HIDE OUT

16 8 0
                                    


(Izza's pov)
Nang mapansin kong nakaalis na sina Jasmine at Princess, ay agad akong naglakas-loob na bumalik sa may dalampasigan para alamin kung sino ba ang killer sa likod nito at kung bakit niya ito ginagawa.

Una niyang pinatay si Mr. Allyson, ibig sabihin baka ang killer ay ang nagbigay ng mysterious message kay Mr. Allyson nung nakaraang araw, ibig sabihin baka ang killer ay ang isa sa mga pinanghinalaan ko kanina sa may yate. Pero sino kaya ito? Saka bakit niya ito ginagawa?

Nang sa aking paglalakad ay napansin na parang naliligaw na ako sa gubat. Teka, nasaan na ba ako?

Madilim ang paligid at natatakpan na rin ito ng mga makakapal na hamog. Sa tingin ko nasa gitna ako ng kagubatan. Sa aking paglalakad ay may nasalubong akong isang kubo. Teka, bakit may kubo dito sa gitna ng kagubatan.

Lumapit ako dito at nakita kong bukas ito kaya pumasok ako. Madilim ang loob nito pero patuloy pa rin akong pumasok. Sa aking paglalakad ay bigla na lang akong may natapakang flashlight. Agad ko itong pinulot at binuksan. Nagulat na lang ako nang pagbukas ng flashlight ay nakita ko na puno ng picture ang kubong ito. Tiningnan ko ang mga picture at napansin ko na ang mga picture na ito ay mga litrato ng mga mayayamang kompanya at naging bisita sa ceremony kanina dito sa islang ito. Hindi kaya baka ito ang hide-out ng killer.

Nakita ko rin ang litrato dito nina mama at papa. Ibig sabihin pinagplanuhan niya ngang patayin ang lahat ng tao dito sa isla kanina, pero bakit?

Nagulat na lang ako ng biglang namatay ang flashlight na hawak ko. Ipinukpok ko ito pero hindi na talaga itong umilaw pa. Sa tingin ko naubusan na ito ng baterya.
Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba ng mapansin ko ang anino nakikita ko sa sahig. Agad akong tumalikod at nakita ko nga ang taong nakahood na nakatayo na sa may pintuan ng kubong ito. Mas nakaramdam ako ng takot nang makita ko na papalapit na ito sa akin at akmang itinataas niya ang palakol.

Akmang tatagain niya na sana ako ng bigla ko siyang binato ng flashlight sa mukha. Agad niya namang nabitawan ang palakol na hawak niya dahil sa sakit na pagbabato ko ng flashlight sa kaniyang mukha.

Kukuhain ko na sana ang palakol sa sahig pero bigla niyang tinapakan ang paa ko at napasigaw naman ako sa sakit. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sinakal. Ramdam ko ang pagbaon ng kaniyang daliri sa aking kiig. Nakaanat na din ako ngayon at unti-unti na akong nauubusan ng hininga.

Malakas ko siyang sinipa sa kaniyang tiyan na naging dahilan upang ako ay makawala. Agad akong lumabas sa kubong iyon at mabilis akong tumakbo.

UNDERHANDWhere stories live. Discover now