Chapter 9 The Anniversary

2.4K 54 0
                                    

       Ngayon ay ang 34th Wedding Anniversary nila Xavy at Zena.Sa malawak na solar ng mansion ng mga Teixera gaganapin ang magarbong  party imbitado ang lahat ng malapit na kaibigan at kamag-anak ng mga Teixera.Nag-hire pa sila ng events coordinator para personal na maasikaso ang nasabing kaganapan.Nagliwanag ang buong kabahayan sa mga lanterns na nakasabit sa mga puno.Amoy na amoy ang masasarap na pagkaing Brazilian,Italian at Filipino na pina cater sa isang kilalang chef.Naguumapaw ang red wine at champagne para sa mga bisita.

       Masaya si Astrid para sa mama at papa niya.Hanga siya sa wagas na pagmamahalan ng mga ito.Ang kwento ng mama niya ay whirlwind romance daw ang nangyari sa mga parents niya.Her papa meet her mama while he is on vacation in Brazil.Na love at first ang kanyang papa sa kanyang mama.At that time wala daw balak makipagrelasyon ang kanyang mama dahil nagmamasteral pa ito.Pero mapilit ang kanyang papa.Una ay long distance relationship lang muna sila umuwi ang kanyang mama sa Italy at bumalik naman ang kanyang papa sa Pilipinas.Nagpatuloy ang kanilang relasyon kahit magkalayo silang dalawa.Sa sulat at tawag lang ang komunikasyon ng dalawa.Natanggap ang kanyang mama na magturo sa isang unibersidad sa Pilipinas.Apat na buwan pa lang na mag nobyo ang mga ito ng alukin ng kanyang papa ang alukin nito ang kanyang mama ng kasal.Kaagad namang pumayag ang kanyang mama.Kahit magkaiba ang bansang pinagmulan ng mga ito ay hindi yun naging hadlang sa pagmamahalan nina Xavy at Zena.Hindi maiiwasan ang problema sa buhay mag-asawa pero kinaya ng mga ito ang hamon sa buhay at napagtagumpayan naman nito.Kung mag-away ang mga ito ay kaagad naman itong nagbabati bago matapos ang araw.

     

     Both Aya and Astrid admire their parents love for each other they wished to find a husband like their papa.Responsible,loving,respectful and will do everything he can for the good of the family.

    Hinihintay ni Astrid na dumating si Philip medyo matatagalan pa daw dahil galing pa ito ng Laguna sa isang construction site na naka-assign dito.Ang huling tawag nito ay malapit na daw ito.

     Medyo marami na ding bisita as usual abala sila sa pagiistima ng mga ito.Kausap ni Aya ang kaibigang si Amina.Nasa labas na daw ito.Nagpaalam muna siya sa kanyang ate upang sundin ang kaibigan sa labas.

      Nandun din ang bestfriend niyang si Enzo.Halos kunin nito ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Gwapong gwapo ito sa suot na three piece Armani suit.Bale wala naman dito ang pagpapapansin ng mga babae.Nakapagtatakang wala itong ganang makihalubilo sa mga ladies.

      ''Gwapo natin ngayon,ah''

       ''Ako pa''

       ''Bumabagyo pa sa lakas ng hangin''

       ''Totoo naman''

       ''Wala ka bang type dyan sa mga bisita''

       Umiling ito.Nakapagtataka ito ngayon walang ganang makihalubilo sa mga babae kilala itong lady killer at ngayon mas mabait pa ito sa santo.

        ''Teka ikaw ba yan Enzo?''

         ''Yap,its me''

         ''What happened to the real you?''

        ''Ako pa rin ito''

         ''Weh,hindi nga''

          ''I decided to change,from now on magseseryoso na ako sa babae I'm not getting any younger,besides nag-usap kami ni papa the other day.Ibibigay daw niya kay Iago ang CEO ng ARGroup kung hindi ako magseryoso sa buhay''

          ''I think that was tito Leo's best decission ever,so may napili ka na ba sa mga dumating?''

           Hindi ito nagsalita.Napakunot noo si Astrid.Tiningnan niya ito.Anong mayroon at parang naistatwa ito?Nang tingnan niya ang direksyon kung saan ito nakatingin ay nakuha na niya kung sino ang dahilan kung bakit ito natulala.Si Amina ang bff ni Aya.Magkasama ito ng kanyang kapatid na kausap ang kanilang mama.Hinampas niya ang braso nito para kunin ang atensyon nito.

Miss High and MightyWhere stories live. Discover now