Chapter 1 Astrid

8.2K 94 4
                                    

      Natapos na naman ang isang araw salamat at makapagpapahinga na din siya.Hindi na siya makapaghintay na makarating sa sariling kwarto at magpahing.Gusto na niyang matulog at makapagpahinga dahil bukas ay panibagong araw na naman at sandamakmak na trabaho ang naghihintay sa kanya.Kailangan ay magpakita siya ng magandang halimbawa sa kanyang mga nasasakupan.Kailangan ay ipakita din niya sa board na tama ang naging desisyon ng mga ito na siya ang susunod na magiging CEO ng TCons.Ang TCons ay isa sa pinakamatagumpay na construction firm ng bansa.Dugo at pawis ang pinuhunan ng kanyang papa para marating ang tinatamasang tagumpay.At dahil siya ang panganay sa dalawang anak na puro babae pa ay natural na sa kanya iatang ang responsibilidad na pamahalaan ang kompanyang itinatag ng kanyang ama.

      Astrid Zane Teixera is the eldest of the two daughters of Armand Teixera a half Brazilian half Filipino businessman and Zena Oliveira half Italian half Brazilian professor of Economics in a prestigious university.Her younger sister Ariana Xena or Aya is an interior designer.At the age of 33 she doesn't mind being out of the calendar who cares about being a nbsb.With her status as the VP for Operations of TCons she doesn't have a time to even think that she is single.Masyado siyang madaming inaala para sa mga walang kawenta-kwentang mga bagay.Hindi naman siya manhater perfectionist lang sabi nga ng mga kaibigan niya.

      Kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki ay kaya pa niyang higitan.Her business prowess is known in the businessword as well as her beauty.Marami ang nagsasabing maganda siya.May lahi kasi silang Brazilian at Italian kaya kahit saan siya mapunta ay makatawag pansin siya.Marami siyang mga manliligaw unfortunately she is too clever for their own good.Media dub her as Ms.High and Mighty.Balewala sa kanya kung ano man ang itawag sa kanya for as long as na wala siyang taong tinatapakan at nagtatrabaho siya ng marangal yun ang importante.

      Pinalaki sila ng kanilang magulang na may takot sa diyos at may paggalang sa kapwa.Kahit na nakakaangat sila sa buhay ay hindi sila inispoil.Marunong silang gumawa ng gawaing bahay pati ang pagluluto.Kahit na may katulong sila sa bahay ay sinigurado ng kanilang mama na alam nila ang lahat ng gawaing bahay.Nang matapos siya sa kursong engineering ay nagtrabaho kaagad siya sa TCons nagsimula siya sa bilang isang ordinaryong empleyado hanggang sa marating niya ang pwesto niya ngayon.Nagsikap siya para ma promote sa mataas na posisyon halos hindi na siya umuuwi sa kanilag bahay.Sa sweldo din niya kinuha ang perang ipinambili ng kanyang condo ngayon

      Kung ang mga anak na babae ng mga CEO ay mahilig sa nightlife at party.Astrid is the exact opposite.Tuwing weekends ay nasa condo lang siya nagpapahinga.Kun hindi siya sinasama ni Aya o di kaya si Lorenzo na lumabas ay nasa loob lang siya ng kanyang kwarto nagmomovie marathon o di kaya ay nakikinig sa kanyang ipod.

    Napagpasyahan niyang maagang umuwi para makapagpahinga siya.Marami siyang ginawa ngayong araw.Dadaan na lang siya sa paboritong restaurant at magtatake-out na lang siya ng pagkain at sa condo na lang siya kakain para maaga siyang makauwi.Siguradong matraffic na naman and lansangan dahil rush hour na.Habang inaayos niya ang kanyang lamesa ay bumukas ang pinto ng kangyang opisina at iniluwa ng pinto si Aya ang kanyang nakababatang kapatid.Dalawang taon ang tanda niya rito.Sa TCons din ito nagtatrabaho ito ag head ng Interior Design department.

   ''Hi 'te'' lumapit ito at nakipagbeso sa kanya

  ''Hi how was your day sis?"

   ''Nakakapagod sobra,ikaw?''

 ''Same here''

 ''Sama ka sa akin''

 ''At saan ka naman pupunta ng lagay na yan?''

 ''Magdidinner lang,my treat sige na ate Zain'' nagpuppy eyes pa ito at tinawag pa siya sa second name niya

 ''Sige pero wag tayong magtatagal alam mo naman ang traffic ngayon''

Miss High and MightyWhere stories live. Discover now