A MYSTERIOUS MESSAGE

40 11 0
                                    

IZZA

"Guys tara, baka mahuli tayo!" yaya sa amin ni Jeydon at agad naman kaming nagsipagtakbuhan papunta sa yateng pagsasakyan namin.

Sa Pandemonium Resort ang punta namin. Isa ito sa pinakasikat at pinakamayamang resort dito sa Pilipinas. Ngayon ipagdiriwag ang Anniversary ceremony nito kaya malamang bongga ang gaganaping ceremony mamayang gabi.

Our parents are invited to join the ceremony. Busy sila sa mga kompanyang pinanghahawakan nila kaya kami na lang ang pumunta.

Kasama ko ang mga kaibigan ko na sina Jeydon, Miya, Matt, Rob at Patty. Magkakaibigan din ang mga magulang namin at pawang mayayaman pa. Nabuo ang pagkakaibigan namin ng dahil nga sa mga magulang namin.

Si Jeydon Montenegro ang palaging seryoso sa amin, palaging tahimik at tipid kung magsalita. Matalino siya at sensitive sa lahat ng bagay. Ganyan kasi siya pinalaki ng mga magulang niya para maging handa siya kapag siya na ang magpapatakbo ng kompanya nila.

Si Matt naman ang kabaliktaran ni Jeydon. Mexicano ang tatay niya at ang tatay niya rin ang nagahawak ng isa sa pinakamayamang kompanya sa boung mundo. Pero sa totoo lang, wala siyang pakialam kung siya ang magiging tagapagmana ng kompanya nila. Si Matt ang pinakamasayahin sa amin at sarcastic din sa lahat ng bagay.

Si Miya Stephenson naman ang kaibigan kong reyna ng kaartehan. Wala siyang ginawa kundi ang magpaganda. Ang mga magulang niya kasi ang nagpapatakbo ng kompanya ng  mga pabango kaya kailangan daw ay palagi siyang maganda.

Si Patty Savage naman ang kaibigan naming nerd. Mahilig kasi siyang magbasa ng kung ano-ano. Para kasi sa kaniya reading is life. Hindi niya na inaasikaso ang sarili basta nakakapagbasa siya.

Si Rob Silverstone naman ang kaibigan naming macho. Macho rin naman sina Jeydon at Matt. Pero mas macho si Rob. Everyday kasing nasa workout itong si Rob kaya machong-macho ang dating. Siya rin ang tagapagtanggol ng grupo namin.

At ako naman ay kung hindi niyo tatanungin ay friendly lang. Observant ako sa lahat ng bagay. Sa totoo lang pangarap ko kasing maging detective kahit ayaw ng parents ko. Pero support din naman ako ng mga kaibigan ko.

Napalingon na lang kami ng biglang may lalaking  natumba banda sa likuran namin. Nakita namin ang isang lalaking pilay na natumba. Agad naman namin itong nilapitan at pinatayo at iniabot ang kaniyang saklay.

"Salamat mga iho at iha" wika ng lalaking kaharap namin ngayon.

"Walang pong anuman!" tugon ko naman dito.

"Ako nga pala si Ginoong Remomafel Flores, hayaan niyo na kapag kayo naman ang hihingi ng tulong, tutulungan ko kayo!"napangiti naman kami sa sinabi ni Ginoong Remomafel. Agad naman din siyang umalis sa harapan namin at dumiretso na papasok sa loob ng yate.

"Guys, ang weird ng lalaking iyon" ani ni Miya pero hindi na lang din namin pinansin dahil aalis na yate kaya pumasok na rin kami. Pero kung ako ang tatanungin, may kakaiba sa matandang iyon. Malakas ang hinala ko na may kakaiba sa kaniya.

"Kayo ba ang mga anak nina Mrs. Montenegro, Mrs. Petersen, Mrs. Stephenson, Mrs. Savage, Mrs. Silverstone at Mrs. Aviles?" napalingon na lang kami ng tanungin kami ni Mr. Allyson.

"Oo kami nga" agarang tugon naman ni Rob.

Si Mr. Allyson Sarmiente ang may hawak ng Pandemonium Resort. Hindi namin aakalain na kaharap namin siya ngayon at kasama pa sa iisang yate.

"Buti naman at nakapunta kayo, sayang lang dahil hindi niyo kasama ang mga magulang niyo, tara sumama kayo sa akin, saluhan niyo kami" napangiti naman kami  at agad na sumunod sa kaniya. Masyadong malaki ang yateng sinasakyan namin ngayon at yayamanin din ang mga gamit na nakapalibot dito.

Maya-maya lang ay lumantad sa amin ang isang lamesa na puno ng pagkain. Dito kami sa likuran ng yate. Makikita rin dito ang ibang mga yateng sumusunod sa amin na ang pagkakaalam ko ay mga guest din sila sa Pandemonium Resort. Agad naman kaming pinaupo ni Mr. Allyson.

"Siya nga pala" napalingon naman kami kay Mr. Allyson na siya ay magsalita "Nais ko palang ipakilala sa inyo si Mrs. Victoria Sarmiente, siya nga pala ang pinakamamahal ko na asawa" ngumiti naman kami kay Mrs. Victoria at ngumiti rin siya sa amin "At ito nga rin pala si Princess Clover Sarmiente, ang nag-iisa kong anak" itinuro naman sa amin ni Mrs. Allyson ang kaniyang anak na batang babae, sa tingin ko na sa mga 7 years old palang siya "At ito naman sina Steph Morgan at Shaine Francine Ford, mga pamangkin ko naman sila"

"Hi" bati sa amin ng isang babae na ang pagkakaalam ko ay siya si Steph "Lagi kaming kasama ni Uncle Allyson dahil baka daw isa sa amin ni Shaine ang susunod na magpapatakbo ng pandemonium resort, alam niyo naman itong si Princess masyado pang bata" dagdag ni Steph.

"At ito nga pala si Ms. Amanda Montesilva, ang assistant ko" napatingin na lang kami sa assistant ni Mr. Allyson na nasa likuran. Pormada ang sout niya at puno rin siya ng mga mamahaling alahas. Mukhang hindi siya isang kung titingnan mo.

"Matanong lang Mr. Allyson" nabalot ng katahimikan ang lahat ng bigla akong magsalita at ibinaling nila ang kanilang atensiyon sa akin. "Bakit napakarami po yatang body guards at mga police ang nakapalibot sa yateng ito?" seryoso kong tanong dahil kanina ko pa ito napapansin.

"Sa totoo lang, may nagpadala sa akin kahapon ng isang sulat" nabaling ang atensiyon naming lahat sa sagot ni Mr. Allyson

"Ano pong sulat iyon?" curious tanong ni Jeydon.

"May gustong pumatay sa akin!" bigla kaming natamimi sa sinabi ni Mr. Allyson "Hindi ko alam kung kanino galing ang sulat na iyon, pagbabayaran ko daw ang kasalanang nagawa ko, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya na kasalanang nagawa ko, kaya wala akong alam kung sino man ang gustong pumatay sa akin" nagulat kami sa sinabi ni Mr. Allyson. May gustong pumatay kay Mr. Allyson?, pero sino?

Kung may gusto mang pumatay kay Mr. Allyson malamang lagi iyong sumusunod kay Mr. Allyson upang manmanan siya at naghahanap lang ng tyempo upang patayin si Mr. Allyson. Pero sino naman ang gagawa nun?. Malamang kasama lang namin ngayon ang gustong pumatay sa kaniya. Lahat naman ng tao dito ay kahina-hinala. Lahat ay pwedeng paghinalaan. Pero sino nga ba at ano naman ang motibo niya?. Kung akong tatanungin, kahina-hinala ang assistant ni Mr. Allyson, sa tingin ko mayaman naman ito, pero bakit ang pagiging assistang ni Mr. Allyson ang pinasok niya.

Kahina-hinala rin ang dalawa niyang pamangkin, bakit ganoon na lang ang pagnanais nila na maging tagapagmana ng Pandemonium Resort.

Kahina-hinala rin ang asawa ni Mr. Allyson dahil parang bang masaya pa siya sa mga sinabi ni Mr. Allyson.

Malakas ang kutob ko na isa lang sa mga taong nakasakay sa yateng ito ang gustong pumatay kay Mr. Allyson. Malamang baka isa sa mga pulis o baka naman isa sa mga bodyguards ang gustong pumtay kay Mr. Allyson. Hindi ko rin naman pwedeng paghinalaan ang mga kaibigan ko dahil wala namang kahina-hinala sa mga kinikilos nila saka mga kaibigan ko sila at hindi ko dapat sila pinaghihinalaan.

#IamVillain_1

UNDERHANDWhere stories live. Discover now