PARTY STARTED

16 9 0
                                    


(Izza's pov)
Napamangha kami sa bongga ng mga desenyo na ginawa dito sa 1st floor building ng Pandemonium Resort. Dito kasi gaganapin ang ceremony. Pagkapasok mo pa lang sa pintuan mapapamangha ka na. Puro mamahalin ang nasa paligid. Magsisimula na ang selebrasyon ng 2nd Anniversary ng Pandemonium Resort. Hinihintay na lang si Mr. Allyson para sa kaniyang Opening Remarks. Marami na  tao at halos nagpapasosyalan sa sout. Hindi ko nga alam kung bakit pinasuot pa nila sa akin itong red gown, black boots, at black gloves. Gusto ko kasi simple lang ang susuutin pero dahil mga kaibigan ko ang humiling kaya napapayag na lang ako.

"Teka, napansin niyo ba si Patty" natuon ang atensiyon ko kay Rob ng bigla siyang magsalita. Napansin ko rin na wala sa paligid si Patty. Saan naman kaya pumunta iyon?.

"Ladies and Gentlemen, please welcome the President of handeling in this Resort, let's give him a wonderful clap, MR. ALLYSON SARMIENTE" natuon bigla ang atensiyon namin sa emcee na nagsalita sa stage. Agad naman umingay ang lahat dahil sa palakpakan at nagsisiabang sa paglabas ni Mr. Allyson sa stage.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh" hindi namin malamang ang reaksiyon namin ng makita namin ang katawan ni Mr. Allyson na wala nang ulo na naglalakad sa stage. Kumakalat sa magara nitong damit ang pulang likido na umaagos mula sa kaniyang liig. Nakaramdam ang lahat ng takot dahil sa nangyari kay Mr. Allyson. Sino ang may gawa nito sa kaniya?.

Blaggggggggg!

Nagulat na lang kami ng biglang malakas na nagsarado ang pintuan. Mas nakaramdam pa kami ng takot ng magpakita sa stage ang isang taong nakaitim na hood, may hawak itong dalawang palakol at akmang nakatingin sa amin. Sino naman kaya siya?

Bigla kaming napasigaw ng bigla itong lumapit sa mga tao at pinantataga ang mga taong madaanan niya. Kitang-kita ang pagragasa ng mga dugo sa mga taong pinangtataga niya. Kitang-kita ko din ang pagbaon ng palakol sa mga ulo at nakita ko din kung papaano naging mala-fountain ang rumaragasang dugo nila sa ulo at ang paglabas ng kanilang utak.

Agad na nagkagulo ang lahat at kaniya-kaniyang gawa ng paraan para makalabas sa building na ito. Tuminhin ako sa labas upang tingnan ang mga security guard na nakabantay dito pero napaiyak lang ako ng makita kong may mga taga na sila sa liig at wala nang mga buhay. Siguro pinagplanuhan ng nakahood na ito ang gagawin niya. Patuloy pa rin sa kakataga ang taong nakahood na iyon, nagdanak na ng dugo sa sahig, maging ang nga pader ay puno na rin ng mga sariwang dugo.

Nagsisigawan, nagiiyakan samutsaring reaksiyon ang maririnig mo. Pinilit naming makalabas sa may pintuan pero nakasarado talaga ito.Ang tanging labasan na lang ngayon ang apat na bintana na mayroon sa 1st floor building na ito. Agad naman naming binasag ang isang bintana na malapit sa amin at nagsisiksikang lumabas. Lalabas na sana ako ng makita ko si Ms. Victoria at si Princess  na umiiyak na patuloy pa ring pinagmamasdan si Mr. Allyson. Agad ko silang nilapitan at agad ko naman silang sinama palabas.

Siksikan man sa paglabas ng bintana pero pinilit pa rin namin ang makalabas  at makatakas sa kung sino mang taong iyon na pinapatay ang halos lahat ng tao sa resort na ito. Tiningnan namin ang kasuotan ng mga security guard kung may mga armas pa ito pero nabigo kami. Siguro nga pinagplanuhan ng killer ang gagawin niyang pagpatay sa lahat ng tao sa resort na ito. Patuloy pa rin ang takbuhan at sigawan ng mga tao dahil sa takot. Agad naman kaming tumungo sa yate upang sumakay. Halos siksikan na ang mga tao sa loob ng yate. Nasa hagdanan sana kami ng yate nang biglang......

Boooommmm!....

Napatalbog kami sa buhanginan ng biglang nagsisabugan ang mga yate.

"Ahhhhhhhh!" nagulat na lang kami ng mapansin namin ang duguang ulo ni Ms. Victoria dahil sa pagkakatama niya sa isang bato. Hindi lang ito basta durog dahil kita na din ang utak nito.

"Mamaa!" sigaw sa kaniya ni Princess habang humahagolgol sa pag-iyak. Agad ko namang nilapitan si Ms. Victoria upang tingnan ang kalagayan niya.

"M-Ms. Victoria, lumaban ka lang po, ipapagamot ka po namin kapag nakaalis rayo sa islang ito, basta po kayanin niyo lang po" ani ko kay Ms. Victoria habang natataranta.

"Hindi ko na kaya, may nakatagong yate sa likod ng islang ito, iligtas mo si Princess, huwag mo siyang papabayaan" sabi sa akin ni Ms. Vistoria habang unti-unting binabawian ng buhay. Agad kong niyakap si Princess at humagolgol sa pag-iyak.

"Princess, makinig ka kay ate ha, we need to leave this island, hindi ka pababayaan ni ate" ani ko kay Princess habang patuloy na humagolgol sa pag-iyak.

Wala akong magawa kundi ang sundin si Ms. Victoria. Mahirap man sa aking kalooban pero hinila ko si Princess kahit patuloy pa itong humahagolgol sa pag-iyak sa kaniyang ina. Takbo-takbo lang kami ng takbo. Pero teka, nasaan na ang mga kaibigan ko, wala na sila sa tabi ko.

Nilingon ko ang paligid upang hanapin sila pero hindi ko sila nakita. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga bangkay na nakahandusay sa buhanginan at mga ilang na patuloy pa ring nagsisitakbuhan.

"Izza!" napalingon ako sa isang lalaking tumatawag sa akin banda sa may dagat.

"Rob!" sigaw ko ng mapansin ko na si Rob ito. Mahigit siyam na metro ang layo niya sa akin.  Mukha itong napilayan dahil sa pagkakasabog ng yate kanina. Pero teka, bakit si Rob lang, nasaan yung iba kong mga kaibigan. Agad akong tumakbo kasama si Princess papunta sa kinaroroonan ni Rob. Pero bigla akong makaramdam ng kilabot ng mapansin ko na ang taong nakahood ay nasa likuran na ni Rob.

"Robbbb!!" sigaw ko kay Rob nang makita ko ang pagkakataga sa kaniya ng killer. Nakita ko ang biak sa ulo ni Rob dahil sa malakas na pagkakataga sa kaniya. Nakita ko din ang paglaglag ng kaniyang eyeballs sa lupa. Napahagolgol ako sa iyak dahil wala na ang isa sa mga kaibigan ko.

Patuloy pa rin sa kakataga ang killer sa lahat ng taong maabutan niya. Bigla na lang ako nakaramdam ng kaba ng mapansin ko na papunta na ang killer sa kinaroroonan namin ni Princess.

"Princess tara!!" agad din kaming tumakbo ni Princess. Agad kaming nagtungo sa gubat dahil baka doon ay hindi kami makikita ng killer.

UNDERHANDWhere stories live. Discover now