong tinanggal, paano ba naman kasi, Jin Chiu lang ang gamit kong pangalan, eh na-trace pa ako ng mommy ni Bettina kaya talagang tinanggal pa nila ako."

"Ang babaw ng mommy niya. Loser lang gumagawa ng mga ganyang bagay eh. Hmm babes, may sasabihin din pala ako sayo. Sorry ha." Nag-grin ako at nag-peace sign.

Umarko ang kilay niya, "Why? What happened?"

"'Di na ako mag-aaral sa Maple U.  Forfeited na daw kasi ang scholarship foundation ni Mama kaya hindi na ako eligible. Ayun, pero nag-offer si—ay hindi pala, nagpresenta si Nikos na siya na lang daw ang tutulong sa akin sa pag-aaral ko. Pasensya na ha. 'Di ko rin mahindian eh. Gusto ko talagang mag-aral." I felt guilty. Hindi ko alam kung ano 'yung mararamdaman niya. Gusto ko lang namang maging transparent sa mga nangyayari sa akin personally.

Magagalit kaya siya? Sasabog ba ulit siya na parang bulkan? Naku po. Napapkikit na lang ako.

"Walang problema. Desisyon mo yan. Maganda ding tapusin mo yang pag-aaral mo." Kinusot niya ang ulunan ko at saka ngumiti sa akin.

"Salamat Jirou! Thank you!" Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.

***



Tumunog ang phone ko habang nagbubunot ako nang sahig.  Unregistered number kaya naisip kong sagutin agad dahil baka importante.

"Hello?"

"Hello, Chaerin, si Mama ito."

"Mama?! Mama!! kamusta na po kayo?"

Bigla namang lumapit si Jirou sa akin nang malaman niya na si Mama pala ang nag-overseas call galing Hong Kong.

Kinuha niya mula sa akin ang phone, "Mama, si Jirou 'to. What's up there? Are you doing all good? Where's Papa and Ate Minji?"

"Oh, oh. Wait lang couple. Wag niyo pag-agawan ang phone—"

Inagaw ko naman kay Jirou 'yung cellphone. "Mama, si Chaerin po ito ulit. Kamusta na po kayo dyan sa Hong Kong? Maayos na po ba ang buhay niyo dyan? Kailan po kayo babalik dito sa Pilipinas?"

"'Wag ka nga muna paepal, Chaerin. Kakausapin ko muna si Mama. Mama mo ba siya, sa kanya ka ba lumabas? Mamaya ka na!!" Nag-shupi sign pa sa akin ang asawa kong mukhang hapit sa cellphone.

"Stop it Jirou and Chaerin. You're acting like children. Relax!" Natatawa naman si Mama sa kabilang linya.

"Oo na po. Eto kasi si Jin Rouji eh. Pasaway! 'Di naman siya yung tinawagan, nakikiepal pa."

"Hay naku, kayong dalawa talaga. Anyways, we are doing good here. Tinulungan kami ng kapatid ko to put up a new business, now we are owning a convenience store at the center of the market. And mabenta ang mga products namin kasi for Filipinos ang main products."

"Wow Mama, congratulations! Mabuti naman at mejo nakakaluwag na po kayo jan nina Papa. Si Ate Minji po?"

"Ayun, may tailoring shop siya sa shopping district. And guess what, unti-unti itong umisikat sa mga customers. Thank God because hindi niya kami pinapabayaan dito sa Hong Kong. Well, how about the two of you?"

"Ah eh.. Kasi po Mama, err.."

"What's that anak? Tell it to Mama."

"Marami po kasing nangyari dito sa amin ni Jirou eh. Natanggal po siya sa trabaho at ako po 'di na makapasok sa Maple U pero tutulungan po ako ni Nikos para makapag-aral. Mag-aapply din po ulit si Jirou ng ibang trabaho."

"Tsktsk. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa dyan. Sumunod na kaya kayo dito sa Hong Kong."

Inagaw na naman sa akin ni Jirou yung phone. "Ma, that's what I'm talking about to her. Pero we haven't talked it seriously."

"Ganun ba? I would suggest Chaerin may continue her studies here in Hong Kong, well the both of you, actually."

"Eh mama kasi.."

"Bakit ayaw niyo pang umalis dyan? Is there something bothering you?"

Nagkatinginan naman kami ni Jirou. Nagturuan pa kami kung sino ang sasagot kay Mama.

"Mmm, we're just going to settle something here Mama then susunod na lang kami dyan sa inyo. We will assure you of that." Sa huli, si Jirou na lang ang nagsalita.

"Salamat naman, bilis-bilisan niyo na lang kung ano ang dapat niyong i-settle ha, then call us kung pupunta na kayo dito. Is that alright?"

"Yes Mama."

After ng ilang pang advices at chika, nagpaalam na si Mama, kumain na din kami ni Jirou. Ewan ko ba, pareho ata kaming napagod sa kakasalita kaya eto, natahimik na kami. Pagkatapos naming kumain, naglinis na ako ng bahay, habang si Jirou naman eh naglalaba. (bagay 'noh?) nag-ring na naman ang phone ko.

Si Mama ba ulit?

"H-hello?"

"...huh?..

..uh-uhmm..

..k-kayo po?..

..ano pong kelangan niyo saken?..

..ngayon na ba agad?..

..saan tayo magkikita--..

..s-sige pupunta ako ngayon..

..maghintay lang po kayo jan..

..b-bye.."

"Chaerin sino yun? Lakas ng boses mo ha."

"B-basta." Bakit naman niya ako tinawagan at saan niya nakuha ang number ko?

"Sabihin mo nga kung sino yung tumawag." Kinuha niya mula sa akin ang cellphone ko pero agad ko namang binawi.

"'Di ko nga pwede sabihin. Aalis muna ako. Dito ka lang muna, may kailangan lang akong puntahan."

Hinigit ni Jirou ang braso ko, napaharap ako sa kanya."Is this about the crisis of the family, Chaerin?"

'Di ako nakasagot sa tanong niya sa akin kaya  hnawakan niya na lang ako sa magkabilang balikat ko.

"Well, I think I have to follow you. This concern is about us.  For everybody and for our whole family.  Chaerin, listen to this. My fight is your fight, too."

Nag-isip pa ako at naningkit ang mga mata. "Bro fist? Fighting!"

Nag-fist bump kami at mabilis akong inakbayan.

"Loka-loka. Tara na nga. Sumugod na tayo."

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon