SUSPECION

22 9 0
                                    

IZZA

"Guys magpapahangin lang muna ako" ani ko sa kanila at napatango naman sila. Agad akong tumayo at iniwan sila. Nilibot-libot ko ang yateng pinagsasakyan namin. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Mr. Allyson na may gustong pumatay sa kaniya.

Mukhang mabait kung tingnan itong si Mr. Allyson kaya sino naman kaya ang nagbabanta sa kaniya na patayin siya. Maraming mga pulis akong nadadaanan sa paglalakad ko. Lahat ng mga kilos at itsura nila ay tinitingnan ko kung may kahina-hinala ba sa kanila.

Nagulat na lang ako ng biglang mapansin ko ang apelyedo sa uniporme ng isang pulis na nadaanan ko, yung apelyedo niya ay......

Nagulat na lang ako ng biglang mapansin ko na ang pulis na iyon ay akmang nakatingin na sa akin. Nakakatakot ang tingin niya, mukhang kahina-hinala. Napansin ko na unti-unti na siyang lumalapit sa akin. Agad ko namang iginalaw ang mga paa at sinimulang tumakbo.

Nakaramdam na rin ako ng takot nang mapansin kong hinahabol niya na ako. Agad naman akong nagtago sa likod ng isang pintuan. Kahina-hinala ang pulis na iyon.

"Miss, may problema?" nagulat na lang ako ng biglang napansin ko na may isang lalaking kaharap ko ngayon . Kasing tanda ko lang ito. Malakoreano ang itsura niya at may maamong mukha. Pero sa totoo lang ang cute niya. Hindi ko alam kung kaano-ano nito si Mr. Allyson, dahil simple lang ang pananamit nito at hindi mukhang mayaman. Akmang lumapit sa akin ang malakoreanong lalaking iyon at  kasalukuyan lang na nakangiti sa akin.

"Napansin ko kasi na parang may pinagtataguan ka, may nangyari ba?" ani niya sa akin habang patuloy pa ring ngumingiti. Agad naman akong umalis sa pagkakatago ko sa pintuan. Nilingon-lingon ko ang paligid at napansin na wala na yung pulis na humahabol sa akin.

"None of your bussiness!" taray na sagot ko. Sa totoo kasi, ayaw kong pinapakialaman ako. Pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi man lang siya nagalit sa akin dahil patuloy pa rin itong nakangiti sa akin.

"Miss, hindi ako nandito para makipagaway, I am here to help you, baka kasi may masamang nangyari sa iyo" sabi niya sa akin at patuloy pa rin siyang nakangiti samantalang ako ay patuloy pa ring nakataas ang kilay sa kaniya. Ganito kasi talaga ako, hindi ako agad nagtitiwala sa mga taong hindi ko pa lubusang kilala.

"Im John Kenneth Fernandez, isa ako sa mga tour guide sa Pandemonium Resort, mabait akong tao at isa rin akong kaibigan" pagpapakilala niya sa akin na akmang iniabot niya sa akin ang kaniyang kanang kamay upang makipagkamay. Batay sa pagpapakilala niya ay mukhang mabait nga siya at mukhang hindi rin siya kahina-hinala.

"Im Izza Christine Aviles" pagapapakilala ko. Agad ko namang iniabot ang kamay niya at nakipagkamay naman ako sa kaniya at binigyan ko rin siya ng pilit na ngiti.

"Buti naman at nag-iba na rin ang mood mo sa akin" ani niya sa akin na akmang nakangiti pa rin. Kapatid ba nito si Matt, mukhang pareho sila ng attitude eh, pero sa totoo lang mas cute ito kaysa kay Matt.

"Sorry kung natarayan kita kanina, hindi lang kasi ako basta-basta nagbibigay ng tiwala" paumanhin na sagot ko sa kaniya at agad naman siyang napatango.

"Ah ganun ba, huwag
kang mag-aalala mapagkakatiwalaan ako" malambing na tugon niya sa akin. Agad naman ako; napangiti sa kaniya.

"Tara sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo" yaya ni John sa akin at agad namang kinuha ni John ang kanang kamay ko at mabilis kaming tumakbo na magkahawak ang aming mga kamay.

Dinala niya ako sa harap ng yate. Sabay kaming napatingin sa magandang tanawin ng dagat. Nilalanghap ang sariwang hangin at pinagmamasdan ang dagat. Sa di-kalayuan nakikita ko na rin ang isang isla kung saan makikita ang Pandemonium Resort. Maliit lang ang islang iyon pero mamamangha ang kahit sinuman ang makakapunta doon. Maya-maya lang ay napansin ko ang lalaking nakaupo banda sa likuran namin. Ito yung pilay matandang lalaki na tinulungan namin kanina. Batay sa pagkakaalala ko, Remomafel ang pangalan nito. Nakashades pa ito at bahadyang busy sa pagbabasa sa isang magazine.

UNDERHANDWhere stories live. Discover now