MYSTERIOUS NOISE

16 10 0
                                    


(Jeydon pov)
Nandito kami ngayon sa likod ng isa sa mga kubo-kubo sa resort na ito. Kasama kong nagtatago si Matt at ang kayakap niya na patuloy pa rin sa kakaiyak na si Miya. Dito lang kami nagtatago simula pa kanina.

"Nasaan na kaya sina Izza, Rob at Patty, ayos lang kaya sila?" mahinang ani ni Miya habang patuloy sa kakaiyak.

"Ipagdasal na lang natin" tugon ko kay Miya. Tumatakbo lang kami at hindi namin namalayan na hindi na pala namin kasama si Rob at Izza. Si Patty kanina pa nawawala simula nung nagsimula yung ceremony.

"Guys kailangang may gawin tayo" ani ko kela Matt at Miya.

"Anong gusto mong gawin natin, wala tayong kalaban-laban sa killer na iyon, mamatay lang tayo kapag lumaban tayo sa kaniya!" tugon sa akin ni Miya habang patuloy sa kakaiyak.

"Baka nakakalimutan niyo na may mga dala tayong cellphones, kailangan nating makapunta sa room natin upang makuha ang mga ito" pagpapaliwanag ko kela Matt at Miya at tumango naman sila.

Tiningnan ang baybayin upang tingnan kong nandoon pa ang killer at napansin ko na wala na ito.

"Guys wala na ang killer" tugon ko sa kanila at dahan-dahan kaming lumakad palabas sa pinagtataguan namin. Dahan-dahan kaming naglalakad sa tabi ng may baybayin. Tahimik na ang paligid at wala ka na ring makikitang mga taong tumatakbo. Tanging makikita mo na lang ay ang mga bangkay na nakahandusay kahit saan. Sa tingin ko, kami na lang ang titira o baka mayroon pang iilan na nagtatago sa saan mang sulok ng islang ito na kaniya-kaniya gawa ng paraan upang makaligtas. Ang tanging maari na lang naming gawin ngayon ay ang mabuhay.

"Pssstttt....." napalingon kami ng biglang mapansin namin ng may tumatawag sa amin. Nakita namin ang mga pamangkin nina Mr. Allyson na sina Steph, Shaine at ang isa pang lalaki na nagtatago rin sa isang kubo at dahan-dahang naglalakad papunta sa direksiyon namin.

"Huwag kayong lalapit, paano kung isa sa inyo ang killer" banta sa kanila ni Matt, maging ako ay napaatras din sa kanila dahil sa ngayon ang kakailanganin lang namin ay ang mag-ingat.

"Kung isa sa amin ang killer, eh bakit kami magtatago" paliwanag ni Steph sa amin.
Sabagay, imposibleng isa sa kanila ang killer dahil pumapatay ang killer at hindi siya magtatago. Pero posible rin na isa sa kanila ang killer dahil baka ngayon ay nagpapanggap na siya. Kaya kailangan ko pa ring mag-ingat.

"Teka, sino yang lalaking kasama niyo?" seryosong tanong ko sa kanila habang nakakaramdam ng hinala sa isa nilang kasamang lalaki.

"Ito nga pala si Steven, nakasama naming nagtago kanina" paliwanag sa akin ni Steph at napangisi naman ang lalaking tinawag nitong Steven. Agad ko namang pinukulan ng masamang tingin ang Steven na iyon. Basta wala akong tiwala sa kaniya.

"Paano kayo nakakasiguro na mapapagkatiwalaan ang lalaking iyan, paano kung siya ang killer at nagpapanggap lang na kasama niyo" sigaw ko sa kanila habang patuloy na naghihinala.

"Pwede ba Jeydon huwag ka ngang praning!" saway sa akin ni Miya at hindi na lang ako umimik. Basta wala pa rin akong tiwala sa lalaking iyon.

"Tara, sumama kayo sa akin" yaya sa kanila ni Matt at tumango naman sila. Hindi ko lang sila pinansin.  Dahan-dahan kaming nagsimulang naglakad sa dalampasigan ng islang ito. Nasa unahan ng aming paglalakad ay sina Matt at Miya na magkayakap, ang sumunod naman ay ang lalaking kahina-hinala na nakahawak lang ay kaniyang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo, sumunod naman sina Steph at Shaine na patango-tango lang sa paligid at ang sa hulihan naman ay ako na patuloy lang na pinagmamasdan ang mga kilos ng mga bago naming kasama dahil patuloy pa rin ang paghihinala ko sa kanila.

"Tulong!" napalingon na lang kami sa isang kubo ng biglang may sumigaw sa loob nito. Tiningnan namin ang loob ng kubo na iyon at madilim ang loob nito.

"Kailangan natin siyang tulungan" natatarantang sigaw ni Steph.

"Tara kailangan natin siyang puntahan" natatarantang ani rin ni Miya.

"Teka, paano kayo nakakasiguro na humihingi nga ng tulong ang taong sumigaw na iyon" paliwanag ko sa kanila dahil hindi dapat kami magpadalos-dalos sa mga desisyong gagawin namin.

"Pwede ba Jeydon, tumigil ka nga, napapraning ka na naman, uunahin mo pa ba yang sarili kesa sa tumulong sa iba!" saway sa akin ni Miya at napansin kong sumang-ayon ang lahat sa kaniya.

"Oh sige bahala kayo sa gustong gawin niyo, hindi na ako makikialam, pero ito ang tandaan niyo, minsan ang pagbibigay ng tulong ay ang pagbibigay din ng kapahamakan sa inyo!" sigaw ko sa kanila bago tuluyang umalis sa harapan. Hindi ko na nais na makasama pa sila. Bahala na sila sa mga buhay nila dahil kaya ko namang mabuhay ng wala sila.

UNDERHANDWhere stories live. Discover now