Chapter 5 The Ex

2.8K 54 0
                                    

  

        ''Maligayang pagbabalik Ursula''

         ''Salamat po yaya''

         ''Nakahanda na ang tanghalian''

         ''Sige po magbibihis lang po ako''

         ''Sige''

         Pumasok siya sa kanyang kwarto halos walang nabago ang kanyang mga gamit sa eskwela,mga paboritong basahing libro isang pamilyar na bagay ang bukod tanging nagpapaalala sa kanya ng kanyang nakaraang kahit kailan ay hinding-hindi niya malilimutan.Kumusta na kaya siya,naaalala pa kaya niya ako.Dahil siya kahit minsan ay hindi nawaglit sa aking puso't isipan.

         Matapos magbihis ay kaagad siyang bumaba para mananghalian.Halos dalawang araw din ang inilagi niya sa loob ng eroplano.Magkahalong antok at pagod ang kanyang nararamdaman.Natakam siya sa nakahain sa mesa puro mga paboritong pagkain nya.Sinigang na hipon,pakbet,beef steak at inihaw na bangus.Maganang kumain si Ursula.Namiss niya ang kanyang paboritog pag-kain.Higit sa lahat ang a particular person whom she loved so dearly.

          ''Kumusta an panliligaw bro?''

           ''So far so good Marco''

           ''Diba sinabi ko sa 'yo wag kang maiinlove,tsk di ka talaga marunong makinig''

          ''Pasensya na pare tinamaan talaga dito oh''

           Sabay turo niya sa kaliwang dibdib

           ''Naks,tinamaan ka talaga ng ligaw na bala ni kupido''

            Maingay at maraming tao sa loob ng bar.Halos dalawang bote pa lang ng beer ang naiinom nila Marco at Philip.Sabado ngayon kaya madami ang nagbabarhopping ngayon.

            Nagsleep over si Aya sa condo ni Astrid buong linggo ay abala silang dalawa sa tambak na trabaho sa opisina.Katatapos lang maligo ni Astrid at nagpapatuyo siya ng basang buhok samantalang nagfafacebook naman si Aya.

          ''Hindi ka ba nagsasawa sa pagfb na yan''

          ''Hindo,no''

           ''Sino ba ang kachat mo?''

          ''Si Amina''

            ''At ano naman ang pinaguusapan ninyo?''

           ''Tungkol sa inyo ni kuya Phil''

           ''At bakit naman kami nadamay dyan?''

           ''Wala lang kakakilig kasi kayong dalawa,eh''

           ''Kilig ka dyan''

           ''Teka tatanunging ko si Amina kung may fb si kuya Philip para i-add ko siya''

             ''Simba tayo bukas''

            ''Sige,oh mayroon daw,teka hahanapin ko''

             Nang mahanap nito ang account ni Philip sa fb ay kaagad itong i-nadd ni Aya at ipinakita sa kanya ang account ni Philip.

              ''Tingnan mo ang profile picture niya,oh diba ang gwapo niya rito?''

              ''Patingin''

               Naka blue Lacoste tshirt at denim jeans with matching blue Nike free shoes ito.Bahagyang nakangiti na nagpabilis ng tibok ng puso ni Astrid.

Miss High and MightyWhere stories live. Discover now